Chapter 46

2.4K 55 0
                                    

2 days na kaming nandito ni Gian sa Iloilo, wala pa kaming balita sa kanila sa manila, pero isa lang ang sigurado kami, nagkakagulo na doon ngayon, Siguradong pinaghahanap pa din kami ng mga tauhan ng daddy niya. Medyo liblib itong natuluyan namin at malapit din sa dagat, Sa two days na yon marami kaming natutunan ni Gian, Katulad ngayon nagpriprito ako ng Turon habang Nakatanaw ako habang nagsisibak ng kahoy si Gian, Nakakahiya naman kasing di tumulong sa may ari ng bahay na toh, Malayong pinsan siya ni ate jacky si Claire, Silang dalawa lang ng nanay niya at may katandaan na din ito, kaya nman sa pananatili namin ni Gian eh napagpasyahan na naming tumulong.

"Ang bango naman niyan!" kantyaw ni Gian habang nagpupunas ng pawis.

"Maganda kasi yung nagluluto eh!" natatawang sabi ko sabay kindat.

"Ikaw ha! Pilya ka na ngayon ha!" natatawang sabi niya.

"Hoy Mr. Seong! Sayo ko kaya natutunan yon!" pagsusungit ko.

Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako mula sa likod. " ano ba!? Nagluluto ako!" naiinis na sabi ko.

"Ang sungit naman nito! Payakap lang eh!" paglalambing niya, pero waEpek!.

"Nagluluto nga kasi ako!" pagkairita ko.

"Sakit ng buong katawan ko" pagpapaAwa niya.

Agad nag bago ang mood ko, dahil sa awa sa kanya, Pansin ko ngang hirap siya sa mg ginagawa niya, magsisibak ng kahoy, Magiigib at kung ano ano pang mga gawain na di niya nakasanayan, Tsaka kung makikita niyo lang kami ni Gian ngayon para na talaga kaming taga probinsya, ang Cute!!!.

"Magpahinga ka na kasi doon!" kahit nagaalala ako ay pinatigas ko pa din ang boses ko dahil siguradong di titigil ang isang ito sa pangungulit sa akin, Ilalako pa naman ni Claire itong mga niluluto ko.

"Nga pala sasamahan ko si Claire maglako mamaya ha" sabi niya.

agad akong napasimangot. Napangisi naman siya tsaka pinisil yung ilong ko. "Ano ba!" pagmamaktol ko, Kainis kaya! ang sakit nung pagpisil niya!. "NagSeselos ang Girlfriend ko!" natatawang sabi niya. "Assuming! di pa kaya kita sinasagot!" sabi ko.

"Bakit Nililigawan ba kita!?" sagot niya.

Agad ko siyang hinampas sa braso! "Nakakainis ka!" sigaw ko.

"Bakit kailangan ko pa bang manligaw?" nakangisinh sabi niya.

"Aba Syempre! Ano ka siniSwerte!?" sabi ko.

Kinindatan lang niya ako.

Hapon na kaya naman magisa nanaman ako dito sa bahay yung nanay kasi ni Claire nasa bukid kasama yung ibang mga magsasaka, si Gian naman sumama kay claire... haisst, ang lungkot magisa! Para kang mapuputulan ng hangin, kaya naman naglakadlakad na lang muna ako. Di ko alam kung saang lugar na ako napadpad buti n lang at magaling ako sa pagtatanong ng direksyon sa ibang tao kaya medyo madilim na ng nakarating ako sa bahay, Agad kong natanaw ang bulto ni Gian na nakasandal sa may puno malapit sa bahay na nakahalukipkip pa.

"Gian!" masayang bati ko dito pero nagulat ako sa tinging ibinigay jiya sa akin.

"WHERE HAVE YOU BEEN!?" Sigaw nito na lubos kong ikinagulat.

"Na...naligaw kasi ako eh" sabi ko sabay yuko.

Agad niya akong hinila at niyakap. "Kala ko kung ano ng nangyari sayo, Pinagalala mo ako!" sabi nito na halatang may pagaalala.

"Sorry" sabi ko na lang tsaka ginantihan ang yakap niya.

Kakatapos lang naming maghapunan, at kakatapos ko lang dinmagurong, nakakahiya naman kasi kay claire kung pati iyon iaasa pa namin sa kanya.

Niyaya ako ni Gian sa Ilalim ng puno ng mangga, magpahangin daw muna kami dito bago matulog,

"Mahal kita Gian!" sabi ko habang nakaunan sa hita niya.

"Mas mahal kita!" sabi niya tsaka ako hinalikan sa labi pero sandali lang.

"Mamimiss Mo ba ako?" out of nowhere kong tanong.

"I always Miss you kahit nasa harap kita" sabi niya.

"Dati tanggap ko na... Na di magtatagal kailangan ko ng umalis, pero ngayon natatakot na ako" sabi ko ng may di inaasahang luhang dumaloy sa mga pisngi ko.

Agad niyang pinunasan ako basang pisngi ko. "Dapat ka talagang matakot! Subukan mo lang akong iwanan! Humanda ka talaga s akin!" pananakot niya.

"Nanghihinayang ako... Sa mga oras na nasayang, Im So Sorry" sabi ko.

"Kalimutan na natin yon, ang mahalaga ngayon merong tayo" sabi niya.

"Napaka Assuming talaga nito!" natatawang sabi ko.

"Gwapo naman!" pagyayabang niya.

"Sus!"

"Sikat kaya akong Model sa Canada!" dugtong pa niya.

Agad akong napaBangon, "Oo nga pala! Bakit ka nga pala nagModel sa pagkakaalam ko wala naman yon aa bokabularyo mo" tanong ko.

Agad naman siyang napatawa. "Ultimate Secret!" sabi niya.

"Ano nga! Dali na!" pagpupumilit ko.

"Wag na nga kasi" sabi niya,

"Bahala ka diyan!" sabi ko tatayo na sana ako ng hilahin niya ako ulit paupo.

"Fine!" sabi nito. "Ginawa ko yon, Because i want you to notice me, To mIss me" sabi niya ulit.

"Para sa akin?"

"Yes, Para Mapansin mo ako, Baka kasi nakakalimutan mo na ako eh" paglulungkotlungkutan niya.

"Sus!..." sabi ko na lang pero napatahimik din ako dahil don.

"O bakit ka nanahimik dyan?" puna ni Gian.

Umiling iling lang ako. "May problema ba?"

Umailing lang ulit ako. Napahiyaw ako ng kilitiin ako ni Gian sa tagiliran.

"Ano ba Gian... Hahahaha, Tigil mo nga!" sigaw ko.

"Bakit nga kasi!?" pangungulit niya.

"W...ala nga! Hahaha, bitawan mo ako isa!" pagbabanta ko.

"In one Condition!" sabi nito.

"Ano!?... hahaha tama na! Ba-ka mahulog ako!" sabi ko.

"Marry me! Bukas na Bukas din!" Seryosong sabi niya.

Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon