Chapter 17

175 5 0
                                    


Chapter 17

"Caleb." gulat na gulat kong pahayag nang madatnan ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Walang takas ang kaba, at ang pagtataka na namumutawi sa mukha ko dahil sa kamalas-malasan ba naman ay nakagawian ko ng umupo sa tabi ng driver palagi. Nginitian niya ako ng isang matabang na ngiti at ibinaling ang atensyon niya sa kalsada. Natatakot akong magtanong, natatakot akong magsalita, dahil in the first place ay hindi ko alam ang sasabihin ko. Moreover, naiilang pa ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya sa akin dati. Alam kong masakit pa iyon, ngunit napatawad ko na siya dahil aaminin kong medyo naging conceited ako noon at hindi ko na-realize na hindi niya ginusto ang mga nasabi niya noon na marahil ay dala lamang ng bugso ng damdamin niya.

"Gab, would you mind na makisama sa kahit anuman ang gagawin ko tonight? Please huwag mo munang unahin 'yang galit mo sa akin." pahayag niya habang nagmamaneho. Tiningnan ko lamang siya, dahil hindi ko lubusang maintindihan ang sinasabi niya. "I know, right? How retarded of me na humingi ng pabor sa'yo ganoong galit ka pa sa akin, pero please do it for me." pagmamakaawa niya. Buti na lamang ay nakatuon ang mga mata niya sa daan kundi ay mapapansin niya ang pamumula ng mga pisngi ko.

"O-okay." nauutal kong sagot sa kanya. Napansin ko naman ang paglabas ng biloy sa isang pisngi niya, isang indikasyon na natuwa ito sa sinagot ko.

Ngayon ay bigla akong napaisip sa mga nalaman ko mula kay Matt kanina, at kung paano ako binalaan ni Caleb, at kung paano ako hindi nakinig sa kanya at imbes ay nakipag-away pa. Natamaan noon ang konsnesya ko at ngayon ay pakiramdam ko lulubog na ako sa kinauupuan ko ngayon dahil sa labis na guilt sa inakto sa kanya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung saan siya nanggagaling, na may basehan lahat ng akusasyon niya laban kay Justin, at ako si tanga, naging biktima na naman ng sarili kong paniniwala.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko dito. Napansin ko namang gumawi ang tingin niya sa akin at ngumisi ito. "It's a surprise." pahayag niya.

--

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang bumibyahe kaming dalawa ni Caleb. Nagising na lamang ako nang maramdaman kong niyuyugyog ako nito para bumangon na at bumaba ng kotse. Pagbaba ko ay nadatnan kong nasa loob kami ng isang parking lot, kaya naman wala akong ideya kung anong klaseng lugar ang pinagdalhan nito sa akin.

"Gab, patulong naman ako magbaba ng groceries, nasa likod lang." request niya na siya ko namang sinunod. Kumuha ako ng dalawang plastic bags at siya naman ay kinuha ang natirang isa. Ni-lock na niya ang kotse niya at sinabihan akong sumunod sa kanya papasok ng building. Nang makapasok kami sa entrance ay doon ko nalaman na condominium pala itong pinasukan namin dahil sa magkakasunud-sunod na pintuang may mga numero. Alam kong hindi iyon hotel, dahil simple lamang ang paligid at may kanya-kanyang distinction ang bawat pintuan na tila sinasabing iba-iba ang nagmamay-ari ng bawat unit.

Umakyat kami ng dalawa pang set ng hagdanan bago siya tumigil sa isang unit at i-unlock ito gamit ang susing kanina pa niya pinaglalaruan sa isa niyang kamay. Walang sabi-sabi ay pumasok siya sa loob kaya naman sumunod na ako sa kanya. Pagpasok ko naman ay napansin kong bukas ng TV nito at isang ulo ang nakadungaw mula sa sofa. Nagulat ako nang makita ko ang isang babaeng ka-edad ko. Maganda ito at nakasuot ng tank top at shorts, in short, parang nakapambahay. Naisip ko tuloy kung sino siya sa buhay ni Caleb.

"Uhm, Gab meet Sari. Sari, meet Gab." atat na pahayag ni Caleb habang inaayos ang groceries. Napansin kong nagkatinginan ang dalawa at pinandilatan ni Caleb si Sari na siyang ikinataka ko. Lumapit sa akin ang magandang babae, nginitian ako ng mabilisan, at kinuha mula sa akin ang dalawang plastic ng groceries at nagpunta sa kinatatayuan ni Caleb sa kusina. Sumunod ako sa kanilang dalawa at napansin kong inilingkis ni Sari ang mga braso niya sa katawan ni Caleb at tiningnan itong mabuti. "Siya ba 'yung sinasabi mo, Cal?" tanong niya. Natigilan naman ako dahil parang gaguhan lang na pag-uusapan nila ako sa harap ko. Napansin ko naman na parang nagtense si Caleb at tumango na lamang.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon