Chapter 45
DUMAAN ang isang linggo, hindi man lang ako nakadalawa sa burol ni Candy. Hindi pa ako handang harapin si Cynthia. Gaya nung huli kaming magkita ay baka galit na galit pa rin ito sakin.
"Anak, bukas na ang libing ni Candy. Hindi ka ba bibisita man lang mamaya?" tanong ni mommy sa anak nitong si Clark.
Nasa hapag-kainan kami at kumakain ng aming tanghalian.
"Galing na ako ro'n kagabi. Bukas na lang ulit," anitong sa akin nakatingin.
Nag-uusap kami ni Clark pero hindi kagaya nung dati.
Naalala ko nung matapos kaming mag-abot ni Cynthia sa ospital. Bago kami umuwi ay kinausap niya ang babae at sinabing tapos na ang ugnayan nilang dalawa.
Lalong nagalit si Cynthia. Nagwala siya sa ospital at pinahiya ako.
Gustuhin ko mang makipagtagisan ng salita sa kaniya ay mas pinili ko na lang na lumabas at doon magpahangin.
Galit din ako sa kaniya. Bukod sa mga salita niyang binitawan laban sakin ay muntik pa kong mabulag. Muntik na niyang madali ang mismong kulay brown. Akala ko ay maooperahan pa ko mabuti na ang at may gamot lang na binigay.
Galit na galit si Clark sa kaniya at magpahanggang ngayon ay ganoon pa rin ang nararamdaman nito rito.
"Ikaw, Zairene?"
Nilingon ko si mommy saka napunta kay Clark.
Ang mga niya ay titig na titig lang sakin dahilan kung bakit naiilang ako.
"Hindi ko lang po alam," sagot ko.
"Huwag ka na pumunta ro'n. Sasaktan ka na naman ni Cynthia." Seryosong sabi ni Clark.
"Kaya nga," wika naman ni ate. "Baka mamaya ibang pananakit naman ang gawin non sayo. Mukha siyang may sayad."
"Zaira...." awat ni daddy.
"Totoo naman, dad. Baliw na 'yon kay Clark kaya ganoon siya. God! Isisi ba naman sa kapatid ko ang pagkamatay ng anak niya? Siya ang hindi healthy kaya nagkaganon si Candy." Nakataas ang kilay nitong sabi.
"Ate!" bulong ko sa tabi ko. Siya kasi ang katabi ko.
"What? I'm just telling the fact."
Tumikhim si daddy.
"Huwag na natin pag-usapan pa 'yan. Wala na ang bata at tama si Clark, anak. Huwag ka na pumunta," ani dad.
Tumango na lang ako.
Natapos kaming kumain at nakaramdam ako ng alinsangan. Paakyat na sana ako sa ikalawang palapag ng aming mansyon nang hilahin ni Clark ang kamay ko.
"C-clark?"
Hinila niya ko papunta sa loob ng library at ni-lock ang pinto.
Kinabahan ako.
"A-anong ginawa mo? Ba't mo ni-locked 'yan?"
"Sinong G ito?" Itinaas nito ang kamay. Hawak nito ang kapirasong papel na nakalagay sa bulaklak nung nakaraan.
"Hindi ko alam," sagot ko. "Buksan mo nga 'yang pinto!"
"Not so fast, honey. Sabihin mo muna... may nanli ba sa'yo?" Bagama't may ngiti sa labi, alam kong galit siya dahil sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
ChickLitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...