Chapter 25 -- DESCISION
Gaya ng inaasahan, kasama nga nila akong pumunta sa bahay nila Maureen. Hindi kasi nila alam kung saan nakatira ang babaeng iyon kaya nagpasama sila sa akin. Gustuhin ko man na mainis dahil ginawa pa nila akong human map ay hindi ko magawa.
Gusto ko rin kasi malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ng dalawang taksil.
"Dito ba 'yon nakatira?" tanong ni Tristan.
"Oo." Tumango pa ako. Naguuna ako sa paglalakad at pumasok kami sa isa looban. Dikit-dikit ang mga bahay at ang daming mga bata. Mga lisawan ang mga tambay at may babae pang nag-uusap na animo may meeting de avanse.
"Grabe naman dito. Squatter ba 'to?" tanong ni Shasha sa bulong na paraan.
"Yap."
Nagpatiuna ako sa paglalakad hanggang sa matapat kami sa isang bahay na may gate na kulay pula. May kalawang na iyon at halos kupas na ang pintura.
"Dito na? As in?" Turo pa ni Melody. Tumango ulit ako.
"Binigay ito ng daddy ko sa pamilya ni Maureen noong maliit pa lang kami. Dati naming labandera si Aling Mameng." Paliwanag ko. Lumapit sa gate si Shasha saka malakas na kumatok at nagsabi ng 'tao po!'
Bumukas ang gate at si Aling Mameng ang bumungad sa amin. Matagal na panahon na nung huli kaming magkita at iyon ay yung burol pa ni mommy.
Tiningnan niya kami isa-isa at nang madako sa akin ang kaniyang mga mata ay tila gulat na gulat siya nang makita ako.
"Z-zairene?" Niluwagan niya ang pagkakabukas ng gate upang makapasok na kami. "Tuloy ka! Tuloy kayo... hija," napunta sa akin ang tingin niya. "M-mabuti naman at napasyal ka rito."
"Nagpasama lang po ang mga kaklase ko." Tumingin ako kina Shasha na nakangiti.
"Hello po! Ako po si Shasha. Mga kaibigan po kami ni Maureen at kaklase na rin. Ito po ang iba pa naming mga kaklase."
"Hello po," bati ng mga kasama ko.
"Hello sa inyo. Naku pasensya na kayo at maliit lamang ang bahay namin. Pasok kayo," aniya habang minumwestra ang daanan. Hindi ako agad pumasok. Ako ang nahuli at hinayaan ko lang muna sila. "Hija, pasok ka."
"S-sige po."
Hindi naman ako galit kay Aling Mameng kahit na siya ang ina ng babaeng pumatay sa mommy ko.
Nang makapasok kami sa bahay nila ay kaagad akong pinagpawisan. Mainit at maliit lang ang lugar pero kapansin-pansin ang kalinisan.
"Sandali lang at ipapatawag ko sa anak kong si Mauro ang kaniyang ate Maureen. Bumili kasi sila ng kanilang minandal ni Clark. Kaklase rin ninyo siya, 'di ba?"
"Opo! Tropa po namin siya." Giliw na sagot ni George.
Lumabas muna si Aling Mameng saka amy tinawag. Malamang ay si Mauro iyon. Ang nakababatang kapati ni Maureen.
Nagkukwentuhan sila habang ako ay nag-aabang sa pagdating nila Clark.
"Ayan na pala sila," ani Aling Mameng.
Napatayo pa sina Shasha upang salubungin ang dalawa na may hawak ng Emong Pandesal na paper bag. Nakangiti ang mga ito.
"Dude! Tagal mo naman. Kanina pa kami nandito," wika ni Tristan sa binata.
"Sorry. Ang layo pala kasi ng bilihan ng tinapay dito. Naglakad lang kami,"
"Ba't di kayo nag-motor? Nakita ko sa labas si Bommer mo, e," turan naman ni George.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
ChickLitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...