Chapter 20
"Hi, kuya." bungad sa akin ng taong kinita ko ngayon. Kasalukuyan akong nasa loob ng isa sa mga restaurants sa loob ng unibersidad na pinapasukan niya, dahil mas minabuti kong doon na lamang siya kitain para naman hindi na ako gaano makaabala pa sa kanya. Ang pagpayag niya sa alok ko ay tatanawin ko ng utang na loob, gawa ng alam ko na busy ang schedule ng taong kaharap ko ngayon.
"Hey. Kamusta? Nasaan si..." tanong ko, ngunit pinutol niya agad ang sasabihin ko. "Wala. May klase." ramdam ko ang pinaghalong irita at tampo sa boses niya nang sabihin niya iyon sa akin. Nagtaka ako, ngunit mas nangibabaw ang tuwa sa akin dahil sa inaakto ng taong kaharap ko. "Uy, LQ kayo?" pang-aasar ko na siyang ikinakunot ng noo niya. "Oo." walang kagatol-gatol na sagot nito. "Okay, ano bang nangyari?" tanong ko, dahil kahit papaano ay gusto ko rin namang ma-resolba kung anumang gusot ang meron sa relasyon nila sa kasalukuyan.
"Kuya Gab, sino ba namang boyfriend mo ng tatlong taon ang makakalimutan ang monthsary niyo? Naiinis ako, Kuya Gab!" paghihimutok nito. "At saka masyado na siyang busy sa eleksyon na 'yan! Wala na siyang time para sa akin. Idagdag mo pa na magkaiba ang course namin kaya naman madalang na kami nagkikita... tapos ngayon may lumalandi pa sa kanya." iritable niyang litanya sa akin. "Heto ako, kahapon dinalhan ko siya ng lunch sa classroom niya, tapos bigla ba naman akong sinabihan na kesyo kumain na daw siya, na busog pa daw siya, at sana hindi na daw ako nag-abala. Tapos nagcancel pa siya sa date namin kahapon, kuya. Pakikaltukan nga 'yang bestfriend mo, please?!" dagdag niya pa.
Natawa ako.
"Bakit ka natatawa? Walang nakakatuwa, Gab." sabi niya sa akin. Medyo kinabahan naman ako dahil marahil ay may tinamaan ako sa loob niya. Napansin ko kasi na inaalis niya ang "kuya" sa pangalan ko kapag seryoso na siya. "Ang cute mo." komento ko. "Matagal ko ng alam 'yon, okay? Huwag mong ibahin ang usapan, Gab. Ewan ko, pero nasasaktan na talaga ako sa pagbabalewala niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy napag-iiwanan na ako, idagdag mo pa 'yung lumalandi sa kanya." pagpapatuloy niya.
"Ano bang meron doon sa lumalandi sa kanya? Sigurado naman akong mas gwapo ka doon." pahayag ko. Parang lalo siyang nagpuyos ng galit dahil sa sinabi ok. "Kuya, babae ang lumalandi sa kanya. Alam naman niyang may boyfriend na 'yung tao, kung makadikit parang linta." saad niya. "Tapos ito namang bestfriend mo, parang gustong-gusto pa. Tuwang-tuwa pa. Alam mo ba minsan sinama niya 'yon sa isa sa mga date namin? The nerve, 'di ba?... Gab, natatakot ako." doon ay na-sense ko ang matinding kalungkutan sa boses niya.
Naudlot ang dapat kong sasabihin nang i-serve sa amin ng waiter ang mga inorder naming pagkain.
"Mahal mo ba siya?" tanong ko sa kanya.
"Kuya naman. Anong klaseng tanong ba 'yan? Magkaka-ganito ba ako kung hindi?" balik niya sa akin.
"Iyon naman pala, eh. Then dapat pagkatiwalaan mo siya. Kilala ko si Josh. Kilala mo siya, of all people, and alam natin pareho na hindi siya ganoong klaseng tao."
"Pero kuya kasi... ang hirap nitong ginagawa niya sa akin, eh."
"Intindihin mo muna 'yung tao. And tinanong mo na ba siya tungkol doon sa babae?"
"Well, hindi p—"
"See? Huwag ka padaskol-daskol. Baka mamaya dahil diyan mag-away talaga kayo. Simpleng bagay lang kaya huwag mong patulan."
"B—"
"No buts! Matt, hindi gagawin sa'yo ni Josh iyon. Alam kong mahal na mahal ka noon... pinagpalit nga niya ako para sa'yo, eh." pagkadulas ko.
Oops, awkward.
"Uhm, yeah, that's not the point, pero alam mo huwag kang ma-paranoid, Matt." pagtatapos ko dahil baka kung anu-ano pa ang masabi ko.
BINABASA MO ANG
Untouchable [BoyxBoy - Completed]
RomanceSequel to Unexpected. It's been a year since Gab fell in love with Josh. It's been a year since Josh chose Matt over him. With a new family and two new guys in his life, how will he handle his new life after his heartbreak?