Chapter 16

178 4 0
                                    


Chapter 16

"Josh, Matt. Long time no see." nakangiti kong bati sa kanila. Tiningnan ko ang dalawang taong nasa harapan ko. Talaga ngang malaki na ang pinagbago nila since the last time we've seen each other. Matagal ko na silang niyayayang makipagkita ngunit dahil busy nga ang mga ito ay hindi iyon matuloy-tuloy kaya naman tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay nagkita-kita rin kaming tatlo matapos ang mahabang panahon. Nagkangitian kaming tatlo bago ko silang yayain umupo.

"May kasama ba kayo or kayo lang dalawa?" tanong ko sa kanila. "Wala, bes. Nagyaya lang 'tong isa na 'to lumabas." pahayag ni Josh bago ituro si Matt. Nilabas lamang ni Matt ang dila niya bilang tugon. Aamin ko, oo na, aaminin ko. Naiingit ako, pero ewan ko ba hindi dahil sa nakikita ko si Josh na may kasamang iba. I mean, matagal ko ng tanggap na hanggang kaibigan na lamang talaga ang ending namin, eh. Ang kinakainggit ko lamang ay dahil nakikita ko at nararamdaman kong mahal talaga nila ang isa't-isa. Gusto ko kasi ng ganoon, eh—ang makakita ako ng isang taong magpaparamdam sa akin noon. Hindi man sila halatang magkasintahan dahil kung umakto sila ay parang magbestfriends pa rin, pero when you look closely, you'll see the spark in their eyes. Akala ko noon ay gaguhan lamang iyon, but it turns out totoo pala iyon.

Eh paano naman si Justin? Hindi ba niya pinaparamdam sa'yo iyon?, sabi ng isang boses sa loob ko na siyang ikinatigil ko. Pinilit kong iwaksi ang mga naiisip ko at ibinalik ang atensyon ko sa aking dalawang kasama.

"Mag-isa ka lang ba, kuya? Ba't ka napadpad dito?" kaswal na tanong sa akin ni Matt. Tiningnan ko ang ginagawa niya at nakita kong pinaghihimay niya ng manok si Josh na siyang ikinangiti ko. "Ah, oo. May kailangan lang kasi akong bilhin kaya ako napadaan dito. Kamusta na kayong dalawa?" pagpapatuloy ko ng usapan. "Never been better." nakapalumbabang sagot ni Josh, iyong tipong nagd-daydream siya sa sobrang saya. Tumango na lamang ako.

"So kamusta naman sa family ng dad mo? I hope you're doing fine." pagpapatuloy ni Matt. "Yeah, masaya ako sa family nila. Thanks nga pala sa inyong dalawa for doing all of it." sabi ko sa kanya. "Medyo nahirapan nga kaming magresearch, eh pero nang malaman ko 'yung address, nagulat ako kasi may kaibigan din akong nakatira sa village niyo. Small world." sagot ni Matt bago ipasa kay Josh ang platong naglalaman ng hinimay niyang chicken. "Talaga? Sino naman—"

"Hey, hey! I need your advice nga pala, bes. Baka makalimutan ko pa. Kailangan ko ng magandang speech para sa campaign ko. Wala akong ideas, tangina." singit ni Josh bago ko pa matapos ang tanong ko kay Matt. Binaling ko ang atensyon ko sa kanya. "Sure, pero bes, wala rin namang saysay 'yung magiging tips ko, eh. Basta be yourself. For sure magugustuhan ka nila. You trained under me noong high school kaya sure win ka na." pahayag ko na siyang ikinatawa ni Matt at ikinasimangot ni Josh. "Wow! Yabang natin, bro. Kapit ka, Matt baka matangay ka, eh." sarkastikong pang-aasar niya sa akin.

At isang pilyong ideya ang pumasok sa isipan ko.

"Kayo naman ang kamusta? Mag-three years na rin kayo, ah." pagsisimula ko, at kahit ako ay hindi ko mapigilang mapangisi sa naiisip ko dahil siguradong maiinis si Josh sa gagawin ko. "Oo nga, eh. Ang bilis din ng panahon since nagkaaminan kami nitong lokong 'to." nakangiting sagot sa akin ni Josh. Mawawala rin ang ngiti mo after this, sabi ko sa sarili ko "Three years, matagal na rin iyon, ah. So nagsex na kayo?" diretsong tanong ko sa kanila bago kumagat sa inorder kong burger para magmukhang casual lamang ang tanong ko. Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Josh at ang biglaang paglaki ng mga mata niya. Kilala ko kasi siya, at alam kong may pagka-conservative ito at ayaw na ayaw niya tuwing pinapasok ko ang ganitong klaseng mga topic. Napansin kong pinipigilan ni Matt na matawa dahil sa mahinang paghagikgik nito habang nakayuko.

"Wow. So you did it?! How was the first time? And madalas ba?" pagpapatuloy ko. Napapansin kong tinitingnan na ako ng masama ni Josh dahil pakiramdam siguro niya ay napapahiya siya, pero judging from his reaction, siguro nga ay tama ang hinala ko at ginawa na nga nila iyon. Oh, well. Good for them. "Matt, ano? Kailan pa?" interesado kong tanong kay Matt. "Uhm, funny thing noong first time—" hindi na natapos ni Matt ang sasabihin niya dahil sa biglaang paglanding ng kamay ni Josh sa batok niya. Nakita kong pinandilatan ng mata ni Josh si Matt na siyang ikinatigil nito. "Wow, Matt. Under ka pala ni Josh." biro ko sa kanya. "Hoy, hindi totoo 'yan." depensa niya na siyang ikinatawa ko na lamang.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon