Chapter 10

215 6 0
                                    

Chapter 10

Flashback.

"You like it?" tanong ni Justin nang makapasok na kami ng resort—or rather—ng villa. Namangha naman ako sa nakita ko, dahil hindi ko inaakalang masosolo namin ang ganitong klaseng lugar. Ang villa na narentahan namin ay may dalawang floors. Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang sala na may isang malaking TV set, at isang bar malapit sa kusina na nasa likod nito. Dumiretso pa kami at natanaw ko ang garden sa likod ng bahay kung saan naroon ang isang malaking swimming pool.

"Yes, ang ganda nga dito." pagsang-ayon sa kanya.

"Nasaan mga friends mo?" tanong ko, dahil pansin kong wala pang mga tao sa loob ng villa. Ang sabi kasi ni Justin ay magkikita na lang kami ng mga kaibigan niya sa patutunguhan namin. Binaling ko ang atensyon ko sa kanya at nakita kong nagkakamot ito ng ulo. "Ah... eh," natatamemeng bulong nito. "What? Tayo ba ang pinakanaunang dumating?" inosenteng tanong ko.

Umupo si Justin sa sofa at tiningnan ako ng diretso mata. "Look, Gab. The thing is... I have no friends." pahayag niya na siyang ikinagulat ko, dahil hindi ko iyon nahalata sa kanya. Cool ang personality niya at alam kong marunong naman siyang makibagay sa mga tao kahit papaano. "What? Loner ka? Ganon?... Oh, sorry baka na-offend ka. What I meant was—" at naputol na lamang ang sinasabi ko, dahil sa paghagikgik niya. "Gab, ano bang gagawin ko sa'yo? Ang clueless mo talaga." natutuwang sabi niya sa akin.

For some unexplainable reason, naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mga pisngi ko.

"Gab, ang ibig sabihin ko, wala ang friends ko... dahil in the first place, wala akong inimbita."

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kanya.

"You mean..."

"Yes, tayong dalawa lang dito." nakangiting pahayag niya.

--

"Ibig sabihin, he tricked you into thinking na marami kayong magba-bakasyon?" pagconfirm ni Trisha sa kwento ko. "Yup." buntong-hininga ko. "I should've known na may mangyayaring malaki sa simula pa lang. Tama siya, napaka-clueless ko nga." dagdag ko. "What else happened, Gab? And how did he... alam mo na, paano ka niya tinanong?" curious na tanong ni Trisha.

--

Flashback.

"Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ko kay Justin. Nakaupo ako sa dining area habang siya ay nagluluto ng pasta sa kusina. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko kung ano ang mga pinagagagawa niya. "Ang alin, Gab?" inosente niyang tanong habang naghahalo ng sauce. "Ito. I mean, why did you lie to me na kasama mo ang barkada mo tapos tayong dalawa lang pala?" pagklaro ko.

Tiningnan muna niya ako at ngumiti bago sagutin ang tanong ko.

"Dapat ba lahat ng ginagawa ng isang tao may dahilan?" nakangiti niyang balik sa akin.

Kumunot ang noo ko dahil sa naging pahayag niya.

"Just... answer the question." pagpilit ko.

Napabuntong-hininga siya, at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Ang buong akala ko ay wala na siyang balak sagutin ang tanong ko dahil nagpatuloy lamang siya sa paghalo ng sauce at sa pagre-retoke nito sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga spices. Magsasalita na sana ako nang putulin ako ng kanyang sagot.

"Look, Gab. I just want to spend some time with you. Special ka sa akin, eh. Kaya I did this kasi gusto pa kitang makilala." Habang sinasabi niya iyon ay nahahalata ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi at ang mahina nitong pag-iling. "And at the same time, gusto ko rin na makilala mo rin ako. Importante iyon para sa akin. There. Nasagot ko ba ang tanong mo?" pagtatapos niya habang iwinawagayway ang sandok na hawak-hawak niya.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon