Chapter 15

197 3 0
                                    


Chapter 15

"So ginawa niyo na ba?" aligagang tanong sa akin ni Trisha the following Saturday. Nagdesisyon akong puntahan siya sa bahay niya dahil may hihiramin din akong notes mula sa kanya. "Ang alin?" oblivious kong tanong habang isa-isang inii-scan ang pages ng notebook niya sa scanner nila. "That!" pagpipilit niya. Itinigil ko muna ang ginagawa ko at hinarap siya. Binigyan ko siya ng isang nagtatanong na tingin. Nang madatnan ko ang mukha niya ay nakita kong naghihintay ito ng sagot at tila excited na excited ito.

"Ang alin ba?" naguguluhan ko pa ring tanong sa kanya. Wala naman kasi kaming particular na pinag-uusapan kaya hindi ko talaga maintindihan ang gustong iparating ng tanong niya. Ako'y tahimik lamang na gumagawa sa computer niya habang siya naman ay tahimik na naglalagay ng nail polish sa paa niya. "Iyon! That! Sex?!" sigaw niya na siyang ikinalaki ng mata ko. Wala akong maisagot sa kanya, dahil hindi ko alam kung saan niya biglang hinugot ang tanong niyang iyon.

"Don't play innocent with me, Gab. Alam kong hindi ka na virgin, noh! And ano naman gagawin niyo ni Justin sa kwarto niya? Magtititigan na lang? Mag-on kaya kayo tangina." depensa niya. Ako naman ay nakaramdam ng pamumula sa mga pisngi ko. "B-bakit? Dapat ba kapag matutulog ang dalawang tao sa isang kwarto magse-sex agad sila? At ss-aka virgin pa ako!" balik ko sa kanya na siyang ikinatawa niya. "Oh my God, Gab! Huwag ka ng magmalinis. Hindi ka na virgin noh. When you kissed me in my car that one—" "STOP! Ayoko ng maalala 'yan, please." pagpigil ko sa kanya. Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi niya. "'Yung paghalik mo, hindi halik ng virgin 'yon!" pagtatapos niya.

"Okay, I'm going out!" pahayag ko sabay tayo. Ayoko na ang nagiging takbo ng usapan namin ni Trisha. Hindi naman ako ilang sa mga ganitong topic, pero kapag si Trisha kasi ang kaharap ko ay hindi ko maiwasang maging awkward. Unang-una, napaka-prangka at maingay kasi nito, kaya siguradong kahit anong sabihin ko ay magiging OA ang reaksyon nito. Ikalawa, parang kapatid ko na kasi siya at nakakailang talagang magkwento ng mga ganitong uri ng bagay sa isang tao kung kapatid ang tingin mo dito.

"Hey! Joke lang 'yon. Hindi ko na ulit ipapaalala." pilya niyang tawa bago ako hilahin pabalik. Tinulak niya ako sa kama niya na siyang dahilan kung bakit ako napaupo doon. "Gabby, magkwento ka na noh. Kung gusto mo pati details ng sex life ko kkwento ko rin basta magkwento ka lang, please." pagmamakaawa niya. "Ano bang nakain mo ngayon, Trish? Bakit ganyan ka?" asar na tanong ko sa kanya. "Nako naman kasi. Sa tinagal-tagal nating naging friends, ngayon ka lang nagka-love life noh! At isa pa, interested ako kasi ang hot hot ni Justin." paliwanag niya.

"Ano ba nangyari noong sleepover mo? Gifted ba siya?" pagpilit niya, at wala na nga akong magawa kundi magkwento... kahit pa sobrang nakakahiya ang nangyari, dahil kahit naman anong gawin ko ay alam kong hindi siya titigil kaka-kulit sa akin.

--

Flashback.

"Pwede bang dito matulog si Gab ngayong gabi?" tanong ni Justin sa daddy niya na siyang ikinagulat ko. "Huh?" baling ko sa kanya, dahil wala naman akong alam na may plano pala siyang ganito. Ewan ko ba kung bigla lamang niya iyon naisip, o matagal na niyang pinlano ito. Panandalian natahimik ang hapagkainan, kaya naman naisip kong sumabat na sa usapan. "Tito, okay lang po kung busy kayo..." pagsisimula ko ngunit sumagot agad ang daddy niya. "Nonsense, hijo. You're always welcome here. Matalik naming kaibigan sila Ronald at Audrey kaya naman hindi ka na iba sa amin." magiliw na pahayag niya, ngunit nang bumaling siya sa anak niya ay nawala ang ngiti nito. "Justin, sabihan mo na lang si manang na i-set ang guest room." cold na utos niya sa anak. "No need, pa. Sa kwarto ko na lang matutulog si Gab." malamig din na sagot ni Justin.

Tahimik. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng mag-ama, kaya naman sa ikalawang pagkakataon ay sinubukan kong isalba ang sitwasyon nang maging matiwasay naman ang hapunan namin.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon