Chapter 11
Trisha.
"Anak, can you please go to MOA for me?" bungad ni mama sa akin pagkapasok niya ng kwarto ko. "Who were you talking to?" tanong niya nang mapansing kakababa ko pa lamang ng cellphone ko. "Uhm, si Gabriel po." maingat kong sagot, ngunit hindi naging effective iyon dahil sa gaya ng inaasahan nanlaki ang mata ni mama at napapalakpak pa. Gustong-gusto ko na siyang batukan nang mga oras na iyon, but hey don't get me wrong. I love her. May mga times lang talaga na para siyang baliw. Oh well, mana-mana lang 'yan.
"Really? Patricia, I think Gab is a good kid. He's good for you." sabi niya. Oh no, not again. At heto na naman po tayo. "Bakit kasi hindi mo siya sinagot? Mabait siya, matalino, gwapo... ano pa bang hahanapin mo sa kanya? Niligawan ka na nga niya, eh." pahayag ni mama. Napabuntong-hininga ako. Ma, kung alam mo lang na bisexual siya, natatawang komento ko sa loob-loob ko. "Ano ka ba, ma! Parang kapatid ko na 'yun." sabi ko habang inaayos ang kama ko. Ayoko kasing tingnan si mama. Matagal na niya kasing pinipilit na kaming dalawa ni Gab ang magkatuluyan. "Ma, may boyfriend po ako, okay?" sagot ko sa kanya.
"Who? That Marco kid? For sure hindi mo na naman seseryosohin 'yon. Wala ka namang sineryoso sa kanila, eh." buntong-hininga ni mama. Napailing na lamang ako at hindi na sumagot para matapos na ang conversation namin. "Oh, ano pong kailangan niyong ipabili sa SM?" tanong ko, pilit iniiba ang topic. Parang bumalik naman sa huwisyo si mama dahil sa sinabi ko. "Oh, right. Oo nga pala. I need you to buy everything on that list for me." sabi niya bago iabot sa akin ang isang nakatuping papel.
"I'll be going to HK with your father. Sorry, baby. Biglaan na naman, eh." sabi niya. Tumango na lamang ako, dahil wala naman akong magagawa, eh. Lagi naman silang ganoon—aalis ng biglaan. "Gaano kayo katagal mawawala?" tanong ko, trying my best to look uninterested. Nasanay na rin kasi ako na palagi nila akong iniiwan. Ang daming birthdays, awarding, at kung anu-ano pang importanteng events sa buhay ko ang na-miss nila dahil sa business namin. I just do my best na intindihin sila kahit nakakalungkot. "One week." sagot niya. Tumango naman ako. "Okay, ma. Bihis lang ako." ngiti kong sabi sa kanya bago ko siya pinalabas ng kwarto ko.
--
Nang matapos kong bilhin ang lahat ng mga kakailanganin ni mama at papa, which mostly consisted of clothes and toiletries para sa kanilang biyahe, napagdesisyunan ko munang magbreak at bigyan ng reward ang sarili ko. Kaya naman nagpunta ako ng Starbucks upang orderin ang paborito kong drink. Pagpasok ko ay hindi ko inaasahan na madadatnan ko doon si Juno. Kasalukuyan itong naka-focus sa pagbabasa ng isang libro na agad kong narecognize dahil libro iyon para sa major subject namin. Nakasalpak din sa mga tenga niya ang earphones niya at tila sinasabayan niya ang mga lyrics ng kantang pinakikinggan niya.
Naglakad ako papalapit sa kanya at inilagay ang mga paper bags sa isang bakanteng upuan ng kanyang table. "May nakaupo na diyan, sorry." pagtataboy niya sa akin nang hindi man lang ako tinititigan. Alam kong nagsisinungaling lamang ito, dahil gusto niyang mapag-isa habang nag-aaral. Kasalukuyang puno ang coffee shop kaya naman naisip niya sigurong may naglakas ng loob maki-share ng table sa kanya. Napangisi ako at naisip kong tanggalin ang isa sa mga earphones na nasa kanyang tainga. Nang itingala niya ang ulo niya ay bigla itong natauhan. "Hey, ikaw pala 'yan. Sorry, I need to concentrate kasi." paghingi niya ng pasensya. "Okay lang. Anyway, pwedeng pa-share ng table?" tanong ko. "Sure, sure." pagpayag niya.
Kaya naman umorder na ako ng maiinom at ng makakain na rin. Binilhan ko na rin si Juno ng isang slice ng cake para naman ganahan siya mag-aral. I plan to stay with him, dahil gusto ko rin naman ng may makausap. Masyado akong nasstress sa problema ni Gabby at wala naman akong kasama sa bahay, kaya naman si Juno muna ang pagtutuunan ko ng pansin. Nang dumating lahat ng inorder ko ay nagpunta na ako sa table at inilapag doon ang tray. "Oh, I bought your favourite. Baka naman sabihin mo wala akong pakisama." biro ko sa kanya. "Aww, thanks boo." nakangiting pahayag niya bago ibalik ang atensyon sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Untouchable [BoyxBoy - Completed]
RomanceSequel to Unexpected. It's been a year since Gab fell in love with Josh. It's been a year since Josh chose Matt over him. With a new family and two new guys in his life, how will he handle his new life after his heartbreak?