Chapter 5: Turning point

222 8 0
                                    


Chapter 5: Turning point

Pagpasok ko sa kwarto niya ay hindi ko inaasahang gising pa si Caleb. Nang sipatin ko ang relo sa dingiding ng kwarto niya ay nakita kong lagpas na ng ala-una ng madaling araw. Mukhang napasarap pala ang kwentuhan namin ni Selah. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakikinig lamang siya ng music mula sa kanyang iPod at nakatingala sa kisame. Hindi man lang niya binigyang-pansin ang pagpasok ko sa kwarto niya, na parang hindi ba ako nage-exist. Kung kanina ito nangyari ay lubusan akong maiinis sa kanya, ngunit ngayong alam ko na ang rason kung bakit siya nagkaka-ganito ay sinabi ko sa sarili kong intindihin na lamang ang step brother ko.

Nang matapos akong maghilamos at magsipilyo ay dumiretso na ako sa aking comforter at humiga. Napansin kong bukas pa ang ilaw, at dahil hindi ako ang tipo ng taong nakakatulog kapag bukas ang ilaw, ay nagpunta ako sa may switch. "Caleb, papatayin ko na, ha." pagpapaalam ko. Ngunit wala siyang naging sagot. I'm pretty sure na napansin niyang nagtanong ako, kaya in-assume ko na okay lamang sa kanya at pinatay ito.

"Ano ba! Bakit mo pinatay?!" iritang basag ni Caleb sa katahimikan. Nagitla naman ako sa naging reaksyon niya, at hindi nakasagot ng maayos. Dali-dali kong binuksan muli ang ilaw. "Uhm, ano kasi... matutulog na ako, and hindi ka naman nagbabasa—" pagra-rason ko, ngunit pinutol niya ako. "Whatever, next time huwag kang makikialam. This room is not yours!." galit niyang baling sa akin bago magtalukbong ng kumot.

Napabuntong-hininga ako at pinatay muli ang ilaw bago ako humiga sa comforter ko. Oo, aaminin kong nasasaktan ako sa pakikitungo niya ngayon sa akin. Nang makita ko ang maamo niyang mukha na galit na galit sa akin ay parang dinurog nito ang puso ko. Wala naman akong ginagawa sa kanya para magalit siya ng ganito. Hindi ko naman ginusto na maging anak sa labas ni papa. Mabuti pa ang kapatid niya ay sinusubukang intindihin ang sitwasyon ko.

Buksan mo ang puso mo, Gab. Intindihin mo na lang, sabi ko sa sarili ko, inaalala ang sinabi ni Josh.

"Good night, Caleb." pahayag ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

Natigilan ako ng ilang segundo, hinihintay at umaasa na makakakuha man lang ng reaksyon sa kanya. Ngunit gaya ng inaasahan, wala ni isang senyales na tinugon niya ang pahayag ako. Ito ang inaalala ko hanggang sa lamunin ako ng antok. Isa lamang ang bagay na sigurado ako—alam kong narinig niya iyon.

--

Lumipas pa ang isang linggo. Maraming nagbago, since nagsimula na ang pasukan namin noong isang araw para sa second semester, ay hindi na ako gaanong nakakalagi sa bahay. Malaking pagbabago rin ito para sa akin. Nagulat na lamang ako nang biglang sinabihan ako ni Selah na may maghahatid sa aking driver papuntang school at sabihan ko na lamang daw dito kung anong oras ko gustong magpasundo. Sanay kasi akong magcommute, given na ginusto kong maging independent kahit pa pinapagamit sa akin ni mama ang kotse namin. At ang isa pang ikinagulat ko ay ang malaking allowance na binigay sa akin ni daddy, at ang una kong naisip ay kung saan ko gagastusin ang ganitong kalaking halaga para sa isang araw, dahil hindi naman ganito kalaki ang baon ko dati at nasanay akong magtabi lagi ng pera. Ngunit naisip ko na rin na magandang paraan ito para makaipon ako.

Tinext ako ni Trisha na magkita kami sa coffee shop sa may Katipunan, dahil hindi pa daw ito kumakain. Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 8:00 pa lamang ng umaga kaya naman pumayag ako dahil matagal pa bago ang una naming klase ni Trisha. Sinabihan ko si Manong Elmer, ang driver ni daddy, na ibaba na lamang ako doon. Nagpasalamat naman ako bago ako bumaba nang makarating kami sa destinasyon ko.

Pagpasok ko ay agad akong nakaramdam ng gutom dahil sa naamoy kong pinaghalong aroma ng kape at tinapay. Nasipat ko si Trisha na kasalukuyang umiinom ng kape. Sinenyasan ko na lamang siya na oorder muna ako bago siya puntahan.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon