Chapter 21
Caleb.
Flashback.
"Caleb! Hear me out first!" galit na sigaw sa akin ni papa na siyang ikinatigil nila mama at Selah. Ngunit hindi ako nagpadala at nasindak sa naging tono ng boses niya. "Hear you out?! Why? Did you hear mom out when she was begging you to leave that woman? Did you hear her habang patago siyang umiiyak para hindi mo makitang mahina siya habang kinakasama mo 'yang babae mo?!" matapang na sagot ko sa kanya. "If someone in this house needs to hear out, it's you!" galit na galit kong sigaw kay dad.
"Caleb!" pagsita sa akin ni mama. Panandalian akong natigilan ngunit agad-agad din akong nagpatuloy.
"No, ma! Dad, ang swerte-swerte mo kay mama! Imagine, after lahat ng ginawa mo, tinanggap ka pa rin niya na parang walang nangyari. You didn't deserve any of that! And now... now malalaman na lang namin na may anak ka pala sa labas diyan sa babae mong muntik ng sumira ng pamilya natin? And what else? Oh, right?! That you want that son-of-a-bitch to stay with us?! Great! Brillian—"naputol ang paglilitanya ko nang maramdaman ko ang biglang pag-init ng pisngi ko.
"Ronald!" singhap ni mama matapos akong sampalin ni papa.
"Sumosobra ka na! Caleb, kung alam mo lang 'yung sitwasyong pinagdadaanan ng kapatid mo!" Wala kang karapatang husgahan siya ng ganon-ganon na lamang." sita sa akin ni papa.
"Look! I don't care! I don't care about that stupid son of yours. I did this family a favour by not bringing up past issues about your faults, pero this time hindi ko na kayang manahimik! Huwag mo ng dagdagan ang problema mo at ang sakit na nararamdaman ni mama! Ang sakit na nararamdaman namin..." natahimik ako sa huli kong sinabi at nagmamadaling umakyat patungo sa kwarto ko. Padabog kong isinara ang pinto.
Caleb, calm down. You're tough, hindi ka nasasaktan. Nasstress ka lang. sabi ko sa sarili ko.
I can never let myself be weak. Masyado ng matindi ang pinagdaanan ko sa mga nangyari dati at ayoko ng maging apektado sa mga hindi namang importante na mga bagay. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Dumapa ako sa aking kama upang matulog at i-distract ang sarili ko mula sa nangyari kanina. Matapos ang ilang minuto ay narinig ko ang pagbukas at ang pagsara ng aking pinto.
"Hey," narinig ko ang kalmado at malambing na boses ni mama. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa gilid ng kama ko. Tinapik niya ang balikat ko bilang signal na harapin ko siya. Agad naman akong umupo at tiningnan siya ng mabuti. I was shocked to see her smiling, and what shocked me even more was that I didn't see any small amount of pain in her eyes.
Nakunsensya naman agad ako sa nagawa ko. My mom has this effect on me. She, Selah and Sari are the only people in the world who can see through me.
"Ma, about what happened..." pagsisimula ko ngunit pinigil niya ako.
"Naiintindihan ko. I know na iniisip mo lang ang nararamdaman ko, which I appreciate. I really like na kahit ikaw ang anak ko ramdam mo pa rin na dapat mo akong alalahanin." panimula niya. Nanahimik lamang ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Caleb, please hear your father out." pahayag nito, at dahil doon ay hindi ko na napigilang maglabas ng mga hinanaing ko.
"Ma, why do you care for him so much after all that happened?" honest kong tanong dito.
Nginitian niya ako.
"Because I love your father." confident niyang sabi.
"Mahal ko siya, at kapag mahal mo ang isang tao, iintindihin mo na lang. And he seemed apologetic and sincere, and true enough hindi na naman naulit, eh. Caleb... we all deserve second chances. Kapag mahal mo ang isang tao, handa kang intindihin ito, to hear that person out, and be open to forgiveness. Tao lang naman tayo at natutukso, nagkakamali. Kaya Caleb... please don't do this to your father. Nasasaktan siya, eh." paliwanag ni mama.
BINABASA MO ANG
Untouchable [BoyxBoy - Completed]
RomanceSequel to Unexpected. It's been a year since Gab fell in love with Josh. It's been a year since Josh chose Matt over him. With a new family and two new guys in his life, how will he handle his new life after his heartbreak?