This chapter is dedicated to my baby RazelAnnPalmones
Thank you for supporting me, baby. I love you hihi ❤❤❤***
CHAPTER 1 -- TRANSFEREE
HINDI ko maipinta ang aking mukha sa harap ng salamin. Panay ang ngiwi ko sa tuwing makikita ang tagiyawat na nasa aking ilong.
"Nakakainis!" Inis kong dinampot ang sabon sa gilid ng lababo saka bahagyang binasa ito sa tapat ng gripo. Dahan-dahan ko itong dinampi sa bilog na nagsisilbing bangungot sa akin. "Ngayon pa talaga? For real? Ugh!" Napalakas yata ang pagpihit ko sa gripo kaya lahat ng tubig na lumabas dito ay nagtalsikan sa akin.
"First day of school pero nakabusangot 'yang mukha mo? Biyernes santo na ba?" Nakangising wika ng kuya kong si Zoilo. Inirapan ko lang siya saka dumeretso kay daddy na ngayon ay abala sa pagbabasa ng news paper at humalik sa pisngi nito.
"Morning, dad," bati ko rito. Nginitian niya ako kaya naupo na ako sa tabi ni Ate Zaira na nagbabasa ng libro habang kumakain.
"Morning din, baby. Kumain ka na't ihahatid na na kayo ng driver natin. Sumabay ka na sa mga kapatid mo," ani daddy habang humihigop ng kape.
"Okay po." Malamyang sagot ko.
"Siya nga pala, I almost forgot, Zairene, sa section ka nga pala nila Maureen, okay?" sabi ni ate Zaira sa akin dahilan kaya tumaas ang isang kilay ko.
"What? Bakit do'n? Ang laki ng school pero bakit kailangan na magkaklase pa kami?" Bumaling ako kay Kuya Zoilo na ngayon ay malapad ang ngiti. "Kuya? Saka paano 'yon? Hindi naman siya usually nasa pilot section. Ano 'yon? Bababa ako?" Halos maningkit ang mga mata ko katitingin sa kaniya.
Nagtaas ito ng mga kamay pagkasubo. "Wala akong alam d'yan, baby sis!"
"We all know na hindi ka papayag na maalis sa pilot section, dear sissy, kaya si Maureen na lang ang nilagay namin sa pilot." Simpleng sagot ni ate Zaira.
"Tss! Nakakainis naman," bulong ko.
"Why, anak? May problema ba?"
Hindi ako sumagot. Sumandok na lang ako ng sinangag saka naglagay ng hotdog, itlog at bacon sa pinggan ko.
Obviously, walang alam si daddy pero ang mga kapatid ko, my goodness! Pinagti-trip-an yata ako ng mga ito.
Sinulyapan ko ang nakatatanda kong kapatid na si Kuya Zoilo. He's 5 years older than me at nasa kolehiyo na siya. Criminology ang kurso nito at third year na. Tinaguriang heartthrob ng campus nila dahil gwapo ito at mahusay sa pagkanta.
Si Ate Zaira naman ay nasa unang taon nito sa kolehiyo sa kursong Journalism. She's 3 years older than me. Simple lang si ate hindi gaya ni kuya. Mas gusto niyang nagsosolo lang siya at madalas na nagbabasa o hindi kaya ay nagsusulat.
At ako?
Masasabi kong parehas kami ni Kuya Zoilo. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa ako sa mga sikat sa eskwelahan namin. Grade 9 na ako at ngayon ang unang araw ng klase namin.
~~~
"Zairene!" Kabababa ko lang ng kotse namin nang may tumawag sa aking pangalan. Napangiti ako nang makilala kung sino ito.
"Dashna!" Kumaway siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya.
"Umuwi ka agad after school, baby!" sigaw ni kuya na nasa front seat, katabi ng driver namin.
"Okay," sagot ko saka tumalikod sa sasakyan namin. Bumaling ako sa gawi ni Dashna na ngayon ay nasa tabi ko na. "Zup!?" wika ko sabay hawak sa buhok kong nakakulot.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
Romanzi rosa / ChickLitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...