Chapter 9

2.1K 66 1
                                    

Mommy dine's Pov

"As you see mr. and mrs. hong, base sa mga test na ginawa natin sa anak niya, mukhang bumabalik nga yung sakit niya sa puso" malumanay na pagpapaliwanag ng doctor sa amin.

"Pero madadaan naman po sa gamot di b!?" pagalalang taning ko sa kanya.

"Pansamantala lang..." malungkot na sagot niya sa akin.

Ni na ako nakapagsalita, kaya ang asawa ko na ang nagtuloy ng tanong... "What do you mean doc!?" pagaalalang tanong niya.

Huminga muna ng malalim yung doctor... "Base sa history ng anak niyo, naoperahan na pala siya nung 2 years old pa lang siya..." sabi nung doctor...

Oo na operahan si baby jazmine nung 2 years old pa lang siya, masyado siyang mahina non, pagkalabas na pagkalabas niya diretso agad siya sa incubbator, habang nagiistay kami sa ospital non, at sa ilang bese na ding mga test, nalaman namin na may butas ang puso niya, pero mas inadvice nung doctor na pagtungtung na lang daw niya ng 2 years old, nakaka awa yung itsura niy non, after nung operation kala ko di na siya mabubuhay dahil ilang oras din ang hinintay namin bago siya nagising kaya simula non, wala kaming ginawa kundi ibigay ang lahat ng gusto niya, pero mukhang napasama pa ata dahil sa kakatrabaho at sa pagsama ko sa bussiness trip ng asawa ko nalayo siya sa amin, naging kampante siguro kami masyado dahil naging normal ang lahat sa kanya..

"Dahil po ba doon doc?" tanong ng asawa ko.

tumango tango yung doctor at sabi, " Unti unting bumubuka yung tahi sa puso niya..."

"What!? hindi pwede yun!" wala na akong nasigaw kundi yuon...

Paglabas namin nakita ko si jazmine nakatayo mukhang nagaalala narinig siguro niya yung pag sigaw ko, niyakap ko lang siya at naiyaka ako...

"Mom... what's problem?" tanong niya sa akin,

"No baby, walang problema magiging ok ang lahat Dont worry ok?" sabi ko sa kanya tumango naman siya bilang sagot.

Jazmine's Pov

Di ko alam kung anong dahilan bakit umiiyak si mommy, sinabi niya na lang na wag daw akong mag worry, tumango na lang ako, ayoko muna siyang tanungin dahil halatang stress siya...

Ang rami din naming biniling gamot, ngayon naman nileleksyunan ako ni mommy sa pag inom dun, meron pa nga siyang pinabaon sa akin na parang spray na ewan? pag daw di ako makahinga ng maayos itapat ko lang daw yung sa bibig ko then click, tapos may lalabas na powder na gamot...

Thursday Ngayon, Maaga akong papasok, tutal half day lang naman kami kaya di masyadong nakakatamad kasi uwian naman agad... ^_^

Gian's Pov

Ito na makikita ko na ulit si Jazmine, nakahanda na rin ang lahat mamayang uwian, ito nakasakay ako sa jeep, di ako sanay dito pero mukhang mageenjoy ata ako...

Naglalakad ako sa corridor hinahanap ko si Jazmine pero wala pa siguro mukhang maaga pa eh, kukuhanin ko na lang muna yung mga books na naiwan ko sa locker ko, pagbukas may nalaglag na envelope... Love letter nanaman? haist hirap talagang maging gwapo oo, pinulot ko, at pag bukas ko, picture ni jazmine, di lang si jazmine...

silang dalawa ni josh naghahalikan...

di ko alam yung nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko lang may tumutulo nanaman mainit na likido sa pisngi ko, Di maalis yung mga mata ko sa litrato, nakayakap si jazmine kay josh, habang naghahalikan sila... nawala yung excitement kong makita siya, May namuong galit nanaman sa akin, di ko alam di ko alam ang gagawin ko...

Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon