Chapter 37

2.1K 53 0
                                    

"Be Ready, Isasama kita sa Lunch meeting" bungad ni Gian paglabas niya ng Office niya.

"Ok po sir" sabi ko na lang.

"Nanduon si Mr. Choi..." sabi niya sabay pasok ulit sa office niya,

Eh ano naman kung anduon yung manyak na yon?

Tahimik lang akong nakasakay sa passenger seat ng sasakyan ni Gian, Sabi ko nga sa likod na lang pero ayaw niya dahil magmumukha daw siyang Driver. Focus na Focus siya sa pagdidrive... Grabe lalo siyang Gumwapo at Hot tingnan habang yung isang kamay niya nakapatong sa may bintana at tsaka siya pumalungbaba, Yunh isa naman steady na steady sa manubela.

"Baka naman matunaw ako niyan" seryosong sabi niya na hindi man lang tumingin sa akin.

"Ano po ba kailangan kong gawin doon sir?" tanong ko.

"As usual... Take down notes all the Details, na mapagkakasunduan sa meeting namin, Bakit may iba ka pa bang gustong gawin?" walang ka emoemosyong sabi niya.

"Kung ano man yang iniisip mo Sir... Nagkakamali ka!" sabi ko na lang tsaka binaling ako paningin sa kalsada.

Di na rin siya kumibo pagkatapos noon. Nauna kaming nakarating sa Restaurant at wala pa ang manyak.

"Masyado bang mabigat ang tiyan niya at ang tagal tagal niya?" inis na bulong ni gian na narinig ko, kaya naman di ko na iwasang tumawa.

"May nakakatawa ba Ms. Hong?" tanong niya.

Umiling iling lang ako. Napansin kong Biglang bumaba ang tingin niya sa suot ko, Naka Light Pink long Sleeve kasi ako na nakaTakin at Black na pencil cut.

"Ayaw mong magIsip ako ng Kung ano sayo, Pero kung makapanamit ka" nangaasar na parang inis na sabi niya.

"Bakit Sir? Ano po bang mali sa Suot ko? Ano pong Gusto niyo? MagDuster ako?" pagtataray ko.

"Kaya ka nababastos eh" bulong niya na narinig ko.

"Excuse me Sir!" inis na sabi ko, Ano bang problema nito at pati pananamit ko pinapakialaman?.

"Bakit dadaan ka?" pangaasar niya, katabi ko kasi siya sa upuan ngayon.

Napabuntong Hininga na lang ako at Umirap, Di ko na lang siya papansinin para Di masir ang araw ko.

"Kamusta na kayo ni Josh?" tanong niya.

"Ok lang magkaibigan pa din" sagot ko.

"K-kayo B-ba?" nauutal na tanong niya.

Umiling iling ako. "Sinubukan niya akong ligawan nung 3rd year College pero ayoko kasi ayokong mAsira yung Friendship namin" dirediretsong sabi ko.

"Tsk... Oo at hindi lang ang sagot, Sinabi ko bang magkwento ka?" sabi niya.

Inirapan ko na lang uli, Aba oki ah! Kainis!.

"Im sorry, im late" singit nung Manyak kong boss dati. May kasama siyang isang lalaki din, umupo sila sa harap namin.

"It's ok!" sabi ni gian... Plastik! Kanina lang inis na inis siya dahil matagal daw!.

Umorder muna sila ng pagkain,

"Pumili ka na ng gusto mo" sabi ni Gian habang nakaTingin sa Menu na hawak niya.

"Di ko alam ang mga Nandito, at kung ano ang masarap... Pwede bang kung ano na lang yung sayo... Sirrr?" kagat labi kong sagot, Italian restaurant kasi tong pinuntahan namin,

Seryosong Tumungin muna siya sa akin, "Ok... Siguraduhin mong uubusin mo yung Oorderin ko... May sakit ka ba? Pumayat ka ata!?" sabi niya na patuloy pa din sa pagtitig sa menu. Dapat ba akong kiligin dahil concern siya? or ewan?.

Di na lang ako sumagot sa tanong niya, Habang Hinihintay ang Pagkain nagsimula na silang magusap todo sulat naman ako nagpinagsasabi nila, Pero di nakaligtas sa akin ang manyak na tingin ng dati kong Boss na kaharap ko ngayon, Nakakadiri talaga siya! Di man lang siya makipagCooperate sa meeting nila yung kasama niya lang yung putak ng putak tsaka si Gian. maya maya lang ay dumating na ang pagkain, salita pa din sila ng salita kaya sulat pa din ako ng sulat pero nagulat ako ng hawakan ni Gian ang kamay ko.

"Stop that, And Eat" sabi niya. Magproprotesta pa sana ako pero tinaasan niya lang ako ng kilay kaya naman kumain na lang ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng mapansin kong may parang gumagapang sa legs ko, kung di ako nagkakamali eh... Paa to ng laki tiyang manyak na toh na nasa Harap ko. Pilit kong inilalayo yung paa ko pero pilit pa din niyang inaabot, kaya naman di na ako mapakali dito sa kinauupuan ko, Pero ang manyak na toh, todo ngiti lang na parang wala lang, nagpaalam sandali yung kasama niya na magCocomfort room.

"May problem ba?" tanong ni Gian, nahalata niya sigurong di Ko mapakali sa Kinauupuan ko.

"Yung Paa kasi niya..." bulong ko kay Gian.

Gian's Pov

Nagpaalam sandali yung kasama nung manyak na toh nagmagCcr lang, samantalang ang manyak di ko alam kung bakit tahimik, ang di ko lang nagugustuhan eh yung tinging manyak niya kay Jazmine,

"May Problema ba?" tanong ko kay Jazmine ng mapansin kong Di siya mapakali sa upuan niya.

"Yung paa kasi niya..." bulong niya.

Wala talagang pinipiling lugar ang manyak na toh!.  agad ko namang Hinila palapit sa akin si Jazmine at inakbayan ko, nung una nagulat si jazmine pero, wala na akong maisip na ibang plano.

"May Problema ba sa Girlfriend ko?" tanong ko sa manyak na toh,

"Girlfriend?" tanong niya.

"She is not only my Secretary... Fiance to be Exact" nakangiting sabi ko.

"Sir Stop..." mahinang bulong niya, at parang natataranta.

"Kaya Mr. Choi... Kung maaari, Wag mo namang bastusin tong Fiance ko sa mismong harapan ko, Dahil baka kasama kang bumagsak ng Companya mo" pagbabanta ko sa kanya.

Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon