🌸CHAPTER 14🌸

1.3K 44 5
                                    

Chapter 14 -- WARNING

Araw ng Linggo, boses ni Kuya Zoilo ang gumising sa akin buhat sa mahimbing na pagkakatulog.

"Zai, gising na, baby! Magsisimba tayo ngayon." Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto at ang mga yapak ng paa nito. "Gising na!" Hinila ni kuya iyong kumot kong nakabalot sa aking katawan.

"Kuya, ano ba! Inaantok pa ko," wika ko habang pinipigilan ng todo ang pagkakahiwalay ng kumot ko sakin.

"Ikaw na lang ang hindi pa nakakagayak. Aalis tayo pagkatapos magsimba."

"Saan ba tayo pupunta?" Walang gana kong tanong. Bumangon ako para kumuha ng unan na pinantakip ko sa aking mukha saka nahiga ulit.

"Sa Cavite,"

Inalis ko ang unan at hinawi ang mga hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha ko. "What?"

"Sa Cavite nga. Doon raw sa bahay nila tita Clara pati sa orphanage kung saan siya nagvovolunteer bilang care giver ng mga batang walang magulang," sagot ni kuya. "Bangon na. Kumpleto kami sa baba. Ayusin mo na ang sarili mo." Tumayo na siya saka lumabas ng kwarto ko.

Ilang sandali pa akong natigilan.

'Sasama ba ko? Hindi naman yata kailangan ang presensya ko ro'n...pero nandoon si Clark,'

Napangiti ako nang maalala ang binata.

Mabilis akong gumayak. Naligo at nagbihis ako ng presentable at komportable ako. Maong shorts at hanging blouse lang ang sinuot ko. Pinatungan ko iyon ng kulay maroon na cardigan saka flats.

Sinuklay ko lang ng bahagya ang buhok ko then nilagyan ng clip. Light make-up then voila! I'm ready.

Dinampot ko ang sling bag ko at nilagay sa loob ang phone, power bank at wallet.

Nang bumaba ako ay nasa dining area na sila at nag-aagahan.

"Good morning," bati ko. Nilingon nila ako saka mga ngumiti maliban sa isang lalaking nakatuon lang ang mga mata sa harapan. Lumapit ako kay daddy at humalik sa pisngi nito. Ganoon din ang ginawa ko kay tita Clara.

"Kumain ka na, hija. Malayo-layo ang byahe natin ngayon dahil papasyalan natin ang orphanage na kinalakhan ng mga kaklase na kaibigan mo." Umupo ako sa tabi ni ate. Nakasoot siya ng maong jeans at Kamiseta t-shirt na kulay blue.

"Okay, dad." Sumandok ako ng pagkain ko at nanahimik. Sila naman ay panaka-nakang nagsasalita kapag may tinatanong si daddy or tita Clara.

Naiilang man ay pasimple akong lumingon sa gawi ni Clark. Abala siya sa pagkain.

Napanguso ako nang mapansin kong tumaas ang kilay niya habang nasa pinggan ang mga mata.

'Nakikita ba niya ko?'

Lalo akong nailang sa galaw ko.

"Baby, hindi ba masyadong maiksi yang hanging blouse mo?" tanong ni kuya sakin. Nang lingunin ko siya ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nilingon din ako ni Clark.

"Hanging blouse nga, kuya, e!" Uminom ako ng tubig dahil nakatitig na si Clark sa akin.

"Kahit na. It's too obvious, baby." Umiling si Kuya.

"Magpalit ka,"

Natigilan ako nang marinig si Clark. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Nakatitig lang siya sakin. "H-huh?"

"I said, magpalit ka." Iyon lang at bumalik na siya sa pagkain niya.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Panigurado namumula na ako ngayon.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon