Chapter 1: What happened, Gab?
"What happened, Gab?" nag-aalalang bungad sa akin ni Trisha matapos niya akong pagbuksan ng pintuan ng unit niya. "Can I explain later? Sorry if biglaan 'to." nahihiya kong pahayag sa kanya. Tiningnan niya ako ng mabuti at napa-hinga ng malalim. "Kundi lang kita kaibigan. Nako, fine. Come in." pag-anyaya niya sa akin sa loob. Agad-agad din naman akong tumalima, bitbit ang maletang naglalaman lahat ng gamit at ng mga damit ko.
"Can I get you anything?" simpleng tanong niya sa akin. "No. Thanks, Trish." tugon ko. Pinaupo niya ako sa couch niya at tinabihan niya ako. Ipinatong niya ang palad niya sa balikat ko at masuyong nakipagtitigan sa akin. "Gab, ano ba talagang nangyari?" pagbabalik niya sa naudlot naming usapan. Napailing ako at yumuko. Ayoko kasing ikwento ang nangyari sa akin kani-kanina lamang sa bahay. Masyado kasing masakit, lalo na kapag iniisip ko kung sino ang taong nagbigay sa akin ng sakit na iyon.
Ngunit naging mapilit si Trisha at binantaan akong papaalisin niya ako kapag hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit ako napalayas sa amin.
"It's my mom," nanghihina kong pagsisimula. Nakatingin pa rin siya sa akin, hinihintay akong magpatuloy sa aking kwento. "She found out that I fell in love with a guy." pagpapatuloy ko. Ang inaasahan ko ay magrereact siya, mabibigla. Alam kong alam naman niya ang tungkol sa pagkatao ko, ngunit alam din niya kung gaano ko iyon itinatago mula sa nanay ko. Ngunit imbes na iyon ang maging reaksyon niya ay nanatili siyang tahimik. Tumango lamang siya na parang hinihintay akong magpatuloy sa kwento ko, na parang hindi nakakabigla ang sinabi ko sa kanya. Ito ang gusto ko kay Trish. Napaka-understanding, at walang bahid ng panghuhusga ang pagkatao niya. Kaya siguro siya ang itinuturing kong pinakamatalik kong kaibigan ngayong college. Malamang ito rin ang dahilan kung bakit sa kanya ko napiling tumakbo ngayong oras ng pangangailangan ko.
"Naglilinis siya ng kwarto, then nabasa niya 'yung journal ko. Doon ko lahat isinulat 'yung mga gusto kong sabihin kay Josh na hindi ko nasabi sa kanya way back in high school. She threw a fit, told me that she has no son that's gay..." napabuntong-hininga ako, dahil sa galit ko sa kanya. "Puta, Trish! In the first place wala naman ata talaga siyang anak bukod sa business namin. She was never a mother to me." paglalabas ko ng sama ng loob. It's true. I love her, because she's my mother... but that's it. Hanggang doon na lamang iyon. "I tried to explain to her na once lang naman nangyari iyon... kay Josh lamang, and that I still had attraction to girls, pero hindi siya nakinig. She never listened to me, Trish." nanghihina kong pagtatapos.
Katahimikan.
It's true. Eversince I admitted to myself that I was in love with Josh, new doors opened. Ngayon, I appreciate the beauty of loving both sexes, pero sad to say, I never entered into a relationship, neither planned to be in one. The last girlfriend I had was Therese, which went way back in high school. Tumagal kami ng tatlong lingo, pero matagal ko siyang niligawan. Anyway, but I had to admit that niligawan ko si Trisha, pero sinabi niyang we're better off as friends, at mukhang tama nga siya.
"Sorry I had to crash your place, but don't worry gagawa ako ng paraan. I just need to settle some things first and get everything back together." pagpapaliwanag ko. "Hay nako, Gabby. It's okay. You're like a brother to me na rin naman. Don't worry, you'll get through this. Tutulungan kita." pagpapalakas niya ng loob ko. Nagpasalamat naman ako sa kanya, sa pagiging mabuting kaibigan niya sa akin.
Nakilala ko si Trisha two years ago sa isang club. Bakasyon noon bago ako magcollege, at nagkayayaan kami ng mga pinsan ko na magparty. I saw her alone drinking in a corner, basically avoiding everyone. She was the girl in a black dress, with brown flowing hair and the longest legs in the world. I saw her beauty, but the most striking part of her was the sadness in her eyes. Hindi ko alam kung ano ang meron sa akin noong gabing iyon at naglakas-loob akong lapitan siya. Hindi ko alam nang dahil sa gabing iyon, na dahil sa ginawa ko, ay makakakita ako ng isang panibagong kaibigan. It was funny, because during my first day in college, nagkagulatan na lamang kaming dalawa na magkaklase pala kami. What are the odds, right?
BINABASA MO ANG
Untouchable [BoyxBoy - Completed]
RomantikSequel to Unexpected. It's been a year since Gab fell in love with Josh. It's been a year since Josh chose Matt over him. With a new family and two new guys in his life, how will he handle his new life after his heartbreak?