Chapter 24
"Are you ready?" tanong sa akin ni Justin kinabukasan. In an instant, I felt nervous. Hindi ko talaga alam how this day would play out. Aaminin kong natatakot ako kung paano ako pakikitunguhan ni Caleb, at mas lalo kong ikinakatakot ang posibilidad na baka sabihin niya kila papa at tita ang tunay kong damdamin tungo sa kanya. That just opened another batch of doors, releasing more of my fears. Ano na lamang ang iisipin ng mga magulang ko tungkol sa akin? Sigurado akong sisisihin nila ako at pagsasabihang isa akong threat sa maganda nilang family.
Pakiramdam ko ay out of the picture na naman ako.
"Hey, okay lang 'yan. Kasama mo naman ako, eh." pagpapalakas ng loob sa akin ni Justin. Nasa loob kami ng kotse ko, sa harap ng bahay namin. Hindi pa sumisikat ang araw, ngunit ang diwa ko ay gising na gising na dahil sa kabang nadarama ko sa dibdib ko. Hindi ko na nabigyang-pansin ang sinabi ni Justin nang mapansin kong biglang nagbukas ang gate ng kanilang bahay at mula doon ay lumabas ang lalaking pumigil sa komosyon ni Caleb at Justin noon: ang kuya niya.
"Halika, papakilala kita." pag-aaya nito sa akin kaya naman lumabas na ako ng kotse at sabay naming nilakad ang daan papalapit sa kuya niya. As if sensing someone's around, lumingon ang kuya nito sa direksyon namin and his face instantly lit up, as if acknowledging our presence. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin siya.
"Kuya, 'di ko pa pala napapakilala sa inyo si Gab properly. So there you go." bungad ni Justin. Binaling ng kuya niya ang tingin niya sa akin, at binigyan niya ako ng isang simpleng ngiti. "I'm Owen." pagpapakilala niya, habang nakalahad ang kamay niya. I shook his hand. "Gab. Nice to meet you po." nahihiya kong sagot sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi ma-intimidate sa presence niya, knowing that mas matanda ito sa akin.
"Finally, ang taong nakapagpabago sa gago kong kapatid." galak na pahayag nito.
I let out an awkward laugh, dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.
"Yeah, yeah. And I'm the bad kid. Alam na ni Gab 'yan, kuya." sabat ni Justin.
Nanatili na lamang akong tahimik hinayaan ang magkapatid na nag-uusap. Minsan-minsan ay nagbibiruan pa at nagtatawanan ang dalawa kaya naman hindi ko mapigilang matuwa para kay Justin. Ang alam ko kasi ay hindi sila okay ng kahit sino sa pamilya nito, ngunit what I'm seeing in front of me tells me otherwise. Mukhang okay silang dalawa, at kitang-kita ko kay Justin ang kasiyahan dahil dito.
"Babe, mag-ayos lang ako ng gamit. May kukunin lang ako sa kwarto." paalam nito sa akin. I rolled my eyes at him dahil sa pet name niya para sa akin. Sinabi ko na sa kanya na ayoko na ng may mga ganoong tawagan pa kami, ngunit dahil nga may pagka-isip bata ito ay hindi ito nagpatinag. Nevertheless, ikinatutuwa ko iyon dahil doon lumalabas ang pagka-romantic ng gago.
Naiwan kaming dalawa ng kuya niya sa harap ng bahay nila at tila umurong ng tuluyan ang dila ko sa kadahilanang hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya.
"So, Gab... how is being with my brother like?" pagbasag nito sa katahimikan.
"Huh?"
"Si Justin, how is he like as a... uhm, ano ba kayo? Official?"
"I guess?"
"Sorry kung ang awkward. Okay, nevermind. Alam mo, Gab. I love my brother, even though marami kaming hindi pagkakaintindihan."
"Yeah, sabi nga niya sa akin hindi kayo okay..."
"Totoo naman 'yun, and ako rin naman may kasalanan, because I never reached out. So when I saw him that night, umiiyak... I think you know what I mean, noong nalaman mo 'yung totoo? That's when I decided to finally be a brother to him. And I'm happy that he opened up... wala rin kasi siya sigurong makausap kaya no choice na siya sa akin hehe.
BINABASA MO ANG
Untouchable [BoyxBoy - Completed]
عاطفيةSequel to Unexpected. It's been a year since Gab fell in love with Josh. It's been a year since Josh chose Matt over him. With a new family and two new guys in his life, how will he handle his new life after his heartbreak?