This is it!
Happy Reading!
--
'Untouchable' [Finale]
5 years later
"Mr. Tan, I need you to cover a special assignment for me." pagsisimula ng aming editor-in-chief, si Sir Larry nang makapasok na ako sa office niya matapos niya akong ipatawag. Tumango ako at umarteng interesado sa sasabihin nito, kahit pa sa loob-loob ko ay parang basag na basag na ako dahil sa nabalitaan kong balita mula kay mama kaninang umaga.
"Yes, sir?" tanong ko dito, pilit sinasabi sa sariling magfocus ako dahil trabaho ito, and that I should not let my personal life interfere with work—dapat magpaka-professional ako. That's been my mantra eversince tumira kami dito sa States five years ago. Mahirap man, eh nakasanayan ko na rin ang buhay dito. Nakapagtapos na rin ako ng degree in the Languages at ngayon ay isa na akong feature writer sa isang Filipino-American news magazine sa New Jersey. Eversince, life's been one slow rollercoaster ride.
Nakakalula, nakakatakot, pero mabagal at walang pagbabago.
"No one's willing to take this project, and medyo kailangan na nating magmadali dahil dapat fresh pa ang balita once we publish it. Alam kong may balak kang umuwi ng Pilipinas in two weeks time, at okay lang ba kung medyo mapapaaga ka?" alangang tanong ng boss ko. Kahit pa matagal na siyang nagttrabaho, at ako'y kabago-bago pa lamang ay napakabait naman nito sa akin kung paano ako ituring at pakitunguhan kaya naman masaya ako dahil dito ako nakakuha ng trabaho.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"You mean, I need to go to the Philippines just to get this story?" gulat na tanong ko dito, and I instantly saw him feeling apologetic. "Yes, that's the thing... kaya walang willing magcover, and medyo importante ito." sabi niya. "But sir? Wala pa po akong 5 months dito, and yet you're okay with a neophyte like me to handle this?" tanong ko dito.
Bumuntong-hininga siya.
"To be honest? Yes. Magaling ka namang bata ka, eh. And don't worry, all-expense paid naman ito. May budget naman tayo para sa malalaking story na gaya nito." sabi niya pa. "May problema ba, Gab? May ayaw ka bang balikan sa Pilipinas?" concerned na tanong nito sa akin. Gusto kong sabihin na oo, na as much as possible ay ayoko ng bumalik ng bansa. Kahit pa pupunta ako doon in the coming weeks, ay sandali lamang akong lalagi doon at wala akong balak magtagal dahil matagal ko ng pinutol lahat ng koneksyon ko sa mga kakilala ko doon noong araw na umalis ako.
"No, sir. And if ever meron man po, I don't see why it has to get in the way of my job as a writer." sagot ko dito na siyang ikinatango niya. "Good. So is that a yes?" hopeful na sabi nito, at wala na akong nagawa kundi pumayag. "Excellent, Gab. Be ready to leave tomorrow before dawn." sabi pa nito.
Pero sadyang hindi ako nakatiis.
"Pero, sir? Wala na po ba talagang iba?" pagpipilit ko pa rin.
"Sa totoo lang, ikaw talaga ang gusto kong pumunta doon dahil mas may chance na makaka-relate sa'yo 'yung mga iinterviewhin mo because of your background, at dahil doon baka mas madali tayong makakuha ng information para matapos agad natin 'tong coverage." pagpapaliwanag niya na siyang ikinakunot ko ng noo. "What does that have to do with me?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Untouchable [BoyxBoy - Completed]
RomantizmSequel to Unexpected. It's been a year since Gab fell in love with Josh. It's been a year since Josh chose Matt over him. With a new family and two new guys in his life, how will he handle his new life after his heartbreak?