Chapter 3: Starting Over

249 8 1
                                    


Chapter 3: Starting Over

"Are you ready?" masuyong tanong sa akin ni Trisha kinabukasan. Nakahanda na lahat ng gamit ko, at hinihintay na ako ni daddy sa lobby ng condo ni Trisha. "I'm nervous, Trish. What if I don't like it in there? More importantly, paano kung hindi nila ako magustuhan?" nag-aalala kong tanong sa kanya. Hinaplos naman niya ang isa kong pisngi at sinabing, "You'll do great, Gabby. You're an amazing person. Just be yourself, and you'll be fine." nakangiting pahayag niya bago ako bigyan ng isang halik sa pisngi at isang mahigpit na yakap.

"Trish, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa iyo... thank you. You're a true friend." nakangiti kong pahayag bago lumabas ng pinto. "Nako, nagiging cheesy ka na. Bumaba ka na nga! Good luck, Gabby. You're finally getting the life you deserve. Ingat ka palagi. See you sa campus sa pasukan!" pamamaalam niya bago ako tuluyang pagsarhan ng pinto. Binigyan ko ng isang huling sulyap ang pintuan ng unit ni Trisha at naglakad na papuntang elevator na siyang magdadala sa akin pababa sa lobby.

Nang makababa ako ay nasipat ko si dad na nakaupo sa isa sa mga couches sa lobby habang gumagamit ng cellphone. Lumapit ako at kinalabit siya nang mapansin niya ako ay agad niyang tinigil ang kanyang ginagawa at tumayo. Nakangiti niya akong hinarap at sinabing, "I can't believe this is happening." ngiting pahayag niya. "Ako nga rin po, eh." nahihiyang tugon ko. Niyaya na niya akong lumabas at sumakay sa kotse niya.

Namangha naman ako nang makita ko ang magarang sasakyan ng tatay ko. Totoo nga ang sinasabi sa akin ni mama na mayaman ang pamilya ni daddy kaya nakakaya niya akong sustentuhan buwan buwan ng walang mintis simula nang ipanganak ako. Medyo nahiya at nailang naman ako nang makasakay ako ng kotse, dahil pakiramdam ko ay nanliliit ako at dahil na rin sa kadahilanang hindi ako sanay sa ganitong uri ng pamumuhay, let alone sa ganitong uri ng sasakyan.

"Gusto mong kumain muna?" tanong ni daddy habang nagddrive, tinatahak ang daan papunta sa kanila. Umiling naman ako kahit nagugutom na ako, dala na rin ng hiya. Natawa naman ako sa sinabi ni daddy na kung ayaw ko daw ay siya ay gusto na niyang kumain, dahil nagugutom na raw ito. Pumayag na rin ako sa huli. Hindi ko ikakailang kahit sasandali pa lamang kaming nagkasama ni daddy, na kahit ang huling memorya ko sa kanya ay noong mga 10 years old pa lamang ako bago tuluyang putulin ni mama lahat ng communication namin, ay ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya. Ngayon ay napatunayan ko ng mali si mama, dahil unang araw pa lamang namin magkasama ni daddy ay ramdam na ramdam ko na ang pagiging mabait na tao nito.

Napili ni daddy na magbreakfast muna sa McDonald's. Nahihiya daw siya na dito niya ako dinala, dahil hindi naman daw niya alam kung ano ang gusto ko at nagbabakasakali lamang siya. Pinili daw niya ang McDo para safe. Pinabulaanan ko naman iyon at sinabing hindi ako mapili sa pagkain. Medyo na-touch naman ako sa ginawang iyon ni daddy dahil nakikita ko ang pag-aalala niya sa akin; more importantly, ang pagkagusto niyang bumawi sa mga taong hindi kami nagkasama.

"Uhm, dad wala po ba kayong work ngayon?" tanong ko habang nagsslice ng pancake. Knowing his nature, kahit weekend ay malamang pumpasok ito. Umiling siya bilang tugon. "Nagleave ako for today dahil gusto kong makasama ka buong araw." pag-amin niya. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

"'Yung mga anak niyo po... si Caleb and Selah, how are they like? And okay lang po ba sa kanila na makikitira po ako sa inyo?" pagtatanong ko. Napaisip naman si daddy. "I already told them and okay naman daw. Si Selah, she's very sweet. Daddy's girl. Palaging abala sa school activities, people person. She's very excited to meet you." nakangiting pagbabalita ni daddy. "Eh si Caleb po?" tanong ko. Napansin ko ang pagbabago ng timpla ni daddy dahil sa tanong ko na siyang lubusan kong ikinataka. "Caleb? To be honest, I don't know. Ewan ko ba sa batang iyon. Don't get me wrong. Hindi siya nagrerebelde, o nagbubulakbol. In fact, he's a straight A student, tennis player, former musician, pero may pagka-aloof. Kahit sa amin ng tita Audrey mo hindi siya gaano nago-open. I don't know why, hindi naman siya ganoon dati." paglalahad ni daddy. Naging interesado ako malaman ang tungkol kay Caleb dahil sa mga sinabi sa akin ni daddy. Parang... nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya dati base sa mga description na binigay ni daddy.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon