Chapter 6: What just happened?

228 7 0
                                    


Chapter 6: What just happened?

Sa living room ako natulog ngayong gabi, dahil unang-una, ayokong makasama si Caleb sa loob ng isang kwarto dahil sa sitwasyon namin. Alam kong may galit pa siya sa akin, at may galit pa ako sa kanya, kaya hindi makakabuti para sa aming dalawa ang magsama sa iisang kwarto. Ikalawa, dahil hindi pa gawa ang kwarto ko na siyang ikinaiinip ko, dahil ang ibig sabihin noon ay magsasama pa kami ni Caleb hanggang hindi pa ito gawa—pero ngayon, I have to make do with our living room (I think).

Hindi maganda ang pakiramdam ko pagkagising ko. Pupungas-pungas akong pumunta sa kwarto ni Caleb para kuhanin ang sipilyo, at ang ilang mga damit ko. Naisip kong for the meantime, ang banyo muna ni Selah ang gagamitin ko. I'm sure she wouldn't mind. Nakatitig lamang ako sa pintuan ng kwarto ni Caleb nang marating ko ang kwarto. Bumilang ako ng tatlo bago bumuntong-hininga at pihitin ang doorknob.

Pagtulak ko ng pinto ay namasdan ko siyang bagong ligo at tanging twalya lamang na nakapaikot sa baywang niya ang saplot niya. Napalunok ako nang makita ko ang perpektong katawan niya—ang makinis niyang kutis, mga muscle na halatang batak dahil sa pagkakaalam ko ay naglalaro ito ng badminton, or is it tennis?—ewan—na siyang ikinainis ko sa sarili ko. Bakit ko ba binibigyang pansin ang katawan niya? Nagkatinginan kaming dalawa panandalian, at bago pa siya maghinala ay walang sabi-sabing dumiretso ako papasok ng kwarto niya.

"You're still here." malamig niyang pahayag. Ngayon ay napansin kong naka-recover na siya, dahil balik na siya sa dating aura, sa dating postura niya. Parang wala lamang sa kanya ang nangyari kagabi, at tila hindi niya ito ininda. "Obviously. Kukuha lang ako ng damit tapos lalabas na ako." malamig ko rin na balik sa kanya. Hindi na siya nagsalita matapos noon, kaya naman kinuha ko na ang lahat ng dapat kong kuhanin nang makalabas na ako agad sa kwarto niya.

Dumiretso ako sa pintuang katabi ng kwarto niya—ang kwarto ni Selah—at kinatok ito. "Selah, can I come in?" tanong ko. Narinig ko naman ang boses niya na nanggagaling sa kabilang banda ng pinto. "It's open!" pahayag niya, kaya naman pinihit ko ang doorknob niya at pumasok. "Pwedeng makigamit ng CR?" tanong ko. Nangunot ang noo niya. "May CR ka sa kwarto niyo, ah." inosente niyang pahayag, ngunit sa likod noon ay alam kong may mas malalim siyang dahilan na naiisip. "Selah..." pagsisimula ko sana, pero pinutol niya agad ako. "Ok, maligo ka na. But we will talk after you're dressed up, k?" malaman niyang pahayag. Tumango na lamang ako para hindi na humaba pa ang usapan at makatapos na ako sa mga kailangan kong gawin.

--

Matapos maligo at magbihis sa loob ng banyo ng kapatid ko, mabilis pa sa alas-kwatro niya akong in-interrogate. "Kuya, I don't like what went down last night." nagtatampo niyang pagsisimula. Napabuntong-hininga ako. "Selah, pareho kaming may kasalanan, inaamin ko, but... your brother started it. I'm sorry. If you're proposing that magsorry ako sa kanya, sorry to disappoint you, but the answer is no." matatag kong sagot sa kanya. "And isa pa, I'm leaving in a week. Inaayos—"

"WHAT?!" hindi niya makapaniwalang bulalas. It's true. I thought about everything last night, and thought of leaving this place. Yes, napakagandang naranasan ko na ang pagmamahal ni papa, at nakakilala ng mga mabubuting tao sa katauhan ni Tita Audrey at ni Selah, ngunit kung araw-araw namang ipapamukha sa akin ni Caleb na hindi ako kailangan sa pamamahay na ito dahil sa pagiging anak sa labas ko, hindi na ako magtitiis. Ayokong ibaba ang sarili ko. Mas importante na may matira akong pride kaysa sa magtiis ako sa loob ng isang bahay na kahit masaya, eh parang gusto akong isuka.

"Aayusin ko lang 'to. I'll look for work, find a decent place to stay in, and then leave. Ayoko ng magulo ang pamilya niyo." kalmado kong pahayag. Nagulat naman ako nang bigla siyang umiyak! "Selah..." "No!" at bigla siyang nagtatakbo palabas ng kwarto niya. Nalungkot at napabuntong-hininga ako. Ilang segundo lamang ang nakalipas nang makarinig ako ng isang malakas na kalabog mula sa pintuang katabi namin.

Untouchable [BoyxBoy - Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon