Chapter 2: Hellos and Goodbyes

329 9 0
                                    


Chapter 2: Hellos and Goodbyes

"Anong ginagawa mo dito? You're not supposed to be here!" matalim kong pahayag sa kanya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at inilabas ko na ang kanina ko pang nagkukumulong mga emosyon. Napansin ko naman na napangiwi si Trisha sa ginawa kong pakikitungo sa taong minsan ko ng tinawag na ama. Nagulat naman ako nang makita ko ang pagbabago sa mukha ng tatay ko. Kita kong nasaktan siya sa ginawa kong pagtrato sa kanya, which confuses me a lot, dahil hindi ba siya naman talaga ang may gustong iwan kami ni mama? Anak lang naman ako sa labas, eh. Hindi ako importante sa kanya. Bakit nga ba siya nandito? At ano ang kinalaman niya sa sitwasyon ko ngayon?

"Ahh... eh, Tito Ronald, have a seat first." mahahalata mo ang panic sa boses ni Trisha nang sinabi niya iyon. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, ang bigat ng hangin, ang 'di maipaliwanag na katahimikan. Maging si dad ay natigilan ng panandalian, ngunit agad-agad din namang tumalima.

"Gabriel... alam kong I haven't been the father that—" pagsisimula ni dad, ngunit pinutol siya ni Trisha. "Ahm, Tito. Let me start this first." pagputol niya. Binaling ko ang atensyon ko sa kanya, ipinakita ko sa ekspresyon ng mukha ko na hindi ko gusto ang ginagawa niya, at more importantly, na hindi ko mapagdugtong-dugtong lahat ng mga nangyayari ngayon.


"I know you're wondering what the hell I came up with para masolusyonan iyang problema mo, Gabby. Now, ie-explain ko na." sabi ni Trisha. "To be honest... I told Josh." nakangiwi niyang pag-amin. "You told who?!" gulat kong bulalas. Why would she drag Josh into this?! "I was desperate, okay? I didn't know where else to turn to. I knew it had to be someone you trust, and si Josh lang ang naisip ko... and to be honest, siya ang nagplano nitong lahat." pagpapatuloy niya.

What the actual fuck?!

And without any warning, naramdaman ko na lamang ang mga paa kong kusang gumalaw, pwersahang inilalayo ang sarili ko sa table namin. Nakita ko ang sarili ko sa may likurang bahagi ng restaurant, kung saan nandoon ang parking area ng mga customer. Gulung-gulo ang utak ko. The past three days were too much for me to take in. Hindi ko alam, ngunit I felt that the whole world turned against me. Wala naman akong ginagawang masama! In fact, I've been doing my best to keep my mouth shut about anything and just mind my own business, moving on with my life as swiftly as I can. Wala akong alam na ginawa ko for me to deserve this much hardship.

Parang nawawalan na ako ng pag-asa.

Just because I fell in love... ganito na ang magiging repercussions noon?

Sa 'di inaasahang pagkakataon ay narinig ko ang ringtone ko at naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. I wanted to turn it off, thinking it was Trisha—or worse—my mom, pero nang makita ko ang pangalan sa screen ay lubos kong ikinataka ito. Ngunit sinagot ko pa rin ito, dahil ang isang bagay na kailangan ko ngayon ay isang taong makakausap, isang taong makakaramay—isang kaibigan.

"Bes, I don't understand..." pagbungad ko kay Josh bago ko tuluyang ilabas lahat ng emosyong kinikimkim ko nitong mga nakaraang araw. "Look, Gab. Get your shit together." authoritative niyang sabi sa akin. Over the past two years ay malaki na ang pinagbago ni Josh. Kung noon ay siya ang submissive type, meek, at parang 'di makabasag-pinggan, ngayon ay isa na siyang taong kayang lumaban sa kung anuman ang gusto niyang panindigan. "Josh, but don't you know who that fucking person is?!" nagpupumiyos kong sabi sa kanya.

"Gab, I'm trying to give you a solution to whatever the fuck tita Cynthia has done, and the least you could do is listen." matigas niyang pahayag. Napangiwi naman ako sa pakikitungo niya sa akin. "Gab, when Trish called me, I knew something was wrong. Nagtatampo nga ako, eh dahil hindi mo sinabi, but that's not the point. So I tried to think of something that would solve the problem, and finally I came up with this. I—well, Matt helped me—researched the whereabouts of your father, and luckily nahanap namin siya. Hindi kami nahirapan, dahil high profile person pala siya, eh." pagpapaliwanag niya.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon