Chapter 11

2K 67 0
                                    

Wala na akong pakiAlam kung pinagtatabuyan niya ako, di ba nga nangako ako sa kanya nun na kahit sabihin niyang iwanan ko siya di ko gagawin, tapos aalis siya ngayon ahw... ayaw :'( kaya dali dali ko siyang hinanap, nakita ko siya sa harap ng locker niya kasama niya si kuya jack yung driver niya, kinukuha niya na yung mga books niya.

"Gian!..." tawag ko sa kanya, binigyan naman niya ako ng tingin na halatang iritang irita siya.

"What!?" sigaw niya sa akin.

Gian's Pov

"Gian!.." tawag sa akin ni jazmine, ano nanaman ba?

"What!?" sigaw ko sa kanya, pwede b? nahihirapan na nga akong lumayo, lapit pa din ng lapit sa akin, kainis, bwiset!

"Balita ko, aalis ka daw bukas papuntang canada," tanong niya sa akin, chismis nga naman.

"Yup" walang gana kong sagot.

"Bago yun pwede ba tayong magusap?" tanong niya sa akin.

"No!" iritadong sabi ko sa kanya, in the middle of moving on na ako di b? tama na!

"Ah ok, kung ganon anong oras ba ang flight mo bukas?" tanong niya sa akin, ang kulet!

"And why?" ganyan ka plain ang mga sagot ko sa kanya.

"Sasama ako maghatid ha! please! please!" nakadikit pa yung dalawang palad niya.

"You dont need to" sagot ko sa kanya.

"eh gusto ko eh, sige na, kuya jack anong oras?" pagbaling niya ng tanong sa driver ko,

"3 pm. , ma'm" sagot naman ni kuya jack, wala na akong nagawa tiningnan ko na lang siya at nag peace sign.

"Thank you kuya jack! see you tom. Gian!" masayang sabi niya sa akin, at ayun parang batang nagtatatalon habang naglalakad.

Jazmine's Pov

Ngayon na yung alis ni Gian papuntang Canada, aww... 2 months ko siyang di makikita, pero sandali lang naman iyon, tapos pagkadating ng 3rd year may JS na kami! sino kaya ang first and last dance ko? nakakaexcite.

Gian's Pov

Inaalala ko pa din yung sinabi ni jazmine na hahatid niya daw ako sa airport, there was a part of me na parang umaasa na sana darating talaga siya, kaya naman kahit nakakabakla pakinggan humingi ako ng sign. Pagdumating siya, ibig sabihin totoo yung sinabi niyag mahal niya din ako, paghindi naman, pinaasa niya lang ako, ULIT!

12:00 noon na kaya naman naghahanda na kami ni kuya jack, dapat kasi 2 hours before ng flight mo nasa airport ka na, kaya ito mayamaya aalis na kami.

Jazmine's Pov

12:00 noon na, kaya ito bihis na bihis ako ngayon, kung maaari gusto kong unahan sila Gian dun, Surprise! hahaha abnormal lang eh ano po? pagbaba ko ng hagdan...

"Ya, kanino tong mga maleta na to?" tanong ko sa katulong namin.

"ma'm jazz sa mo-" di niya na napagpatuloy yung sagot niya dahil nakita ko si mommy at siya na ang sumagot.

"Jazmine, halika na ayusin na natin yung mga gamit mo!" hila niya sa kamay ko pabalik ng hagdan.

"Pero ma bakit po?" tanong ko naman, agad ko namang nakita si dad na papunta sa amin.

"Dad ano po ba ang nangyayari?" tanong ko din kay dad, agad naman niyang hinawakan ang kabilang braso ko.

"Ano ba dine! di masosolba ng paglalayas mo ang problema natin." sabi ni daddy kay mommy, hawak nila pareho ang braso ko, hinihila nila ito pareho.

"Ayoko na james, aalis na ako dito, at isasama ko si jazmine," sagot naman ni mommy,

"Mommy, daddy nasasaktan po ako," sabi ko sa kanila,

"James bitawan mo si jazmine!" sigaw ulit ni mommy.

"Walang aalis, dito lang kayo ni jazmine," sagot naman ni daddy.

aray! masakit na talaga...

"Bitawan mo!"

"Walang aalis!"

"bitawan mo sabi!

"Tama na po!" sigaw ko sa kanila, nanikip nanaman ang dibdib ko, nahihirapan nanaman akong huminga...

"Ya! yung gamot ni jazz pakikuha dali!" sigaw ni mommy.

"Tatawag ako ng ambulansya sandali lang " tumayo naman si daddy at pumunta sa telepono namin,

Di ko na talaga kaya, kaya naman nagdilim na ang paningin ko.

Gian's Pov

Trapik! nakakainis naman talaga oo, kaya naglagay na lang ako ng earphones at pumikit, pero bago iyon napansin ko kaagad ang isang ambulansya na katabi ng sasakyan namin, tinted ang salamin nito pero sa di ko malamang dahilan di maalis ang titig ko doon sa bintana nila, ano naman kaya ang nangyari sa pasyente sa loob niyan? tsaka ko tuluyang pinikit ang mata ko,

2:00 pm na, kailangan na naming pumasok sa loob pero, nagbabakasakali lang, hihintayin ko muna sa jazmine, pagbibigyan ko siya 30 mins.

"Sir tinatawag na po tayo sa loob, kailangan na po nating pumasok at baka maiwan tayo ng eroplano" sabi sa akin ni kuya, jack

Sa di ko malamang dahilan unti unti nanamang pumatak ang luha sa mga mata ko, tumango naman ako kay kuya jack at naglakad na din papasok.

Lagi mo na lang ba akong papaasahin jazmine? hanggang kailan ba ako maniniwala sa iyo, parati na lang ganito yung ginagawa mo sa akin, napakagaling mo, dahil madali mo akong mapaikot at mapaniwala sa mga sinasabi mo, sinungaling ka, di ko makakalimutan yang mga kasinungalingan mo, Till the day that we meet again!

Kringgg...kringgg... tunog ng cellphone ni kuya jack

Jazmine's Pov

Pagmulat ko, isang maputing kisame ang nakita ko, at nasa hospital ako, amoy pa lang alam na, ayoko pa naman sa hospital everytime na pumupunta kami dito parang feeling ko maSosofocate ako, agad naman akong umayos at umupo, walang tao magisa lang ako. bigla akong napatalon, si gian... si gian anong oras na!?

6:00 pm.

Di ako nakaabot, huhuhu wala akong ginawa kundi umiyak, parang antagal tuloy ng dalawang buwan ngayon!

"Jazmine" boses ng isang lalaki, nanlaki ang mata ko,

"Anong ginagawa mo dito!?" sigaw ko.

Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon