Naging maayos yung halos tatlong linggong pagtratrabaho namin ni ate jacky dito sa companyang ito, magkaiba man kami ng Floor lagi kaming magkasamang magLunch. Habang busy akong magtype nagulat ako ng biglang magkagulo.
"Magayos kayo, Darating daw Yung hot Papabels na Ceo ng Seong Empire... Mukhang nakumbinsi na nito si Boss" sabi nung isa sa mga babaeng nakita ko din sa pantry noon na nakikichismis.
Di ko na sila pinansin, Kailangan ko pang tapusin itong tinatype ko dahil pinapatawag na din ako sa hospital, kailangan ko pang magwithdraw sa bangko at ihatid doon ang bayad.
Ng matapos ko yung Pinapatype at na Print na ihahatid ko na sa Head ng Department namin,
"Ma'm Ito na po yung pinapatype niyo sa akin" sabi ko sa kanya.
"Uhm... Ms. Hong Pwedeng paki Dala na lang sa Marketing Department?" tanong niya, ah Ayos don sa floor na yon kasi nakaAssign si ate jacky eh, makikita ko siya.
"Ok po ma'm" sabi ko. nagtungo agad ako sa elevator. para sana umakyat, nasa 26 Floor kasi ako si ate jacky naman sa 27, yung pinaka Boss namin yung pinaka nasa taas.
Nakita kong galing Sa First floor yung Elevator. baka mamaya puno pa ito, yung kabila naman galing taas, Great! Di ko naman afford maghagdan bka nasa PangSampong Step pa lang ako eh mamatay na ako! Oo ganon ka selan yung Kalagayan ko na hindi ako dapat mapagod. Nung lumalala na masyado sobra sobrang pagaalaga ang ginawa sa akin ni ate jacky at ni josh napara bang Ayaw nilang labasan ako ng Kahit isang pawis. Di pa rin kasi alam ni haidy yung kalagayan ko, Alam kong napapansin niya pero andyan naman palagi yung tatlo para saluhin ako.
Napangiti na lang ako pagInaalala ko yung mga ginagawa nila sa akin, na sa kabila ng lahat swerte pa rin ako sa mga taong naiwan sa akin.
*Ting*
Biglang tumunog ang elevator at unti unti itong bumukas, kasabay ng pagbukas noon ay ang pagtanggal ng ngiti sa mga labi ko. Isang lalaking nakahalukipkip ang tumambad sa akin, nakapang Office attire siya na lalong nagpaGwapo sa kanya, mattured ma mattured na din ang itsura niya, lalong Kumabog ang dibdib ko ng magtama ang mata namin, Kanina kasi habang pinagmamasdan ko siya busy siya sa pakikipagusap sa secretary niya ata yan, Para akong nabato sa mga tingin na ibinigay niya sa akin. Nahinto ang pagtititigan namin ng magsalita ang Secretary niya.
"Excuse me miss, papasok ka ba?" tanong niya.
Umiling na lang ako. Thank Goodness! bumukas yung kabila, "I'll take the other one" sabi ko sabay punta sa harap ng kabilang elevator.
Para akong tuod na nakarating Sa floor nila ate jacky. Natauhan ako ng may bumatok sa akin.
"Aray..." reklamo ko.
"Kanina pa kita kinakausap diyan para kang tuod!" sabi niya.
"Ate jacky...Si Gian... Nandito si Gian..." pagsusumbong ko sa kanya.
"Eh ano naman!? Kala ko ba naka move on ka na!" inis na sabi niya.
"Oo nga... Pero teka bakit parang di ka nagulat?" tanong ko.
"Tsk. Matagal ko ng alam na Sila yung kausap ni Boss para tulungan itong Companya natin sa pagkakabagsak, siya na kasi yung Ceo ng Main branch nila." pagpapaliwanag niya habang busy sa pagkakatitig sa kuko niya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi!?" malungkot natanong ko.
"Bakit? Kala ko ba wala nalang sayo yang Gian na yan!" parang nanay ko siya kung pagsabihan ako.
"Wala nga..."
"Ano pang tinutunganga mo diyan!? Dalhin mo na yan sa head namin baka kanina pa yan hinihintay!" galit na utos niya sa akin.
"Oo na Sungit!" pabulong ko.
"Anong Sabi mo?" galit na tanong niya.
"Wala! Ang sabi ko Maganda ka sana! Lalaki ka lang!" pangaasar ko sa kanya.
"Aba't..."
"Jacky!!!" tawag sa kanya ng isa sa mga kasamahan,
"Humanda ka sa akin paguwi" sabi niya sabay takbo. Bulgaran kasi ang pagkabakla niyang si ate jacky, ayaw daw kasi niya na tintago kung ano siya kaya naman unang araw pa lang namin eh sinabi na yang sa mga katrabaho kung ano talaga siya, na mabilis naman nilang tinanggap.
"Ms. Hong... kanina pa dapat to nasa office ni Boss, Favor naman... Ikaw na ang maghatid. Tsaka mukhang andoon na si Mr. Andrei Seong" sabi niya. So Andrei... na pala ang ginagamit niya ngayon... What ever! Mapa andrei mapa Gian iisa lang siya, tsk. and i dont even care!
Magproprotesta pa sana ako ng biglang may tumawag sa kanya. "Ahh... oo pinahatid ko na, Si Ms. Hong ang maghahatid" sabi niya sa kausap. at sinensayasan akong umalis na. may choice pa ba ako?
" Sir... Ms. Hong is here" sabi niya sa may intercome.
"Let her in" sabi nung boses ng lalaki. First time ko lang makikita itong boss na toh. Balita ko chinese daw ito na malaki ang tiyan tsaka take note! Manyak!
Pagkapasok ko nadatnan ko silang magkaharap na naka upo sa Parang mini sala na may center table sa gitna, sinadya kong di bumaling sa pwesto ni Gian dahil siguradong pagGinawa ko yon ay mawawala ako sa katinuan. Agad akong lumapit sa Manyak daw na Boss namin na naka upo at lantad ang malaking tiyan nito. Agad kong inabot sa kanya ang folder pero imbes na kunin iyon eh hinaplos niya muna ang siko ko pababa sa kamay na naging dahilan para magtaasan ang balahibo ko. agad akong tumingin sa direksyon ni Gian na ngayon ay naka kunot na ang noo at galit na nakatingin sa kamay ng manyak na to!
"Bago ka ba dito?" tanong niya, boses pa lang niya pangmanyak talaga! Nakakdiri parang feeling mo pagtinitingnan ka niya hubad ka sa harap niya.
"O-opo" sagot ko. Nabaling ang tingin ko kay Gian na ngayon ay naka kunot noong nakaTitig sa akin... Ano!? naRealize mo n yung pinKawalan mo!? *Choss*.
"Mind to Take a Dinner With me Tonight?" tanong niya.
Muntik na sana akong maduwal ng "Ehem" pagpapansin ni Gian kay Boss M! manyak!.
Bago pa may masabi nanaman yung laki tiyan na yon dali dali na akong umalis.
BINABASA MO ANG
Till the Day that We Meet Again
FanficSituations leads them to seperations ilang beses ng naghiwalay ang landas nila But destiny always stick them together... Sabi mo di mo iiwan, pero anong ginawa mo? Story of : Jazmine lea hong and Gian andrei seong Yuri (SNSD) & Lee Min Ho