Chapter 9

210 6 0
                                    


Chapter 9

Lumipas ang mga araw at naging maganda naman ang takbo ng mga bagay-bagay. Naikwento ko na rin kila Trisha, Juno, at Justin ang mga naging pagbabago sa samahan namin ni Caleb. Natuwa naman silang lahat, dahil naging maayos na rin ang pagtrato ng kapatid ko sa akin. Nakakatuwa rin na nakikita na ng mga magulang namin ang pagbabago sa samahan namin na siyang lubusang ikinatuwa ni papa.

Maging kay Josh ay naikwento ko na rin iyon. Niyaya ko rin siyang lumabas, ngunit sabi niya ay busy daw siya sa Student Council elections sa school niya. Nalungkot ako, dahil miss na miss ko na siya, ngunit inintindi ko na lamang siya dahil alam ko kung gaano ka-stressful ang mga ganoong bagay, being a former student council president in the past.

Ginabi na ako ng uwi, dahil may kinailangan akong interviewhin para sa isang Journalism elective na kinuha ako, at medyo nagkaproblema kami sa schedule ng interview kaya kinailangan kong mag-adjust. Medyo pagod na ako, ngunit iniisip ko na lamang na Biyernes na bukas at makapagpapahinga na ako sa weekend, dahil sa imbitasyon ni Justin para sa isang overnight sa resort ng kaibigan niya. Oo nga pala, hindi pa ako nagpapaalam. Kailangan ko ng magpaalam ngayong gabi, sa loob-loob ko.

Pagpasok ko ng bahay ay nadatnan ko silang lahat na kumakain na sa hapagkainan. Lumapit na ako sa kanila at nagmano kay daddy. Binigyan ko ng halik sa pisngi si tita Audrey, at si Selah. Nginitian ko na lamang si Caleb, na siyang sinuklian rin ng huli. "Gabriel, ginagabi ka yata." saad ni papa nang makaupo na ako sa upuan sa tabi ni Selah. Ito ang nakakatuwa kay papa, na kahit pa sobrang busy niya sa pagpapaktbo ng napakarami niyang negosyo, he still makes it a point to eat dinner with his family. "May ininterview po kasi ako, and nagkaproblema sa schedule, kaya gabi na po natapos." sagot ko bilang paliwanag. "Kumain ka na. Siguradong gutom na gutom ka na." pahayag ni Tita Audrey na siyang sinuklian ko ng isang tango na may kasamang ngiti.

Habang kumakain ay naalala ko ang imbitasyon ni Justin, at naisip kong ito na ang tamang pagkakataon para magpaalam. "Uhm, dad?" pagsisimula ko. "Yes, anak?" balik niya sa akin bago siya humigop ng sabaw. "Ah... pwede po ba ako sumama sa kaibigan ko? Mago-overnight po kami this weekend." pahayag ko. "OMG! How fun! Saan naman 'yan, kuya?" excited na singit ni Selah sa conversation. "Sa Laguna lang naman po. Sa isang resort doon." baling ko kay papa. Napaisip naman siya sandali.

"Sure ka bang mababait 'yang mga taong iyan, at hindi sila bad influence sa iyo?" paninigurado ni papa. "Oh, kilala niyo po siya. Si Justin Tiongson, 'yung nakatira sa tapat natin." pahayag ko. Nakuha ni Caleb ang atensyon ko nang madatnan ko siyang biglang nabulunan. Umuubo-ubo siya, at dali-dali naman siyang sinaklolohan ni Tita Audrey na kasalukuyang pinapainom siya ng tubig galing sa baso habang hinahagod ang likod nito.

"What?! No, hindi ka pwede sumama!" pagtutol ni Caleb matapos niyang mahimasmasan na siyang ikinagulat ko. Lahat kaming na sa lamesa ay biglang napatingin sa kanya. "Caleb, what's wrong with you? You can't decide for your brother like that. You're good friends with Justin. Gab, kilala ko si Justin and alam kong napakabait ang batang iyon. And it's good na nakikipagkaibigan ka na rin sa mga tao sa village natin. Hon, siguro naman pwede mong pagbigyan si Gabriel na sumama sa kanila." si Tita Audrey. Tiningnan ko lamang ang mukha ni Caleb na kasalukuyang may bahid pa rin ng pagtutol, ngunit nang masdan ko ang mga mata niya, ang pagkunot ng mga kilay niya... tila may iba pa akong na-sense na emosyon doon.

Pag-aalala? Bakit naman?

Ewan. I must be imagining things.

"Okay. Payag na ako, but promise to text me kapag nakarating ka na doon, at kapag paalis na kayo para alam kong safe ka." si papa. "Yes po. Thanks, dad." ang nasabi ko na lamang. "Oh, and next week handa na 'yung kwarto mo. I'll have it sorted para pagdating mo tutulugan mo na lang." pahabol ni papa. Napaisip naman ako sa sinabi niya, at... nalungkot. Ibig sabihin, hindi ko na makakasama si Caleb sa iisang kwarto. Gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa naisip kong iyon.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon