Chapter 14

209 3 0
                                    


Chapter 14

Ngunit hindi ko inaasahang madadatnan ko sa may pintuan ko si Selah. Aninag sa mukha niya ang awa para sa akin, na nagsasabi sa aking narinig niya ang naging komprontasyon sa pagitan namin ng kuya niya. Nginitian ko siya ng hilaw bago ko tuluyang buksan ang pintuan ko.

Sumunod siya sa sa akin. Ayoko man ay hinayaan ko na lamang ito. Wala ako sa mood makipag-usap pa kaya hindi na ako umangal o nagreklamo. Narinig ko ang pagsara at ang pagkandado ng pintuan. Humiga ako sa aking kama at idiniin ang mukha ko sa unan ko. Walang mapagsidlan ang nararamdaman ko. Normally, ang expectation is magwawala ako, ngunit hindi ako ganoon magreact. Tama si Josh, I always bottle up my emotions para may cover-up ako—para magmukha akong matatag at hindi mahina. Kaya siguro kahit na nag-uumapaw at gusto ng kumawala sa dibdib ko ng puso ko ay wala pa rin akong reaksyon.

"Gab... I heard everything. Do you want to talk?" seryosong tanong ni Selah. Naramdaman ko ang mahinang paghagod niya sa balikat ko na siyang nakapagpagaan ng pakiramdam ko kahit papaano. "You know, talking is good. You'll feel lighter inside after, promise. Sige na, kuya. Talk to me." pagpilit niya. Napabalikwas ako sa pwesto ko. "Hindi ko alam kung saan magsisimula." totoong sagot ko sa kanya. Marahil ay kailangan ko na nga ng taong makakausap.

"That's good. Actually, nagsimula ka na by saying that. Bakit sa tingin mo hindi mo alam kung saan ka magsisimula?" tanong niya, halatang handang makinig sa kung anuman ang magiging sagot ko. "Uhm, kasi hindi ako sanay sa mga ganitong usapan?" litong tugon ko sa kanya. Napatango siya. "You know what, Gab. Don't listen to what Caleb is saying. For all I know is that he doesn't know you. I don't know you for that matter. The point is, ikaw lang naman ang nakakakilala sa sarili mo ng lubusan, eh. Tama ba?" pahayag niya.

Tumango ako.

"See. So whatever he said doesn't matter. Whatever I say doesn't matter. Again, 'yung point ko lang is it's up to you. You can listen to whatever shit others say, but sa huli, nasa-sa'yo if you'll let it affect you or not. Ikaw naman may hawak ng buhay mo, eh. What Caleb said won't matter 10 years from now. Kaya—" patuloy niyang pag-aalo sa akin, ngunit for some unexplainable reason ay nakita ko na lamang ang sarili kong pinutol siya.

"I'm just a broken boy that wants to be loved. What's wrong with that? Sobra-sobra ba 'tong hinihiling ko?" nanghihina, ngunit honest kong paglalabas ng sama ng loob. Hinintay ko kung may sasabihin pa siya, ngunit nang mahinuha kong wala na ay kinuha ko iyon bilang hudyat na magpatuloy.

"Kaya ako naapektuhan sa sinabi ni Caleb... kasi mayroong part ng sarili ko na matagal ng sinasabi sa akin 'yan. Kung bakit hindi ako pinili ni papa noon, kung bakit nawala ang pagmamahal ni Josh sa akin, kung bakit hindi ako magawang tanggapin ni mama. Dahil dito, naniniwala akong hindi ko deserve ang pagmamahal ng iba, na walang nagmamahal sa akin." pahayag ko. Nararamdaman kong nagsisimula ng manginig ang katawan ko hanggang sa lumabas na ang unang butil ng luha mula sa kaliwang mata ko.

"That's why everyday, since then, I try to play it strong para malaman nilang hindi ako nasasaktan, na matatag ako. But Selah, ang totoo niyan... mahina ako." Sa mga oras na iyon ay sunud-sunod na ang daloy ng luha ko. "Pakiramdam ko walang taong kayang magmahal sa akin dahil sa ganito ako. Akala ko dahi sa pagpapanggap ko naging matatag na ako, pero lalo pa pala akong humina." pagpapatuloy ko.

Niyakap ako ni Selah and in an instant naramdaman ko ang pag gaan ng mga pasanin ko. "Gab, that's not true. Maybe you just haven't met that person yet... or maybe you have. Si Justin. Yieee." pahayag niya na siyang ikinatigil ng pagtangis ko. "If I were you, instead of focusing on my idiotic brother, focus on your man! Sarili mo isipin mo huwag si kuya. If I know, selos lang iyon." natatawag pahayag niya. "S-selos?" takang tanong ko na siyang ikinakunot ng noo niya. "Uhm, yeah? Kasi wala siyang love life?" uneasy niyang sagot.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon