Chapter 33

2.1K 54 0
                                    

Di pa rin Nag Si-Sink in sa akin na andito na ulit Si Gian... Pagkatapos ng Limang taon ito na ulit siya, ang laki ng pinagbago niya lalo siyang gumwapo, Bagay na bagay talaga sa kanya yung Bussiness attire makalaglag panty para sa iba, hindi sa akin noh! Siguro kaya parang wala lang eh dahil, wala na talaga akong nararamdaman para sa kanya, siguro nga ganun, Tsaka ayoko na rin namang magkaroon ng koneksyon sa kanya eh! Kinalimutan ko na yung mga nangyari noon, its part of the past, Like Gian...

Lunch Break namin ngayon at nagtext si Josh na malapit lang daw yung binisita niyang site  sa Opisina namin kaya sabay nalang daw kaming magLunch kasama si Ate jacky. Nagtxt na siya na andoon na siya sa reception area at hinihintay kami, tinext ko na din si ate jacky na bumaba na.

Pagbukas ng Elevator sa 1st floor ay nakita ko agad si Josh na nakangiti sa akin pero papalabas pa lang sana ako ng biglang dumaan si gian, na sa tingin ko ay galing sa kabilang Elevator.  Di ko na siya pinansin ay tuloy tuloy ng pumunta sa pwesto ni Josh.

"Si Ate jacky?..." tanong niya.

"Pababa na yon" sagot ko.

"Si Gian yon di ba?" seryosong tanong niya.

Tumango lang ako. "Boss mo siya?"

Umiling lang ako. "Bussiness partner ata nung boss namin" sabi ko lang.

"Anong nararamdaman mo?" tanong niya.

"Nagugutom" paawa effect.

"Tsk... Hindi iyon! Yung tungkol Kay Gian" sabi niya.

"Wala, Kailangan bang meron?" tanong ko sa kanya.

Magsasalita pa sana siya ng biglang sumulpot si ate jacky. "Tara na lets!!!" sabi niya sabay hila sa amin ni josh.

Walking Distance lang naman daw kaya naman iniwan na ni josh yung sasakyan niya sa Site, kaya ito kami ngayon naglalakad sa tirik ng araw, todo payong naman silang dalawa sa akin. kahit nakakapagod mabuti din daw para sa akin kahit papaano ang paglalakad. Pero Ang Oa lang talaga ng dalawang toh.

Sa isang fastfood kaming tatlo napadpad, Si josh pa din ang taya, ayaw niya daw kasing pinagbabayad ang mga babae, sa limang taong iyon, medyo nagbago na din naman siya, tumatagal na ng one month yung mga nagiging girlfriend niya, 3rd college non nung umamin siya sa aking gusto niya ako at gusto niya daw akong ligawan pero ang sabi ko ayoko dahil ayokong masira yung friendship namin, pagkatapos non di na ulit siya nagtanong. Pero palagi pa rin siyang nandiyan para sa akin. Para ko na rin siyang kuya.

Si josh ang umorder kaya naiwan kami ni ate jacky sa table. "Balibalita sa floor namin na Pumirma na daw si boss kay Gian ah! naku! edi mapapadalas ang pagpunta niya sa companya natin, Ano kayang mangyayari sa feelings ng isa diyan!" sabi niya na parang inaasar ako sa mga huling litanya niya.

"Oh talaga!? Edi mabuti wala ng magiging problema sa Opisina, Di na maaapektuhan yung mga empleyado" sabi ko at binaliwala yung pagpaparinig niya.

"Tsk... Ayan ka nanaman umaarte! Acting that you're not affected! Dapat pala Couz! NagArtista ka na lang!" inis na sabi niya.

"Eh sa talaga namang wala na eh!" inis din na sabi ko, siya tong nagsabing mag move on na ako tapos ipipilit niya sa akin ngayong may feelings pa ako! Tsk. Ang gulo niya ha!.

"Kung ganoon hayaan mo si Josh na ligawan ka" paghahamon niya.

"Ate jacky!... di naman tama yon na maging basehan yung pagpayag ko na ligawan ako ni josh, Oo inaamin ko nangGamit ako noon, kaya nga tinatama ko na di ba!? Ayoko ng manggamit ng ibang tao para sa pansariling kapakanan ko" pagpapaliwanag ko.

"Tsk... Pastora pala ang gusto mo!" natatawang sabi niya.

Hahampasin ko pa sana siya ng biglang dumating si Josh.

"Ok ka lang ba doon sa trabaho mo? Di ka ba masyadong napapagod?" tanong ni josh habang kumakain kami.

umiling lang ako "Magagaan lang naman yung trabahong ibinibigay nila sa akin eh"

"Yan ba talaga ang gusto mong itanong?" tanong ni ate jacky kay josh.

Tumango lang si Josh at pinagpatuloy yung pagkain... Tumingin naman sa akin si ate jacky at binigyan ako ng You-See look.

"Late akong makakauwi mamaya eh, baka di ko na kayo masundo" sabi ni josh nung nasa harapan na kami ng building.

"Ano ka ba naman josh, di mo naman obligasyon na ihatid at sunduin kami eh, Sige ingat ka ha" sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya at "Ingat din kayo mamaya. Ate jacky si Jazmine ha!" pagpapaalam niya.

Naging ok na yung Deal ng Companya namin at nila Gian... Nasalba nila ang Companyang pinagtratrabahuhan namin buhat sa nalalapit na pagbagsak nito. Pero kalakip daw ng Deal na yon ay may hinihinging pabor Ang Seong Empire kaya naman iyon ang hinihintay namin ngayon.

Maya-Maya lang pinatawag na yung mga Head ng bawat department para sa meeting... Matapos ang ilang Minutong meeting ay bumalik na yung Head namin.

"Ms. Hong to my Office now" seryosong sabi niya na ikinakaba ko.

Agad naman akong sumunod.

"Yes Ma'm?" sabi ko.

"Take your seat first" seryosong sabi niya.

Agad naman akong umupo pero iba yung pakiramdam ko my Goodness!.

"Nabastos mo daw si Boss?" tanong niya.

ako!? Binastos siya!? Kapal ng mukha! Siya nga itong manyak eh! May pahaplos haplos pa! "Pardon" sabi ko na lang.

"The day that you went to his office... The day that he had a meeting with Mr. Seong, He is asking Something daw nalingat lang siya sandali Nagmamadali ka daw lumabas, Napahiya daw siya sa harap ni Mr. Seong... No Choice But he want you to say sorry or else..." pagpapaliwanag niya. My Goodness! Siya mismo ang nagpahiya sa sarili niya sa harap ni gian! dahil sa kamanyakan niya! tama bang tanungin mo yung empleyado mo tungkol sa dinner habang nakikipag meeting ka!?.

"Or else ano po ma'm" tanong ko.

"You're Fired" malungkot na sabi niya.

Napayuko na lang ako. "I dont want you to say sorry ms. Hong" dugtong niya,

"Po?" nagtatakang tanong ko.

"Sa history ng Companyang ito... Marami ng Empleyado ang narape ng manyak na yan!" galit na sabi niya. "Marami ng ganitong Case dati... Kung ano ano sasabihin niya tapos Edi syempre yung mga babae mandidiri magmamadaling lalayo" muntik na akong matawa kaya naman napayuko na lang ako, totoo naman eh!. "Tapos uutusan niyang magSorry, then Pagdating doon sa office niya yayayaing magdinner or going somewhere tapos kinaumagahan di na papasok yung empleyado dahil nirape na pala niya... Worst is, minsan sa office pa niya." dirediretsong sabi niya na nagpaangat sa ulo ko.

Laki mata ko siyang tiningnan... "Pero mawawalan po akong ng trabaho..." malungkot na sabi ko.

"Dont worry mukhang swerte ka ngayon." nakangiting sabi niya.

"Mr. Seong Offers you to work for them" dugtong niya.

"Ano po!?" di ko na napigilang mapasigaw. The heck! Ayoko na nga siyang makita eh!.

Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon