Chapter 7: Changes?
Habang nasa daan ay palagi kong chine-check ang kondisyon niya mula sa rear view mirror. Nakasandal siya sa bintana, nakasuot ang jacket na nakatago sa bag ko. Napapansin kong giniginaw pa rin ito, kaya naman tuluyan ko ng pinatay ang aircon at hinayaan ang sarili kong tiisin ang init sa loob ng sasakyan. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami ng bahay.
Dali-dali ko siyang ipinasok sa loob, at inalalayan paakyat ng hagdan. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang init ng katawan niya, ng balat niya, ng pagkakadikit nito sa sakin. Ito na ang pinakamalapit kong interaction sa kanya physically, at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagugugustuhan ko iyon. Napailing na lamang ako sa loob-loob ko sa mga bagay-bagay na naiisip ko lately. This is getting out of hand.
Pumasok kami sa kwarto niya at pinahiga ko siya sa kama niya. Sinimulan ko ng tanggalin ang sapatos niya, ang medyas niya, sinimulan ko na rin na tanggalin sa pagkaka-butones ang polo niya nang bigla siyang bumalikwas. "A—anong ginagawa mo?" nanghihina niyang tanong. "What? Pupunasan kita. Ang taas ng lagnat mo." diretsong sagot ko. "N-no..." pagtutol niya. "Huh? Kailangan mong mapunasan. Mainit ka." pagpilit ko, habang sinusubukang tanggalin ang pang-itaas niya nang makasingaw ang katawan niya, ngunit mapilit siya. "Huwag ikaw... iba na lang." pagpapatuloy niya.
"Ano ba, Caleb? Bakit ba ayaw mo, ha?" naiinip kong tanong sa kanya. "Ang arte mo, eh." dugtong ko. "Just... don't please." nanghihinang sabi niya. Napaisip naman ako sa naging behavior niya. Sinubukan kong umisip ng dahilan kung bakit ganito siya kahit hirap na hirap na siya... at isa lang ang naisip ko. Napabuntong-hininga ako, at pilit hinabaan ang pasensya ko. "Look, 'di kita pagsasamantalahan. Hindi ako ganoon." mariing tugon ko. "Hindi ako katulad nila. Sana alam mo iyon." buntong-hininga ko bago ko siya iwan para kumuha ng mga kakailanganin niya.
--
Sa huli ay napapayag ko rin siyang punasan ko ang katawan niya. Hindi ko na pinansin ang inakto niya kanina, at imbes ay umarte na lamang ako na parang walang nangyari. Mas importante ang mapunasan siya ngayon. Aaminin kong nasaktan ako sa naging reaksyon niya, pero gaya nga ng sabi ko, I chose to ignore it. Matapos siyang punasan at palitan ng damit ay kinuha ko ang pagkaing hinanda ko at inilapag ang tray sa tabi ng kama niya.
"Caleb, oh. Kainin mo muna 'tong noodles." pagtawag ko ng pansin sa kanya. Idinilat niya ang kanyang mga mata at mataman akong tiningnan. Umiling ito. "Kumain ka na para makainom ka na ng gamot. Sabi ng nurse hindi ka daw kumain buong araw." saad ko sa kanya. "Wala akong gana." pagtataboy nito sa akin.
Sana pala ganito ka na lang, para wala kang laban, natatawa kong sabi sa sarili ko.
"W-wwhy are you smiling?" nakakunot, ngunit nanghihina pa rin na tanong nito. "Nothing. Kumain ka na kasi para pwede ka ng matulog." pagpipilit ko, ngunit gaya ng inaasahan ay tumanggi pa rin ito. Unti-unti na akong nawawalan ng pasensya. "Caleb, ano ba! Nahirapan na nga ako sa pagpunas at sa pagbibihis sa iyo, tapos pati ba naman pagpapakain sa'yo gaganituhin mo pa rin ako?! Sa ganyang ugali mo, walang gugustuhing alagaan ka! Kaya magpasalamat ka at sumunod na lang!" hindi ko napigilang ilabas ang sama ng loob ko. Napansin ko namang natigilan siya ng panandalian, ngunit wala pa rin siyang sinabi. Bumuntong-hininga ako.
"Caleb, alam kong hindi mo ako gusto sa tabi mo. I don't know why kung bakit ngayon ganyan ka pa rin sa akin. Kumain ka na nang makainom ka na ng gamot para makaalis na ako, dahil iyon lang naman ang gusto mo, 'di ba? Kaya kumain ka na please." pahayag ko sa kanya.
Katahimikan.
"K—kakain na ako." sabi niya.
Masakit.
BINABASA MO ANG
Untouchable [BoyxBoy - Completed]
RomanceSequel to Unexpected. It's been a year since Gab fell in love with Josh. It's been a year since Josh chose Matt over him. With a new family and two new guys in his life, how will he handle his new life after his heartbreak?