Chapter 29

2K 63 0
                                    

Naiilang ako sa paglalakad dahil naka-akbay pa din si Josh sa akin, Haler! nasa likuran namin si ate jacky at si Gian.

"Tanggalin mo nga yang kamay mo!" inis na sabi ko sa kanya, pero sapat lang na kaming dalawa ang makarinig.

"Bakit? nagaalala ka sa iisipin ni Gian?" tanong niya,

Umiling naman ako, " di naman pala eh" sabi niya sabay pisil sa ilong ko.

Napadpad kami ngayon sa isang FastFood Chain, Libre daw ni lance kaya naman order lang kami. Panganiman ang inupuan namin, magkakatabi sina Gian, lance at haidy, kaming tatlo naman nila ate jacky at josh sa kabilang side.

Walang umiimik nung una parang akward pa din ang atmosphere, pero dahil hindi talaga mapigilan ang bunganga ng pinsan ko siya na ang bumasag ng katahimikan.

"Kayo ba?" tanong niya, naguluhan naman kaming lahat kaya lahat kami ay binigyan siya nga what look.

"Tsk... I mean may relationship ba kayo ni josh?" tanong niya habang nakahalukipkip sa harap ko.

"We're Getting There" natatawang sabi ni josh sabay akbay ulit sa akin.

"Magtigil ka nga!" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko.

"Pag yang pinsan ko sinaktan mo, humanda ka sa akin!" pagbabanta ni haidy.

"I dont like josh, for Jazmine!" pagmamaktol ni ate jacky, habang kumakain.

"At bakit!? sa gwapo kong toh!?" sabat ni josh sa kanya.

"Like Eww!!! If i know, ikaw ang nagnakaw ng first kiss ni Jazmine!" naiinis na sabi ni ate jacky.

Nasamid naman ako sa narinig ko. the nerve! nakalimutan ko na yon eh! and i dont even consider! napatingin naman ako kay Gian, Nakatitig lang siya sa akin, emotionless! Parang bored na bored siya na ewan.

"Oh my Gahd... Really?" di makapaniwalang tanong ni haidy.

"Babe, lower your Voice," sita ni lance dahil agaw atensyon kami dito.

"I dont Care" pagmamaldita niya sa boyfriend.

"Ginawa mo yon josh!? Nakaw? Which means Pilitan?" panguusisa ng pinsan ko.

"Im sorry i didn't mean it" malumanay na sabi ni josh.

Ito pa rin kami ni Gian, nagpapaligsahan sa titigan, Maya maya ay umirap siya sa akin at ibinaling kay Josh ang tingin at nagsalita.

"You didn't Mean it? Really?" di makapaniwalang tanong niya, pero kalmado pa din at parang wala lang.

Bigla din namang NagIba ang aura ni Josh kaya naman napapitlag si lance at gumawa na ng aksyon.

"I think we better get going" sabi niya sabay hila kay gian, kaya naman sumunod na kami.

This time si Haidy naman ang pumulupot sa braso ko.

"Did i miss Something? Bakit parang iba yung atmosphere nila gian at josh?" tanong niya sa akin.

"Di ko alam" pagsisinungaling ko.

"Hannah and gian are so bagay noh!" sabi niya sa akin.

"Sila ba?" tanong ko.

Umiling lang siya, "Hannah already confess her feelings for Gian, but Gian didn't take advantage, Ayaw niya daw kasing mawala si ate kaya ayaw niya muna ng relationship" pagpapaliwanag niya.

Napayuko na lang ako aa narinig ko, ganon ka precious si hannah?

"We're in trouble" biglang sabi ni Haidy na nagpagulat sa akin.

"Ba-bakit?" tanong ko.

"Look" sabi niya sabay turo sa mga banaeng nagkukumpulan.

Pinagkakaguluhan si Gian ng mga Fans niya, si lance naman todo awat, nagulat nalang kami ni haidy ng tumakbo yung dalawa papunta sa Pwesto namin tapos biglang sumigaw si lance.

"Josh, ate jacky takbo!" sabi niya sabay hila ng kamay ni haidy.

Napako naman ako sa pwesto ko sa shock, pero nagulat ako ng may humatak din sa kamay ko. At si Gian yon...

Sa kalagitnaan ng pagtakbo namin ay agad akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib, Kaya naman bumagal ang takbo ko, at kinalas ang kamay ko kay gian.

"Jazmine bakit ka bumitaw?" tanong niya.

"Mau-na ka... na" nahihirapang sabi ko, habang nakahawak aa dibdib ko.

"Anong masakit? anong problema?" nagaalala niyang tanong.

Umilinh lang ako, " bas-ta... Mauna ka na... Iwa...n Mo... ma Ako" hirap na sabi ko.

Mabilis ko namang narinig ang hiyawan ng mga Fans niya.

"No! I wont Leave you" sabi niya sabay yakap sa akin, dahil pinapalibutan na kami ng mga Fans niya,

Narinig ko naman yung mga Comments nung Fans na Kung Sino daw ako, At kung ano ano pa, Nakaramdam din ako ng mga kalmot dahil siguro sa kagustuhan nilang mahawakan si Gian, Mas lalo naman niyang hinigpitan ang yakap sa akin ng nagkakatulakan na.

"Just Stay Still" sabi niya sa akin, Naramdaman ko namang Kinuha niya yung Cellpone niya at may tinawagan.

Dahil sa paninikip ng dibdib ko at sa init ng lugar dahil sa mga nagsisiksikang fans at sa ingay...

"SH*T!" huling dinig ko matapos akong mawalan ng malay.

Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon