🌸START OF BOOK 2🌸

1.5K 36 0
                                    

Chapter 32 -- STUFFED TOY

SIMULA nang bumalik ako mula sa California at nang magkaayos kami ni Clark ay noon lang gumaan ang aking dibdib. May kung anong nagliwanag sa buhay ko. Biglang naging makulay ito nang dahil sa lalaking mahal na mahal ko.

Napansin ko na masyado siyang sweet at maalaga. Mga katanginan nitong hindi ko  masyadong nakita noong kami ay mga teenagers pa.

"Alam mo, ang ganda-ganda mo, Zairene," wika ng make-up artist kong si Miss Raffy.

Nginitian ko lamang siya dahil nahihiya ako. Maraming nagsasabi na maganda ako at mukhang modelo pero hindi ko na lang pinapansin.

Nakaupo ako sa harap ng malaking salamin na may mga nakapaligid na mga bumbilya. Sobrang liwanag nga nito at masyadong masakit sa mata pero kailangan na ayusan ako ngayon.

May kumatok sa pinto.

Tumayo si ate Zaira at pinagbuksan kung sino man ang nasa labas.

Dumungaw ang boyfriend ko.

Nakasoot siya ng kulay dark blue na tuxedo. Napangiti ako nang ngumuso siya sa akin bago tuluyang pumasok ng kwarto naming mga bride's maid.

"Nakasimangot yata ang boyfriend mo, sissy?" tanong ni ate.

Nagkibit-balikat na lang ako saka muling sinulyapan si Clark na ngayon ay nakatayo sa gilid ko. May inabot siya sakin na naka-box.

Kinuha ko iyon at sinilip.

Napangiti ako nang ilabas ko mula roon ang isang kulay rosas na stuffed toy. May naka-ukit sa damit nitong C & Z.

"Ang cute," sabi ko. Nanatili ang mga mata sa maliit na regalo.

Yumuko si Clark sa gilid ko. Itinungkod nito ang kamay sa drawer na pinagpapatungan ng iba't ibang uri ng mga make-ups.

"Sino mas cute? Ako o 'yang stuffed toy na 'yan?" tanong nito. Inirapan ko siya saka pinanggigilan ang regalo niya. "Hey! Tinatanong kita,"

Tiningnan ko siya. "Don't tell me na nagseselos ka sa regalo mo?"

Tumuwid ito nang tayo saka inayos ang bahagyang nalukot na tuxedo. "Of course not. Itapon ko pa 'yan, e."

Natawa ako sa sinabi niya. Binalik ko sa kahon ang bigay niya saka ipinatong sa drawer. Inunat ko ang aking mga braso upang ipulupot sa bewang niya.

Nagulat sa ginawa ko pero ilang sandali lang ay napangiti na rin siya. Nakatingala ako sa kaniya habang nakaupo sa silya. Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagyang pinisil.

"Sus! Tamis pala!" Pang-aasar ni ate habang nakatingin sa cellphone. Sumimangot si Clark sa kaniya kaya napangiti ako.

"I love you," sabi niya dahilan upang magwala ang mga paru-paro sa aking tiyan.

"Bakit ka nga pala nandito. Lahat ng groom's men ay nasa kabilang kwarto, 'di ba?" tanong ko bago bumitaw. Sinabi kasi ni Raffy na aayusin na niya ang buhok ko.

"Yeah, I know." Wala sa mood nitong sagot.

"Bakit ka nga nandito?" Pag-uulit ko.

"Binigay ko lang sa'yo ang gift ko," aniyang nakatitig sa aking repleksyon sa salamin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mailang dahil kinakabahan ako sa tingin nito.

"Hindi ko naman birthday," wika ko.

"Oo nga." Yumuko siya dahilan upang magulat ako sa ginawa niya. Hinalikan niya kasi ako sa aking labi. Mabilis lang pero nagulo agad nito ang sistema ko.

"Clark Vincent!" suway ko.

"Sorry. Can't help it." Nakangisi nito paghingi nang dispensa. "Sino nga palang Raffy ang nandito. Narinig ko kay Tristan na Raffy daw ang pangalan ng mag-aayos sa'yo. Sino 'yon? Gusto kong makita,"

Nag-init agad ang mukha ko nang magkatinginan kami ni Raffy. Napangiti ito kaya alam kong hindi ito na-offend. Pinalo ko sa braso si Clark.

"Bakit?" tanong nito.

"Tumahimik ka nga dyan. Kung ano-anong sinasabi mo, e," bulong ko pero alam kong naririnig pa rin ng make-up artist ko.

"Tinatago mo ba?" Dumilim ang mukha nito na siyang kinalaglag ng aking panga.

"What?" tanong ko.

"Tinatago mo ba ang Raffy na 'yon? Baka mamaya ma-type-an ka no'n. Basag ang mukha niya sakin," anito.

Gusto kong basagin ang mukha niya. Oo. Ako ang gagawa ng bagay na iyon sa kaniya. Ano ba akala niya? Lalaki si Miss Raffy?

"Ouch!"

Narinig ko ang mahinang sabi ni Miss Raffy sa gilid ko habang kumukuha ng hair pin.

"Clark Vincent, lumubay ka na. Naiinis na ko!" Nagpipigil akong huwag mainis pero nakakahiya.

"Tss! Tandaan mo, Zairene Fiona. You're mine. Walang. Makakaagaw. Remember. That."

Nanlalaki ang mga mata namin habang sinusundan ang papalabas na lalaking iyon. Bumanghalit nang tawa sina Miss Raffy at Ate Zaira dahil sa mga sinabi ni Clark.

"Grabe naman pala mambakod ang boyfriend mo, Zairene." Natatawang sabi ni Miss Raffy.

"Sinabi mo pa, miss. Iba tama no'n sa kapatid ko, e." Segunda ni ate.

"Halata naman,"

"Pasensya na, Miss Raffy. Hindi lang talaga niya alam ang mga sinasabi niya. Shock! Nakakahiya."  Hingi ko nang paumanhin.

"Don't worry. Hindi lang naman siya ang nag-iisang tao na napagkamalan na lalaki ako. Ang gara kasi ng pangalan ko, 'no?"

"Hindi, a. Ang cool kaya ng Raffy. Unique!"

Nagtawanan pa kami. Lihim kong inaaway ang boyfriend ko sa akung isipan. Ano ba akala niya sakin? Magpapaagaw?

~~

Nagsimula ang seremonsyas sa simbahan. Nakasimangot si Clark habang naglalakad sa aisle. Partner kaming dalawa at sa chords kami naka-assign.

"Smile, honey," utos ko.

"Tss!"

"Ang daming tao. Ayusin mo nga ang sarili mo," wika ko habang nakangiti sa lahat.

Kilalang aktor si daddy kaya nagkalat ang media sa paligid. May mga bisita ring taga-showbiz na ininvite sina daddy at mommy Clara.

"Alam mo, hindi ako natutuwa sa mga sinabi mo kanina." Naglalakad kami papunta sa altar. Mabagal lang ang aming lakad.

"Alin? 'Yung sakin ka lang? Ayaw mo?" Kunot-noo niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi 'yon!"

"Ang alin ba?"

"Na baka ma-type-an ako nung Raffy at baka basagin mo ang mukha niya," mariing bulong ko.

"Ah, don't worry. Hindi biro 'yon."

"Clark Vincent! Ano ka ba? Nakakahiya kay Miss Raffy 'yung sinabi mo. Narinig ka niya kanina!"

Tumigil siya sa paghakbang. "Ano?"

"Huy, maglakad ka. Matatagal ang mga nasa hulihan!" Hinila ko siya na bakas sa mukha ang gulat. "Ano? Gulat ka? Oo. Babae si Miss Raffy! Siya lang naman 'yung nag-aayos sakin kanina," turan ko.

Tiningnan niya ako gamit ang mapungay na mga mata.

"T-talaga?"

Tumango. Napahilamos na lang ito sa sariling mukha. "Mag-sorry ka mamaya!" singhal ko. Saktong nasa harapan na kami at saka naghiwalay ng landas. Sa gawing kanan ang mga groom's men at kaliwa naman ang mga bride's maid.

~~

Habang nasa reception kami ay walang imik si Clark. Siniko ko ang braso niya. Nakatitig lang kasi siya sa kopitang hawak nito.

"Are you okay?"

Umling ito. "Nakakahiya. Samaham mo ko. Hihingi ako nang dispensa," aniya. Kinurot ko ang pisngi nito saka ako tumawa. Tiningnan niya ko at natawa na rin.

"I love you, honey," bulong nito bago ako hinalikan sa noo.

"I love you, too, Vincent."

To be continued...

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon