Chapter 13

168 5 0
                                    


Chapter 13

"Tatahimik ka na lang ba diyan?" pagsisimula ni Justin. Hindi ko siya pinansin at imbes ay nagpatuloy na lamang sa pagkain ng inorder ko. "Gab... please don't make this harder for me." halata ang pagka-desperado at ang pagmamakaawa sa boses niya na siyang nakapagparamdam sa akin ng guilt, kaya naman tiningnan ko na siya ng diretso sa mata.

"Explain how... kung paano 'to nangyari? Paano ka napunta dito?" kalmado kong pagsisimula. Huminga siya ng malalim bago magsalita. "Okay, hiningi ko 'yung tulong ni Trish para masolo kita. I begged her all day for her to help me. Nagalit siya because apparently nakwento mo sa kanya 'yung nangyari kaninang umaga, but in the end, napapayag ko siya. And here we are." salaysay niya.

"Why are you still doing this?" tanong ko sa kanya matapos niyang magsalita. "Gab, you're special. I don't want to lose you that easily." sincere na pahayag niya na siyang nakapagpalakas ng tibok ng puso ko—as cheesy as it sounds. Bumuntong-hininga ako bago ko sabihin ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. "You do understand that... this may not work out, right? Justin, I've never been in this position before. Hindi ko pa naranasan sa buhay ko na... for once, may humahabol sa akin. All my life, ako ang naghahabol ng mga bagay na gusto ko, kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko when you told me." pahayag ko.

Tumango naman siya, tila naiintindihan ang sentiments ko. "Gab, I don't mind. Take all the time you need. Gusto ko lang ng kasiguraduhan na susubukan mo. Can you do that?" tanong niya. Napaisip ako ng lubusan sa sinabi niya. Hindi rin maiwasang sumagi sa isip ko ang sinabi sa akin ni Trisha tungkol sa pagbibigay ng opportunity sa sarili kong lumigaya. After all what happened... I think I deserve some happiness. And fuck this, I'm taking my chances!

Tumango ako.

Ngumiti siya.

At alam kong nagkakaintindihan kaming dalawa ukol sa gusto kong mangyari.

Totoo nga ang sinabi nila, some things are better left unsaid.

--

"Ginabi na tayo, ah." pagpansin ko dahil sa napuna ko na maga-alas nuebe na pala ng gabi sa orasan niya sa kotse. "Ang sarap ng dinner. I enjoyed. Promise." sagot niya sa akin. Tumango ako at tinuon ko ang atensyon ko sa bintana ng kotse niya at sinubukang paliparin ang isip ko mula sa mga nangyayari, dahil sa totoo lang... takot ako sa pinasok ko. Ayokong masaktan, dahil with the state things are right now, I don't see myself with Justin in the future. Pero maaga pa naman para magsalita. I need not mind the future when I can—and should—focus on the present. Dapat kilalanin ko muna siya. Totoo, gusto ko siya bilang kaibigan. Hopefully I can take it from there.

"Pwede magshare?" tanong ko.

"Hmmm?" tanong niya.

"Gusto ko lang linawin lahat... ayokong may iniiwan na malabong bagay."

"Go lang." sabi niya, nakatuon pa rin ang atensyon sa daan.

"'Yung nangyari kaninang umaga... kaya ako nagalit kasi ayoko ng ganon, eh. 'Yung habang-buhay na nagtatago. What if this works out, Justin? Itatago na lang ba natin 'to?" honest kong pahayag sa kanya.

Napansin kong humigpit ang kapit niya sa manibela. Oh oh.

Bumuntong-hininga siya.

"Look, Gab. You want me to be honest with you? Okay. Takot ako. There, I said it, but don't get me wrong. I'm honest when I said that I like you—hell, baka nga mahal na kita eh—pero this is new to me... and nakwento ko na naman sa'yo 'yung family ko, 'di ba? I'm afraid na hindi nila ako tatanggapin. Wala akong matatakbuhan gaya mo, Gab. Sobrang hirap." ramdam ko ang sakit ng mga salitang lumalabas sa labi niya sa pahayag niyang iyon.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon