After 5 years...
Sa haba ng panahong iyon... parang patay na akong maituturing sinubukan ko right!? Sinubukan kong pigilan siyang wag umalis, Pero mukhang sinukuan na ata niya ako, Then Go! Naka Move on na din ako! Simula nung umalis siya nung gabiing iyon, nawala na ang lahat Komunikasyon at di na siya nagpakita pa!. 5 years! 5 Consecutive years na ang alam ko si hannah ang kasama niya doon, anong gusto niyong isipin ko? Pinaghahandaan ko na nga yung araw na uuwi sila dito at sabihing we're getting married! , ganun yung tinatatak ko sa isip ko para di na masyadong masakit pag nagkatotoo.
Kakagraduate lang namin ni ate jacky sa kursong Commerce, kaya ito kami ngayon magaaply na ng trabaho, kailangan ko na din kasing kumita para kay mommy, di man sinasabi nila tita, alam kong nawawalan na din sila ng pagasang magising pa si mommy sa pagkakaCommatose. pero ako hindi, alam kong gagaling pa siya, Kaya maghahanap ako ng trabaho para makatulong.
"Tatawagan na lang namin kayo" sabi nung babaeng pinasahan namin ng resume.
"Ano tapos na?" tanong ni Josh na naghihitay sa harap ng kotse niya, Architect na siya ngayo pareho sila ni lance.
"Tatawagan daw kami, Anong mapapala namin sa paghihintay ng tawag nila!?" inis na sabi ni ate jacky.
Siniko ko naman siya, "Bakit eh totoo naman eh! Tawag tawag pang nalalaman, Eh kung sinabi na lang nila sa atin kanina kung tanggap ba tayo oh hindi!"
"Ikaw talaga napakamainipin mo!" sita ni josh sa kanya.
"He! Tigilan mo ko!"
"Sumakay na nga kayong dalawa! Ililibre ko kayo ng lunch!" sabi ni josh.
"Eh buti naman at may nagawa kang tama!" pangaasar ni ate jacky.
Kumain kami sa isang Restaurant at si Josh ang taya,
"Nga pala... Nabanggit ni lance na magbabakasyon sila ni Haidy sa Europe, may project kasi siya don kaya isasama na niya si Haidy." kwento ni josh.
"NapakaSweet talaga ng dalawang yan noh! Kainggit mUch!" malungkot na sabi ni ate jacky.
"Pag nagkaProject din ako sa ibang bansa isasama ko si Jazmine" natatawang sabi ni josh,
"Ah... Ganun! Iiwan niyo ko!" pagmamaktoo ni ate jacky.
"Edi maghanap ka ng magsasama sayo" pangaasar ni josh sa kanya.
"Pwede bang umuwi na tayo agad! Masama kasi pakiramdam ko eh" singgit ko.
"Anong masakit sayo?" nagaalala nilang tanong.
Umiling lang ako "Kulang lang siguro ako sa tulog" palusot ko.
"Hoy Jazmine! Kumain ka nga nangMabuti! Ang laki kasi ng pinayat mo oh!" parang nangdidiring sabi ni ate jacky.
"Konti na lang malapit ka ng maging buto!" dugtong niya.
Kunwaring hinampas ni josh si ate jacky. "Eh ano naman! Maganda pa rin nman si jazmine!" sabi niya.
"Tsk... Bahala nga kayo diyan! Pilit mo nga kasi toh! Pare pareho tayong mamatay sa nerbyos niyan eh!" inis na sabi ni ate jacky.
"Nakausap ko na kayo tungkol diyan di ba!? Wag na nating gawing complikado ang lahat... Hayaan na nating yung tadhana yung magdala sa atin" sabi ko sa kanila.
Sinamaan lang ako ng tingin ni ate jacky. "Umuwi na tayo! Wla na din akong gana!" sabi niya sabay tayo.
"Jazmine... Almost 5 years na! Nagiging Worst na yung mga atake mo! Please naman! Please naman hayaan mong tulungan ka namin! Sige na!" pangungumbinsi ni josh sa akin.
"Tama na Josh! Ayoko na munang pagusapan yan!" sabi ko. sabay pasok sa bahay. Dito pa rin naman nakatira si Haidy kaso nga lang magbabakasyon nga sila ni lance.
After 3 days naka receive kami ng tawag na pinapabalik na kami sa companyang inaaplayan namin, kaya naman ito kami ni ate jacky naghahanda na. Pagdating namin doon.
"Welcome To the Company..." yun lang at naglahad ng kamay yung babaeng kausap namin kanina.
"Pwede na kayong magStart Bukas" sabi niya sabay alis, Halatang masyado siyang busy... Tsk. kailangan ko ng i ready yung aking health.
Magkaiba kami ng Floor ni ate jacky, Inorient muna kami bago binigyan ng mga magagaang trabaho para sa mga first timer. PinapaXerox, timpla kape, hatid dito, Paki type to. Ganoon naman lahat right? Wala namang naguumpisa sa taas, lahat galing sa baba, pwera na lang kung pinanganak kang mayaman, dati ako oo pero iba na ngayon, marami ng nag bago.
Yung Trust Fund na inilaan nila mommy sa akin pwede ko ng galawin kasi lagpas 18 naman na ako, pero di ko ginagalaw, nilalaan ko kadi iyon para sa pagbabayad ng Hospital bill, Tsaka bayad sa renta ng machine na nakakabit kay mommy, Kaya nga simula noon madalang na lang akong umiinom ng gamot ko kung kailan aatakihin na lang ako, na dapat eh araw araw kong tinatake. Di rin naman ako pwedeng magsabi kay ate jacky dahik syempre tumutulong din siya sa family niya sa Probinsiya.
Habang Busy ako sa PagXexerox di ko sinasadyang Marinig yung mga Chismis ng mga babae sa may pantry.
"Masyado kasing ma Pride si boss, Eh kung tinanggap na lang kasi nila yung offer ng Seong Empire... Edi sana di na pinoproblema ang pagaasikaso ng Loan" singgit nung isa.
"Tsaka! Kung magkataon! Magiging Boss din natin yung Bagong Ceo nila! Balita ko Gwapo daw yon! Sino nga ba Yun?..." sagot naman nung isa.
"Ah... Si Sir Andrei!" kinikilig na sagot niya.
NapakaChismosa naman pala ng mga ito! Eh kung magtrabaho na lang kaya sila! para masaya!.
BINABASA MO ANG
Till the Day that We Meet Again
FanfictionSituations leads them to seperations ilang beses ng naghiwalay ang landas nila But destiny always stick them together... Sabi mo di mo iiwan, pero anong ginawa mo? Story of : Jazmine lea hong and Gian andrei seong Yuri (SNSD) & Lee Min Ho