Chapter 18
"Nandito na ako sa labas ng bahay niyo." sabi ko kay Trisha nang sagutin niya ang tawag ko. Naiinis man dahil alas nuebe ng gabi na siya nagpasundo. "Okay, babe. Pababa na rin ako." sagot niya, at dahil doon ay tuluyan ko ng pinutol ang tawag. Ngunit ang 'di ko inaasahan ay ang biglaang pagring ulit ng cellphone ko. Inakala kong si Trisha lamang ulit iyon dahil may nakalimutan lamang siyang sabihin or something, ngunit nang tingnan ko ang pangalan ng caller sa screen ay natigilan at napabuntong-hininga ako. Ni-reject ko ang tawag niya.
Justin.
Buong linggo ko ng hindi pinapansin ang binata. Kahit sa bahay ay pinipilit kong huwag lumabas. Maging ang pag-alis ko papuntang school ay pilit kong inaagahan para hindi niya ako maabangan at magkrus pa ang landas namin. Kahit sa school ay hindi na ako tumatambay sa mga nakagawian kong paglagian dahil natatakot akong magkita kaming dalawa. After what he did to me... hindi ko masisikmurang makita ang pagmumukha niya. At marahil ay itong inis, o galit na nararamdaman ko sa kanya ang dahilan kung bakit napapayag ako ni Trisha sa plano niya—kahit wala akong kaide-ideya kung anuman iyon.
Tumunog naman ang message alert tone ko, indicating na may nagtext sa akin. At nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahang magtetext si Justin.
"May problema ba tayo, Gab?" ang sabi ng text niya.
Sa tanong niyang iyon ay milyon-milyong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko akalaing may guts talaga siyang ipagpatuloy ang gaguhang ito, na ganoon pala talaga siya kasama. Wala naman akong ginawa sa kanya, wala akong atraso sa kanya. In the first place, kung hindi naman siya nagpakilala sa akin—which I think was a part of his plan all along—ay hindi naman ako magiging involved sa kanya. And he's doing this for what? Para may mapatunayan siya? Kung anuman iyon, ay napakabigat siguro noon para gumawa siya ng mga bagay na makakasakit sa ibang tao.
Napailing na lamang ako.
Napukaw ang atensyon ko nang marinig ko ang pagbukas ng gate ng bahay nila Trisha. Paglabas ng kaibigan ko ay hindi ko maiwasang mapanganga sa itsura niya. Totoong maganda si Trisha, kaya naman siguro ay marami talagang nanliligaw dito. Ngunit napansin kong parang may kakaiba sa ayos niya. Unang-una, ay nakamake-up ito—pula pa ang lipstick—nakakulot rin ang buhok niya. Si Trisha kasi ay isa sa mga babae na hindi mahilig mag-ayos ng sarili, iyon bang kuntento na sa pagiging simple. Ikalawa ay ang damit niya. Naka-jacket ito na nakasara ang zipper hanggang leeg, at nakamaikling palda, which I find weird, dahil ang init-init naman ngayon at hindi ko makuha ang kombinasyon ng damit niya.
Nagtaka ako dahil imbes na pumasok sa passenger side ay nagpunta siya sa driver's side at binuksan ang pinto. "Palit tayo. Ako ng magddrive." pahayag niya. Hindi na rin ako tumutol, dahil wala rin naman ako sa mood magdrive ngayon, at saka baka kung ano pa ang gawin niya sa akin kaya tumalima na ako. Wala rin naman akong choice pagdating sa kanya. Pagkatapos naming makapwesto ay agad ko siyang tinanong kung bakit ganoon ang suot niya. "Ba't ka naka-jacket? Ang init ah." puna ko sa kanya habang tinatahak ang daan palabas ng subdivision nila. Imbes na sagutin ako ay hinila niya ang zipper ng jacket niya pababa at tumambad sa akin ang suot niyang black dress.
"Trisha, have some decency!" protesta ko, pilit inaalis ang paningin ko sa kanya. Masyado kasing malalim ang suot niya at kitang-kita na ang cleavage nito. Tumawa naman siya ng matining na tila natutuwa pa sa pagkaasar ko. "Bakit ka ba naka-ganyan? Para kang pokpok." walang pasubali kong saad. "Gab, relax. It's not for you, noh? As if. It's all part of my plan." sabi niya sa akin bago ako kindatan.
"Saan ba kasi talaga tayo pupunta? At ano ba talagang plano mo?" tanong ko.
"Shh. I'm driving." pagsuway nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Untouchable [BoyxBoy - Completed]
RomantiekSequel to Unexpected. It's been a year since Gab fell in love with Josh. It's been a year since Josh chose Matt over him. With a new family and two new guys in his life, how will he handle his new life after his heartbreak?