Chapter 21

2K 66 0
                                    

"Miss Sino?" tanong ko.

"Si ate Jacky Miss mo na noh!? Di kayo mapaghiwalay eh, lagi kayong magkasama" natatawang sabi niya.

"Bestfriend ko kasi siya, Di lang magpinsan,  magkapatid na din ang turingan namin,"Sagot ko naman

"Sa nakikita ko naman sayo, Matapang ka, kaya siguradong makakayanan mo ang lahat." Pagpapaliwanag niya.

"Huh!?" pagtataka ko. "Maging handa ka sa mga bagay na pwedeng mangyari, sigurado ako sa umpisa lang yun, matututunan din niyang magpatawad," Saad niya. " Mahilig ka sa korean novela noh!?" pangaasar ko.

Natawa lang siya, Nagulat naman ako ng biglang may kamay na lumahad sa gilid namin.

"Pwede ko bang maisayaw ang pinakamagandang babae ngayong gabi?" natatawang sabi ni josh, Hinampas ko naman yung kamay niya at tumawa, tiningnan ko naman si lance kung ok lang, ngumiti naman at tumamgo.

Sumasayaw na kami ni Josh ngayon. "Ganda ah! kala ko ba di ka pupunta, niloloko mo lang ata ako eh, Senior pala ang gusto mong date!" natatawang sabi niya. Hinampas ko naman siya sa dibdib.

"Nga pala! Gwapo ni Gian ngayon Ha!" saad niya. "Ano!?" tanong ko. "Di mo pa nakikita? Model siya ngayon, Sikat na sikat na nga siya sa Canada ngayon, at yung partner niya si Hannah Kein grabe ang hot," pagpapatuloy niya, Natigil naman ako at unti unting namumuo yung luha sa mata ko. "BaliBalita nga ding Sila eh, Tsk... Swerte niya kung nagkataon" pagsasaad niya na parang nangangarap, Natigil naman siya ng mapansin niyang umaagos na yung luha sa pisngi ko.

Marahan naman niyang pinunasan iyon, "Sorry sorry di ko sinasadyang Ikwento sayo, Di ko naman alam na di ka pa pala Aware," paguumanhin niya. "O-ok lang," umiiyak na saad ko, Tumakbo ako palabas, Di ako naniniwala! Sigurado niloloko nanaman ako ni Josh, pero si Hannah Kein? Kilala ko siya! Di pwede ayoko!

Ng nakarating na ako sa parking lot... " anong nangyari? bakit ka umiiyak?" tanong niya, umiling iling lang ako, Pero naramdaman kong agad niya akong niyakap. " Shhh... Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya. Tumango lang ako.

Di ako umimik habang bumabyahe kami, naiintindihan siguro ni Lance na ayokong makipagusap kayo ayun tahimik lang din siya.

"Thank you, at pasensya na rin, di mo tuloy nasulit yung last Js mo" saad ko.

"Anong di nasulit? Nung nakasayaw kita, sulit na sulit na!" natatawang sabi niya.

Nginitian ko lang siya. "Thank you sa pagpayag, kita na lang tayo sa school" sabi niya.

Pagpasok ko sa Loob, "Hello Girl! Kamusta ang js?"pagbati sa akin ni ate jacky. "Bukas na lang ate, pagod ako" sagot ko.

"Si hannah! Alam mo na?" malungkot na tanong niya sa akin.

"Sinabi sa akin ni Josh" mangiyak ngiyak na sagot ko.

Hinila niya ako papunta sa kwarto at agad Binuksan yung laptop.

"Look!" sabi niya sa akin,

Nagsearch siya sa Google, Tama nga sila si Gian model na siya ngayon sa Canada... Sobrang gumwapo siya lalo, Gwapo si Gian pero mas ngayon, mukhang sa mga picture niya masayang masaya siya, kung titingnan mo bagay na bagay sila ni Hannah Kein, maganda at gwapo, Hoy! pero mas maganda pa din ako! mukhang nakaMove on na siya samantalang ako, naghihintay pa di  sa kanya! Wala man lang na link sa akin! Gusto ko nga sana meron eh, para sana incase na bumalik siya may pagseselosan siya, pero mukhang ako tong nagseselos, bakit girlfriend ba ako? Di ba hindi! Simula nung umalis siya maraming umaaligid na lalaki sa akin, pero hanggang duon lang sila.

Mayroon ngang  nagbibigay ng flowers and chocolate, pero kinabukasan wala na, umiiwas na, anong klaseng manliligaw ba yun? Hayy... Hirap ito nanaman ako lumuluha! Ang arte ko eh ano? Nagmamahal eh!!!

Sumikip nanaman yung dibdib ko sa nabasa kong article...

Gian Seong and Hannah Kein Dating... Gosh mga bata pa! Pero Showbiz eh, kaloka anong laban ko sa isang model katulad niya, Iba patakaran dun eh!

"Girl..." nagaalalang tawag ni Ate jacky.

"Ok lang ako, wala naman akong karapatang magselos di ba?" natatawang tanong ko.

"Girl... baka naman di totoo, alam mo naman sa industriyang ginagalawan niya ngayon, gagawin lahat para maging matunog" pagpapaliwanag niya.

Tumango tango lang ako. "Ma'm pinapatawag kayo ng mommy niyo sa sala." pangiistorbo ng katulong namin.

Pagbaba ko sa sala...

"Baby kamusta Js?" tanong ni mommy.

Ngumiti lang ako, "Wag muna tayong magconclude agad ok?" sabi niya sa akin.

"Po?" malumanay na tanong ko.

"Yung kay hannah at kay Gian," saad niya

Tumango tango lang ako, Pero sumisikip nanaman yung dibdib ko, gusto kong sumigaw gusto kong irelease yung sakit! Sabagay baka ito yung karma ko sa ginawa ko last year... inagaw ko ang hindi akin. alam ko nasaktan ko siya, kaya Ito ba ang kabayaran?

"Alam ko yang iniisip mo! hindi baby, hindi yun karma, Nagkataon lang ok!?" sabi sa akin ni mommy.

"Mommy si daddy?" tanong ko.

Bumuntong hininga siya, "Ma...May meeting lang si Daddy" sagot niya.

Tumango lang ako. "Sige na magpahinga na ok!? inumin mo muna yung gamot mo ha!," pagpapaalala niya.

"Ok po" malumanay na sabi ko, pero di pa rin humihinto yung luha ko.

"Ok ka  na?" tanong sa akin ni ate jacky pagkapasok ko sa Kwarto.

Umupo ako sa Kama, "Wag mo kasing isipin yang pinagsasabi sa net!" sabi ni ate jacky. "Tsaka kung talagang mahal ka kamo ni Gian, Di niya papansinin si Hannah Kein, Trabaho lang" dugtong niya.

"Pero bakit si Hannah pa!? Bakit Pinsan ko pa!?"

Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon