Chapter 25

2K 57 0
                                    

"Congratulation jazmine!" sabi nilang dalawa,

"Mukhang magkasundo kayong dalawa ah!" puna ko sa kanilang dalawa.

"Sabay kasi kaming nagenroll, magkaklase kami, nagShift kasi itong si josh" sagot ni lance.

"Yeah right, nga pala kailan naman ang alis niyo?" tanong niya.

"I guess 3 days from now" sabi ko.

"Ready ka na bang makita ang pinsan ko?" tanong ni lance.

Nagkibit balikat lang ako. "Naku paginaway ka ulit ni Gian, lilipad agad ako doon at hahalikan kita sa harap niya, para makita niya ang mawawala sa kanya" natatawang sabi ni josh.

Binatukan naman siya ni lance "Sira! Di ka nakakatulong eh!" natatawang sabi niya.

Wala naman na kaming nagawa kundi magtawanang tatlo, silang dalawa lang ang lalaking kaibigan ko, at silang dalawa lang din ang may alam ng sakit ko.

"Hintayin niyo ako dito ha! hahanapin ko lang yung mga classmates ko tapos sama na kayo sa amin nila mommy magdinner" paalam ko sa kanila.

"Ayos! libreng dinner!" natatawang sabi ni josh.

Sa mga natitirang araw ko dito sa pilipinas nagbonding lang kaming apat ako, si ate jacky, si lance, at si josh. sinabihan ko na din si lance na wag na wag niyang sasabihin kay Gian na pupunta ako doon kundi malilintikan siya sa akin. Ang bilis ng araw andito silang dalawa para tulungan kami ni ate jacky sa pageempake, bukas na kasi ang alis namin.

"Babalik naman kayo di ba?" tanong ni josh habang nilalagyan ng tape yung balik bayan box namin.

"Pag Gumaling pa ako" sabi ko.

"Syempre gagaling ka! Ikaw pa! napaka tapang mo kaya!" natatawang sabi niya.

"Merienda muna!" sigaw ni ate jacky, magkasama sila ni lance na kumuha ng makakain sa baba.

"Oh tara kain muna!" dugtong ni lance.

"Wala pa sila tita?" tanong ni josh.

"Kinuha nila yung ticket namin eh" sagot sa kanya ni ate jacky.

Masaya kaming nagkakainan ng bigla kaming makarinig ng Ingay sa baba, kaya naman agad akong bumaba para makita iyon, sumunod naman yung tatlo.

Nasa hagdan pa lang ako ng makita kong binabasag ni mommy yung mga Vase namin.

"Mommy, Daddy ano pong nangyayari dito!?" nagaalalang tanong ko.

"Jazmine anak umakyat muna kayo ng mga kaibigan mo sa taas, jacky umakyat muna kayo!" sabi ni daddy sa amin.

"Hindi! Bakit!?Nahihiya kang malaman ng anak mo!?" sigaw ni mommy.

"Ano ba Dine! Wag mo ng isali ang mga bata sa paguusap natin, tayong dalawa na lang ang mausap!" sagot naman ni daddy, hihilahin sana niya si mommy papuntang kwarto ng pwersahang hinugot ni mommy yung kamay niya.

"Kailangang malaman ni Jazmine!" sigaw ni mommy.

"Makakasama sa kanya! alam mo namang may sakit sa puso ang anak natin di ba!?" sigaw naman ni daddy.

"Jazmine, Couz tara akyat na muna tayo" sabi sa akin ni ate jacky, akmang hihilahin niya ako pero sumenyas ako na wag.

"Ano bang Kailangan kong malaman Daddy?" tanong ko.

"Jazmine baby..." sasagot sana si daddy pero pinutol ito ni mommy.

"And Daddy mo may babae! At alam mo bang nasa Canada din ito! kaya pala gustong gusto niyang pumunta doon!" sigaw ni mommy, tapos tuluyan na siyang umiyak.

"Ano po!?, Dad totoo ba yon!?" tanong ko, Akmang lalapitan niya ako, kaya naman lumabas ako at tumakbo kung saan.

"Jazmine!" sigaw nila sa akin pero di ako lumingon.

Lance Pov

Matapos malaman ni Jazmine yung pangyayaring iyon mabilis siyang tumakbo palabas, hahabulin sana namin siya kaso di na namin siya naabutan,

"Tumawag po ako sa Guard ng Village, lumabas daw po si Jazmine nakasakay ng taxi" sabi ni ate jacky.

"Pag may nangyaring masama sa anak natin ikaw ang may kasalanan nito!" sigaw nung mommy ni jazmine sa daddy niya.

"Tita, baka atakihin po si jazmine ng sakit niya, hanapin na po natin siya" nagaalalang suwestyon ni ate jacky.

"Sasama po kami, yung sasakyan ko na lang yung gamit natin," sabi ko naman.

"Ganito na lang maghiwahiwalay na lang tayo, kayong tatlo tsaka kaming dalawa, para mabilis natin siyang mahanap" sabi nung daddy niya.

Ganoon na nga ang nangyari, kaming tatlo sa sasakyan ko, nakalabas na kami ng Village...

"Ano ba yan traffic! Si jazmine talaga oo!" kinakabahang sabi ni ate jacky.

"Saan kaya siya pwedeng magpunta?" tanong naman ni josh.

"Di ko alam" sagot ni ate jacky.

Katabi namin yung Sasakyan ng mommy ni Jazmine, Kita kong naguusap pa din sila sa loob at halatang nagaaway,  Sa may tawiran may nakita akong malaking truck na pagewang gewang mukhang naputukan ng gulong, buti na lamang at red light pa, tumingin naman ako ulit sa tabi naming sasakyan para tingnan kung nagaaway pa din yung magulang ni jazmine, pero nagulat ako ng wala na sila...

Isang malakas na banggaan naman ang narinig namin...

"GOSH! SILA TITA!" sigaw ni ate jacky

Till the Day that We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon