🌸CHAPTER 46🌸

1.4K 35 0
                                    

Chapter 46

PINAGMASDAN ko ang aking sariling repleksyon sa salamin. Inayos at binatak ko pababa ang tela ng suot kong dress. Kulay itim ito at fitted. Hulmang-hulma sa aking katawan.

"Ate, sigurado ka bang ayos lang? Hindi malaswa?" tanong ko kay ate Zaira. Siya ang namili ng aking susuotin para sa gabing ito.

"Yes. You look like a Goddess from Olympus. Ang ganda ganda mo. Naku!"

Napangiti na lang ako pero nahihiya pa rin. Medyo labas kasi ang ibabaw ng aking dibdib pero kaonti lang naman.

Napalingon kami ni ate sa pinto nang bumukas iyon.

Si Mommy.

"Wow! Ang ganda naman ng bunso namin," aniya.

Nag-init naman ang mukha ko dahil sa hiya. "Salama, mommy," sabi ko na lang.

"Here's your purse. Baka hinihintay ka na ni Clark sa baba," ani ate. Inayos pa nito muli ang buhok kong nakakulot nang bahagya.

"Thank you, ate." Hinawakan ko ang kamay niya at saka marahang pinisil.

"You're always welcome, sissy. Anything for you," turan nito.

"Let's go?" aya ni mommy sakin kaya bumaba na kami.

Naabutan namin sa sala sina kuya Zoilo, daddy at si Clark.

Naka-longsleeves polo ito saka itim na pants. May hawak itong mga bulaklak na kulay pink.

Nagkatinginan kaming dalawa.

Ang mapupungay na mga mata nito ay nakatitig sa akin. Sinulyapan niya ako mula ulo pababa sa paa at muling itinaas. Napangisi siya nang mapagtanto kong nasa katawan ko ang mga mata niya.

Mabilis na nag-init ang mga pisngi ko.

I'm sure, ako ang pinakamapulang tao sa buong mundo ngayon!

"Are you ready?" tanong niya.

Tumango ako. Nilahad nito ang kamay niya at pinatong ko naman ang akin. Nakangiti kaming nagpaalam sa aming pamilya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kabadong-kabado ako sa date namin na ito. Gusto kong bamalik na lang sa kwarto ko at doon na lang manatili dahil hindi ako mapakali.

Nang makasakay kami sa kotse nito ay hindi muna niya binuhay ang makina. Nagtataka naman akong tiningnan siya.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang yakapin niya ko nang mahigpit.

"C-clark," tawag ko.

"Kanina pa kita gustong akyatin sa kwarto mo. Ba't ang tagal mo? I miss you, honey," bulong niya habang nakayakap pa rin sakin.

Gusto kong mangiti dahil ang mga simpleng salita nito ay nagdudulot ng magandang pakiramdam.

"N-nag-ayos pa kasi ako. Ayokong mapangitan ka sakin kapag hindi ako nagpaganda," wika ko.

"What?" tanong nito sabay layo sakin pero hindi gaano. Ramdam ko pa rin ang paghinga niya sa gilid ko. "Hinding-hindi mangyayari ang bagay na 'yan. Kahit nakapambahay ka lang at walang make-up ay maganda ka pa rin."

"Talaga?"

"Oo naman. Mahal na mahal kita at kahit ano pa ang ayos mo, mas mamahalin pa kita," aniya.

Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Can I kiss you?"

Bakit ba palaging nagtatanong pa siya? Hindi ba niya alam na gustong-gusto ko ang halik niya?

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon