Chapter 4: Memories of the Past

239 6 0
                                    


Chapter 4: Memories of the Past

Habang nananghalian ay hindi ko maialis ang tingin ko kay Caleb, pilit binabasa ang mga kilos niya. Mukhang tama nga si daddy. Buhay na buhay ang buong hapag-kainan, lahat may kanya-kanyang kwento, lahat nagtatawanan—si Caleb lamang ang hindi. Parang laging malalim ang mga iniisip niya. Halata naman sa pamilya niya na sanay na sila sa ganitong ugali ni Caleb.

Habang kumakain ay patago ko siyang inoobserbahan. Hindi talaga ako makapaniwala kung gaano kaamo ang mukha ng step brother ko. Ngunit kung ano ang ikina-amo ng mukha niya ay ang siyang ikinagaspang ng ugali niya. It just made no sense to immediately pester someone you just met. If I were in his shoes, I would've at least treated the person with respect. Pero for some unknown reason ay hindi ko magawang mainis sa kanya. Marahil ay dahil ito sa fact na kapatid ko siya, at nananalaytay ang dugo ni daddy sa aming dalawa kaya magaan ang loob ko sa kanya.

"So Gab, can I call you 'Kuya'?" maligalig na tanong ni Selah na siyang nakapagbalik ng huwisyo ko. "Ah, uhm... sure, I guess." sagot ko sa kanya. "Oh my God. This is so cool. I have 2 kuyas na." natutuwang sabi niya bago sumubo muli ng pasta. "Ikaw, Caleb? Kanina ka pa ata tahimik diyan? Why don't you show your brother around the house?" mungkahi ni tita Audrey. Tiningnan ko ang magiging reaksyon ni Caleb at nagulat na lamang ako nang mangiti ito ng wagas na siyang nakapagpatulala sa akin. "Sure, mom. I'd love to." nakangiting baling niya kay Tita Audrey. Ngunit nang pagmasdan ko ng mabuti ang mukha niya ay nahalata kong pilit lamang ang mga ngiti niya at nagpapanggap lamang ito.


Something inside me stirred, ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Pinaalala ko sa sarili ko na dapat ako ang maging mapagpasensya, dahil ako ang bagong salta sa pamilya nila. At isa pa, ako ang dapat mag-adjust, at hindi sila. Kaya kahit aminin ko mang naiinis ako sa inaasal ni Caleb ay dapat hindi ako magreklamo.

--

Dumaan ang araw at gaya ng inaasahan ay wala akong nakuhang tour mula kay Caleb. Nang tanungin ako ni Tita Audrey kung kamusta ang tour ng bahay ay gumawa na lamang ako ng istorya tungkol dito. Hindi naman ako nahirapan dahil talagang nalibot ko ang buong bahay nila—iyon nga lang, si Selah ang naglibot sa akin, na siyang na-enjoy ko naman. Natapos na rin ang session namin ni daddy kasama si Atty. David tungkol sa legal matters regarding my custody.

"Kuya Gab, let's go swimming!" yaya sa akin ni Selah. "Uhm, aayusin ko lang 'yung gamit ko. Hindi ko pa nau-unpack, eh." pagdadahilan ko. "Oh, I'm sure Manang already took care of it. Halika, I'll accompany you to Caleb's room para makuha mo na rin." sabi niya sabay haltak sa akin paakyat ng hagdan. Lumiko kami sa kaliwa at tumigil sa ikalawang pinto na nakita namin mula dito. "This is Kuya Caleb's room." sabi niya bago buksan ang pinto.

Last semester, sabi sa akin ng professor ko sa English, "The best way to get to know a person is through looking inside his room". At ngayong nasilayan ko na ang kwarto ni Caleb—ang magiging kwarto ko sa loob ng isang linggo—ay hindi ko maiwasang isipin kung ano ba ang pag-uugali ni Caleb base sa itsura ng kwarto niya.

It was not the typical teenage boy's room. Makikita mong napaka-mature ng taong nagmamay-ari ng kwartong iyon. Pagpasok mo ay unang mong mapapansin ay ang puting kulay ng mga dingding at mga ang bookshelves na punung-puno ng mga libro ranging from academic books to novels. Across it ay ang tokador kung saan nandoon ang salamin, mga drawers, na pinaliligiran ng dalawang malaking cabinet. Sa gitna noon ay isang malaking kama, ag sa tapat noon ay may nakalatag na comforter na in-assume ko na para sa akin since magiging roommates kaming dalawa ng isang linggo. Ngunit ang pinakatumatak sa akin about his room ay ang isang asul na gitarang naka-tengga lamang sa isang gilid.

Sinong mag-aakalang musically-inclined pala siya?, tahimik kong puna.

"Anong ginagawa niyo dito?" seryosong bungad sa amin ni Caleb. Kasalukuyan siyang nagbabasa habang nakahiga sa kama niya at nakadungaw mula sa librong binabasa niya. "Kuya Gab's just going to get his clothes. I asked him to go swimming sa garden. Want to join us?" pagyaya ni Selah. Walang naging reaksyon mula kay Caleb at sa halip ay nagpatuloy lamang sa pagbabasa na parang walang narinig.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon