"Im going home... kailangan kong makausap si Daddy" sabi ni Gian na ikinabahala ko.
"Wag muna ngayon Gian, Palipasin mo muna yang init ng ulo mo, Siguradong magkakasagutan lang kayo ng daddy mo." sabi ko.
Nagulat kaming lahat sa pagsuntok niya sa pader. "B*llSh*t!" sigaw niya tsaka Nagtakip ng mukha at napaupo.
Lalapitan ko sana siya ng bigla siyang nagAngat ng Tingin. "Ihanda mo na yung mga Gamit mo" sabi niya sa akin.
"Ha? B...Bakit?" tanong ko.
"Aalis tayo" sabi niya tsaka ako hinila papuntang kwarto pero agad kaming natigil ng magsalita ang mga kasama namin.
"Sigurado ka na ba dyan Gian?" tanong Ni lance, Kita sa mga mukha nila ang pagaalala, di naman sumagot si Gian, Tumango lang siya kay lance.
"Susuportahan kita," paniniguro ni Lance.
"Di ba kayo mapapahamak sa gagawin niyong yan? Paano si Jazmine? Yung sakit niya? Makakaya mo ba paginatake yan?" pagaalala ni Ate jacky.
Tsaka naman sumangayon yung kambal, "Kaya ko siyang alagaan at protektahan, ang importante ngayon ay matulungan niyo kaming makaalis" sagot ni Gian.
"Ako ng bahala, Saan niyo ba balak pumunta?" tanong ni lance.
"US..." maiksing sagot ni Gian.
"Im going to Call Someone, Magayos na kayo ng gamit niyo ngayon" sabi ni lance tsaka may Dinial sa cellphone.
Agad akong hinila ni Gian sa kwarto, Di niya na ako hinintay na kumilos siya na ang naghalungat sa cabinet ko at inilagay iyon sa isang malaking bag.
"Kuhanin mo na yung mga personal mong gamit, lalo na yung mga importante tsaka yung mga gamot mo" sabi niya na di man lang tumitingin sa akin dahil busy sa kakalagay ng mga damit ko sa bag,
Di ko alam pero di ko siya sinunod, nanatili lang akong nakatayo at nakayuko, Para bang nabibigla pa din ako sa mga nangyayari, tama pa ba? Dapat pa nga ba kaming lumaban?
Napansin ni Gian ang di ko pag kilos, "Jazmine... May problema ba?" pagaalala niya.
"Wag na nating ituloy... Sundin mo na lang ang daddy mo" mangiyak ngiyak na saad ko.
"ANO!?" halata sa mukha niya ang pagkadismaya.
di ko na napigilan ang mga luha ko, "Gian... Di na ako magtatagal, Kayo ng Daddy mo... ayokong masira kayo dahil nanaman sa akin," sabi ko.
"You're Unreasonable! Jazmine... Wag ka munang magisip ng kahit ano! tayong dalawa muna! Tayong dalawa muna ang isipin mo" sabi niha tsaka ako niyakap.
"Pero Gian..."
"Shhh... Please, Samahan mo akong lumaban, Para sa ating dLawa. Ayokong mawala ka sa akin Jazmine, Ayoko na ulit!" tsaka niya mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
ginantihan ko ang yakap niya, "Natatakot ako Gian" sabi ko.
"Don't be... Kasama mo ako, promise ko yan" sabi niya.
_____________________________
"Di kayo makakaalis Gian, May mga nagbabantay na sa airport, mga tauhan ng Daddy mo" sabi ni lance.
Matagal na namayani ang katahimikan sa amin, Halos lahat ay nagiisip ng pwedeng maging ibang paraan.
"How about sa province? Tama! Sa province na lang kayo magtago" suwestyon niya.
"Tama! Magpapabook ako ng Domestic flight for sure naman di maiisip ng daddy mong sa probinsya kayo magtatago" sabi ni lance at akmang magdidial sa phone ng nagsalita si Gian.
"Dont... It's Better if We take the Ship, Magbabarko kami, para sure" sabi ni gian.
"Kung iyon ang gusto mo" sagot ni lance.
Nasa Pier na kami ngayon, Pinagsuot nila kami ng mga ordinaryong damit na di kami makakaagaw ng pansin,
"Magingat at magEnjoy muna kayo doon, Kami na ang bahala dito" sabi ni lance.
"Hoy Gian! Ingatan mo ang Pinsan ko ha!" sabi ni hannah na nagpangiti sa akin, napaka taray talaga niya kahit kailan.
"Oo nga! Mamimiss ko kayo!" dugtong ni Haidy.
"Nako! Baka nga pagbalik nila Jontis na rin yan kagaya ni hannah!" singit ni ate jacky, agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran.
"Aray ano ba! Aalis ka na nga mananakit ka pa!" sabi niya.
"Kung ano ano kasi yang lumalabas sa bunganga mo!" sabi ko.
"At bakit!?..." pagtataray niya sa akin. "Ano sa tingin mo Gian!?" baling niya kay Gian.
"Malay Natin!" pilyong sagot niya din. Sinamaan ko lang siya ng tingin,
"Best... Dont Worry too Much, kami na ang bahala dito, Basta take care of yourSelf ha!" sabi ni ashley.
Tumango lang ako at tsaka sila nginitian, Matapos ang pansamantalang pagpapaalam, Sumakay na kami ni Gian, sa barko papuntang Iloilo.
"Anong iniisip mo?" tanong ni Gian ng nakatanaw ako sa malawak na dagat sa harap namin habang nakaupo.
"Ikaw" pilyong sagot ko.
Agad naman siyang napangiti, Hinawakan niya ang kamay ko, "Kaya natin toh, Maayos din ang lahat, Bast magkasama tayong dalawa" sabi niya tsaka ako hinalikan sa noo.
"Iniisip ko yung mga bagay na pwedeng mangyari, Bukas naman sa isip nating lahat yung pwedeng mangyari sa akin dahil sa sakit ko di ba?, Gusto ko sanang maging matatag ka sa oras na..." di niya ako pinatapos.
"Dont Talk that way, Pagdating natin doon, After maghanap ng matutuluyan we're going to the hospital para patingnan ka ulit." sabi niya.
"Pero Gian..."
"Gagawa pa nga tayo ng Baby, Kung ano anong iniisip mo dyan" nakangising sabi niya, agad ko naman siyang kinurot sa tagiliran.
"Ang hirap na nga ng pinagdadaanan natin kung ano ano pa yang iniisip mo!" sigaw ko.
"Bakit? Naiimagine ko na nga na maging katulad ka ni hannah eh, Yung malakas kumain, NapakaEmotional, Ibang klaseng Mood Swings, at yung Magkakaroon ka na ng malaking tyan" natatawang sabi niya. "That looks Cute di ba!?" nakangiting sabi niya.
Agad kong piningot yung tenga niya. "Baliw ka talaga! Nahawa ka na din kay ate jacky ha!" sabi ko.
"A...Aray naman Jazmine, Namimisikal ka na ngayon ha!" pagmamaktol niya.
"Epal ka kasi!" sigaw ko.
"Ano ka ba naman! Syempre Pakakasalan Muna kita!" nakangiting sabi niya.
"A-ano?"
"Marry Me Jazmine!"
[A/N] Hello Po! Maraming salamat po sa patuloy na nagbabasa, Pasensya na sa matagal na Update sa mga naghihintay kung meron man... :D Every Friday na po ang Update at Every Tuesday naman po ang Update ng The Bachelors Game, Thank you po Ulit at God Bless Us all...
BINABASA MO ANG
Till the Day that We Meet Again
FanficSituations leads them to seperations ilang beses ng naghiwalay ang landas nila But destiny always stick them together... Sabi mo di mo iiwan, pero anong ginawa mo? Story of : Jazmine lea hong and Gian andrei seong Yuri (SNSD) & Lee Min Ho