Chapter 28 -- HISTORY
Tulala ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni daddy at kuya. Nakaupo ang kapatid ko sa aking tabi habang si daddy ay nakatayo sa harapan namin. Wala si tita Clara dahil umuwi raw ng Cavite.
"Nung araw na pinanganak ka, kritikal ang lagay mo. 50-50 ang buhay ninyo ng tunay mong ina na si Myrna,"
"S-sino si Myrna? Ang t-tunay ko pong ama, sino?"
"Ang kapatid kong sundalo ang ama mo, si Zyrus. Girlfriend niya ng matagal na panahon si Myrna at sa amin na tumira ang tunay mong ina habang pinagbubuntis ka nito. Nadestino ang ama mo sa Mindanao at sa hindi inaasahang pangyayari... isa siya sa mga nasawi," medyo pumiyok si daddy nang banggitin ang huling salita. "Lingid sa kaalaman namin, may sakit pala si Myrna sa puso kaya nung nalaman niyang w-wala na ang kaniyang nobyo ay inatake ito. You're just only seven months in her womb at napakadelikado ng lagay ninyong mag-ina. Inamin na sa amin ng mga doktor na isa lang ang maaaring mabuhay sa inyo. Kinausap namin ng mommy Frida mo si Myrna at tinanong siya. Pinakiusapan niya kaming... i-ikaw ang aming piliin para na rin sa alaala ng iyong ama," ani daddy. Maluha-luha siya habang nagkukwento.
Napasinghap ako at huminga ng malalim habang pilit pinapasok ko sa aking isipan ang mga bagay na aking nalalaman.
"P-paano po ninyo nakayanan na kupkupin ako? H-hindi po pala ninyo ako t-tunay na anak, d-dad," tanong ko.
"Ilang buwan bago namin malaman ang masamang balita buhat sa Mindanao ay nakunan ang mommy Frida ninyo. Sobrang nalungkot at na-depressed siya dahil doon. Halos magkasabayan kasing nagdalang-tao sina Myrna at Frida. Kaya nung pinakiusapan niya kaming ikaw ang piliin, hiniling ng asawa ko akuin na lang namin ang sanggol at ituring na parang sariling amin. Hindi ka na iba sa amin dahil pamangkin kita. Anak ka ng bunso kong kapatid na siyang malapit sa akin," hinawakan ni daddy ang aking kamay. Lahat ng tanong ko ay tila nasagot na pero tila may kulang pa.
"D-dad, ibig po bang sabihin, bukod po sa inyo... wala na akong ibang pamilya?" tanong ko. Hindi na ako umiiyak pero nanunubig ang mga mata ko.
Umiling si daddy.
"Sila Mameng, Maureen at Mauro ang ilang mga kamag-anak mo, anak," sabi nito. Nakatitig sa akin.
"What? P-paano?"
"Magkapatid sina Myrna at Mameng. Maid namin sila noon," sagot nito. Huminga ng malalim ang daddy ko bago muling magsalita. "Malalagot ako sa mommy ninyo. Pinangako kong ililihim ko ito hanggang sa huling hininga ko pero... kailangan mo yata talagang malaman ang katotohanan,"
"She deserves to know the truth, dad. Ang mali lang dito ay masyado pang maaga. Fifteen lang si Zairene," sabin ni Kuya. Hinagod nito ang braso ko. "No matter what happened, baby... you're always be my baby sister."
Mabilis na pumatak ang mga luha ko.
Kahit na naging masalimuot ang kapalaran ko kahit noong bago pa lamang ako isilang ay naging blessed pa rin ako dahil napakabait ng pamilyang kumupkop sa akin. Hindi nila ako pinabayaan at pinalaki nila ako ng maayos.
"H-how about ate Zaira? Galit siya sakin." Malungkot kong sabi. Napayuko ako habang pinupunasan ang aking mga luha.
"Hayaan mo na lang muna ang ate Zaira mo. Sa ngayon, kailangan mong magpagaling." Hinawakan ni daddy ang ulo ko saka bahagyang ginulo. "At anak, pwede bang humingi ka ng sorry kay Tita Clara mo? Hindi mo dapat siya hinawi ng ganoon," anito. Kalmado at punong-puno ng pakikiusap ang mga mata.
Tumango na lang ako.
Biglang pumasok sa isip ko si Clark.
Kung hindi ako totoong anak ni daddy, pwede na kami.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
Genç Kız EdebiyatıDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...