Chapter 41
KINAUMAGAHAN, nasapo ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit nito. Parang minamartilyo ng maraming beses sa sobrang kirot.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Nandito ako sa kwarto ko at ako lang mag-isa. Pero kapansin-pansin ang palanggana sa sahig na may bimpo.Pinilit kong tumayo kahit na umaatake ang hang over sakin.
Bumukas ang pinto at may pumasok roon. Si ate Zaira at isang maid ang iniluwa noon.
"Gising ka na pala, sissy. Umalis na ang boyfriend mo dahil may pupuntahan raw." Kinuha nito ang palanggana at inabot sa katulong namin. Lumabas ang huli pero si ate ay naupo sa kama ko. "Grabe! Lasing na lasing ka kagabi. Ano bang ininom ninyo?"
"Margarita lang," sagot ko.
"Lang? Ang hard non. Naku! Pasalamat ka't si Clark ang sumundo sa'yo at hindi si Kuya Zoilo. Kungdi yari ka." Umiling ito saka hinampas ang binti ko.
"Bakit nga pala si Clark ang sumundo sakin? Duty niya kagabi, a?" tanong ko. Lalong ginulo ang sariling buhok dahil tumitindi ang sakit.
"Tumawag kasi si Tony. Sinabing sunduin ka nga raw ni kuya kaso nasa police station siya. E, nandito si Clark that time dahil may kinuha yata," ani ate. "Ang baho mo. Amoy kang alak! Kahit napunasan ka na ni Clark ang baho mo pa rin!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Binihisan ako ni Clark?"
Tumawa ito saka tumango. "Yes. O, bakit gulat na gulat ka? Nahiya ka pa talaga? Magiging asawa mo na 'yon!"
Ano bang akala ni ate?
Umiling pagkaraan kong sulyapan ang sarili. Iba na nga ang suot ko. Nakapantulog na ko.
"No way!"
"Yes way." Tumayo si ate saka tumawa nang malakas. May kinuha iyon sa bulsa nito saka inabot sakin. "Pinabibigay ng fiancè mo. Alam daw niyang tatamaan ka ng hang over kaya ayan... inumin mo raw 'yan."
Kinuha ko ang mga gamot sa kaniya.
Gusto kong matuwa dahil nag-aalala siya sakin pero kapag naiisip kong iniwan niya ko ngayong umaga, naiinis na naman ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang numero ni Clark.
Apat na ring muna ang narinig ko bago nito sinagot.
"Hello?" sagot nito sa kabilang linya.
"Clark?"
"Zai? Ikaw pala. Bakit napatawag ka?" tanong niya sakin.
May narinig akong mga nagtatawanan sa background nito.
"I j-just want to say t-thank you last night. Ahm, nasa'n ka?" Alam ko kung nasaan siya pero tinanong ko pa rin.
Tumawa ito bago ako nagsalita. "Sorry, Zai. Can we talk later? Kakain na kasi si Candy. Kumain ka na rin dyan."
Magsasalita pa sana ako pero nawala na ito sa linya.
Gumapang agad ang panlalamig sa buong katawan ko. Wala sa sarili kong natitigan ang cellphone ko.
Binabaan niya ko.
Fvck!
What is wrong with you, Clark?
"THANK you, Zairene at pumayag kang makipag-lunch sakin." Masayang sabi ni Mikael sakin.
Pumayag agad ako nang ayain niya kong kumain sa labas. Gusto kong libangan ang aking sarili dahil hindi ko kinakaya ang mga kinikilos ni Clark lately.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
ChickLitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...