This chapter is for my brodie Kari_Bautista. Thanks sa tiwala mo sa kakayahan ko. Isa ka sa mga tunay kong kaibigan. Labyu, brodie. Hahaha ❤❤❤
***
CHAPTER 5 -- PARTNERS
Isa-isa kong tiningnan ang mga nag-audition. Alas otso na nang umaga at tinipon ko sila sa covered court para makita pa ang mga kakayahan nila. Excuse kami sa una at pangalawang subjects namin dahil kailangan na talaga naming makahanap ng mga bagong myembro.
"What do you think, Zairene?" tanong ni Macy sa akin makaraang mag-perform ng mga ito sa harapan ko. Ang iba ay hinihingal at pawisan na.
Muli, pinasadahan ko sila ng tingin.
"Alright. Bago ko sabihin kung sino-sino ang mga nakapasok, gusto ko lang magpasalamat dahil naglakas loob kayong sumubok na mapasali sa pep squad. Halos lahat naman ay mahuhusay ngunit mayroon talagang umangat." Ngumiti ako sa kanilang lahat. Kitang-kita ko ang pagiging kabado nila. Ni hindi sila makatingin sa aking mga mata at nakayuko lang. "Okay... so, ang mga babanggitin kong pangalan ay siyang mga nakapasok. After ninyong marinig ang mga names ninyo, maaari na kayong bumalik sa inyong mga klase pero mamayang 5 o'clock, pumunta kayo sa Pink room dahil ibibigay sa inyo ni Macy ang mga uniforms. Understand?" Mahaba kong wika.
"Yes," wika nilang sabay-sabay.
"Alright. So, here are the newest members of our team, Shasha Choi... Melody Fentelon, Carla Domingo, Gretchen Yumol, Alaxander Ty and Francisco Ramirez. That's all the names. So... see you all around, guys. Back to your classes." Tumalikod na ako pagkasabi ko noon. Nilandas ko na ang daan papunta sa pink room.
"Ms. Mendez! Wait..."
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Sir Zandro pala. Ang couch ng varsity ng aming paaralan. Tumigil ako sa paglalakad saka hinintay ang aming guro.
Nakangiti ito habang hinihingal nang maabutan ako.
"Yes, sir?"
"Kailangan kita this coming monday. Magpapa-audition kasi kami ng mga bagong players para sa ating varsity team."
"Bakit po ako? Cheer dance lang po ako kailangan, 'di ba?" Tumawa pa ako ng bahagya.
"Yes. I know. Kaya lang, wala kasi si Miss Trina. Nag-maternity leave siya dahil malapit na ang kabuwanan niya. Siya kasi ang madalas kong kasama sa pagkilatis sa mga players na nag-a-auditions. Are you free? I mean, is it okay with you? Don't worry about your teachers. I can talk to them if you want para ma-excuse ka."
"Hindi po kaya maging hassle sa akin no'n, sir? Ako rin po kasi ang namamahala sa pep squad."
"Yeah, yeah. I know about that. Don't worry. I can assure you na hindi magugulo ang schedule mo tungkol sa pep squad at sa mga academic subjects mo. What do you think?"
Hindi ako kaagad nakasagot. Alam ko na mahihirapan ako kaso ayaw ko namang tanggihan ang crush ko na ito. Sandali pa akong nag-isip. "S-sir, okay lang po ba na mag-isip muna ako. Medyo mabigat din po kasi ang tungkulin ko sa PS. Hindi ko po sigurado kung magagawa ko ng maayos ang iniaatang ninyong gawain ko."
"I see. I'll give you enough time to think."
Tumango lang ako saka nagpaalam na mauuna na.
~~~
Habang nagkaklase si Ms. Asuncion, Geometry subject teacher namin ay lutang ang isipan ko. Biyernes na at bukas na ang araw kung saan ipakikilala na ni daddy sa amin ang Clara na girlfriend nito.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
ChickLitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...