PROLOGUE

3.6K 46 0
                                    


QUEEN POINT OF VIEW








Mula sa punong aking kinatatayuan, kitang kita mula rito ang kasiyahan sa kanilang mga mukha, nakapaskil ang masasayang ngiti ng bawat isa. Ang mga tinig ng kanilang halakhak na magandang pakinggan sa aking pandinig.








Mga yakap na sa bawat lapat at haplos nang kanilang mga katawan na masarap damhin at lasapin. Mga matang nagpapakita ng totoo nilang naramdaman na tila nakikitawa rin sa kanilang kasiyahan. Bahagya akong nakaramdam nang inggit sa nakikita at wala sa sariling gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi.








Ang kanilang ginagawa hindi ko pa naranasan magmula nang maatang ang pagiging reyna sa mundong aking pinamumunuan, magmula nang mamatay ang aking mga magulang, lahat ng dapat kung gawin ay may limitasyon. Noong bata pa man ako hindi ko na ito magawa lalo sa mga bagay na natatanaw nang aking mga mata, masyadong bantay sarado ang mga magulang ko, lahat ng gagawin dapat alam nila.








Hindi ko pa naranasang umalis na walang kasamang mga kawal o tagapagsilbi sa aking tabi kahit nasa loob lamang ng tarangkahan ng palasyo. Kaya noon pa man naiinggit na ako sa mga batang nakikita kung nasa labas ng palasyo, malayang gawin ang mga bagay na nais nilang gawin tulad ng makipaglaro sa mga kapwa nila bata. I roughly sighed.








Gusto ko rin maranasan ang mga bagay na nagagawa nila, maranasan ang maging isang normal na dalaga walang kahit na ano pa mang bantay ang nakapaligid, walang taong laging nakabuntot man lang sa akin.








"Mahal na reyna halika na... kailangan na po nating bumalik sa palasyo" saad ng dalagang aking taga paglingkod na kanina pa tahimik sa tabi.








"Kamahalan—" kanyang muling pagtatangkang agawin ang aking atensyon.








"Serena" Muttered her name na tila inihip ng hangin.








"How is it feels to study... here?" Pagtatanong sa kanya and give her a quick glanced.








"Hindi ba't nakapag aral kana sa akademya Serena?" Ayun sa aking pagkakatanda nakapagtapos siya sa mataas at matatag na paaralan before she was assigned at the Royal Palace as my Personal Assistant.








Mula bata pa lamang ako, hindi ko na naranasan pang makatapak sa akademya. I don't know what it feels na makapag aral sa ganito kalaki at makapangyarihang paaralan. Tanging pagtanaw lamang ang kaya kung gawin, pathetically dreaming.








I know everything from Royal Politics, Diplomacy, Defense Magic and Principle of Queenship. Mula sa Royal Teacher na nakaatang na ituro na dapat kung matutunan bilang isang Reyna. I feel envious and ignorant child kumpara sa mga batang nakikita ko sa labas ng palasyo.








"Ibang iba kumpara sa Royal Palace... makakaramdam ka ng tuwa at kagalakan na makapag aral sa Academy" she said, bahagya ko naman siyang tinitigan, she looks happy.








"Really?" Hindi ko mapigilang makaramdam ng pait.








"Yes may makikilala kang tunay na mga kaibigan na handang magpasaya at magprotekta sa inyo." She happily said, napangiti naman ako ng maliit.








I starred at her, mas lalong umaliwalas ang kanyang mukha— isang ideya ang biglang lumitaw sa aking isipan. What if gawin ang mga bagay na kanyang naranasan noon sa loob ng Academy? What if I try to study too at maghanap ng mapagkatiwalaang kaibigan. Friend? That's not a bad idea, isang misteryosong ngiti ang gumuhit sa aking labi.








"What is your plan Your Majesty?" Nagtataka nitong tanong. Muling pinagmasdan ang nakakatuwang kaganapan sa aking harapan.








"I want to experience... kung ano ang naranasan mo" I plainly said saka nagsimulang lumakad paalis.








"Your Majesty wait for me... Anong ibig ninyong sabihin?!" Isang ngiti lamang ang lumabas sa aking labi.








————————————————————————

WARNING!!!!

SORRY SA MGA GRAMMAR AT TYPOS.

MAG ENJOY SANA KAYO SA PAGBABASA.

PLEASE LIKE, VOTE AND FOLLOW ME.

THANK YOU 💕❤️🌸

And PLEASE SUPPORT "BLACK SHADOW" my other Romance-Fantasy Story. Thank you

Royal Kingdom Academy  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon