Chapter 26 -- INTRAMURALS
Wala akong balak na umattend ng aming intramurals dahil sa labis na sama ng loob. Buong magdamag akong nag-iiyak at ayaw kong magtanong ang mga taong nasa paligid ko. Paulit-ulit lang akong masasaktan kapag kinwento ko ng maraming beses sa kanila.
At kagaya ng dapat na gawin, ibaon na sa limot ang dapat ibaon.
Kalimutan ang dapat kalimutan.
"Anak, are you sure ayaw mo magpadala sa ospital?" tanong ni daddy sa akin na habang nakatayo sa harap ng kama ko. Alas-otso na ng umaga. Kakauwi lang nito galing sa shooting af halatang pagod na.
"I'm fine, dad. Saka kailangan ko pong umattend ng intrams namin ngayon," sabi ko. Hawak ko ang kanang bahagi ng tiyan ko.
Kahapon pa ito sumasakit. Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay palagi akong nalilipasan ng guto kaya ganoon.
"Anak, huwag ka na umattend."
"Daddy, kailangan po ako ng team ko."
"Kabisado naman na nila ang routine ninyo. Alam konv mmg kahit wala ka ro'n ay magagawa nila 'yon ng maayos," wika ni daddy. Nakapameywang na ito.
"You don't understand, dad. Baka kasi dumating 'yung manager namin. Kailangan magpakitang gilas kami sa isasama niyang taga-Battle of the Pep Squad.
"Pero-"
"Dad, I'm fine. Don't worry." Pinilit kong makatayo upang yakapin ang akin ama. Malaking bulas si daddy pero kahit nasa early 40's na ito ay gwapo pa rin at matikas. Mistiso si daddy na nakuha ni Kuya. Kami ni ate ay morena. Kulay na nakuha namin sa mommy namin.
"Hindi yata ako magiging panatag, anak," hinalikan ni daddy ang ulo ko.
"Dad, ayos lang po ako."
Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko napapayag si daddy na papasok ako ngayon.
Mabuti na lang at nadaan ko ito sa lambing.~~
"Guys, I'm sorry kung na-late ako." Hingi ko ng pasensya sa mga kasamahan ko sa P.S.
"Ayos lang. Bihis ka na." Nakangiting sabi ni Razel sa akin.
"Okay," sabi ko saka mabilis na nagbihis sa loob ng cr. Nang masigurong ayos na ang aking itsura, damit at pati mukha ay lumabas na kami ng mga kasama ko.
Maingay ang gymnasium nang makapasok kami roon. Ang lahat ng year level ay kaniya-kaniya ng mga kulay ng damit.
Ang mga grade 7 ay nakasuot ng kulay berde, dilaw naman ang sa grade 8. Pula kaming mga grade 9 at asul naman ang sa grade 10.
Mamaya ay magpapalit ako ng baon kong tshirt na kulay pula. Ngayon kasi ay kulang pink at white Eagles ang aming uniform. Naglagay ako ng iilang mga hair pin sa aking buhok dahil maiksi naman ito. Sapat lang upang hindi mapunta sa aking mukha ang mga hibla nito mamaya kapag nagpakitang gilas na kami.
Natanawan ko ang aming manager na si Manager Kim. May kausap itong dalawang tao na hindi pamilyar sa akin.
Nang makita ni Manager Kim ang aking tingin ay kaagad niyang sinenyas na taga-BOTPS ang dalawang kasama niya.l
Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso.
This is it!
Kailangan mapa-impress namin ang dalawang iyon para mapasama kami sa laban.
Tinawag ko ang lahat ng kagrupo ko. Mga nagkumpulan kami at sa akin lahat napunta ang kanilang atensyon.
Magsasalita na sana ako pero biglang kumirot ang aking kanang tiyan. Napahawak ako roon at napapikit.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
ChickLitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...