🌸CHAPTER 17🌸

1.3K 43 5
                                    

Chapter 17 --DOUBT

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa nightswimming na iyon. Kahit na ang iingay nila sa van ay wala akong pakielam. Nanatili sa bintana ang paningin ko. Madilim at puro ilaw ng mga kabahayan lang ang nakikita ko pero lumilipad ang isip ko.

Ang sama ng loob ko sa dalawang iyon. Ang kapal ng mukha ni Cynthia para sabihan akong sinungaling gayong siya nga iyon. At ito namang si Clark... haist! I thought he loves me?

Bakit hindi niya ko magawang paniwalaan? Bakit ayaw niyang pakinggan ang mga paliwanag ko?

Iyon ba ang pagmamahal para sa kaniya? Bwisit siya!

"Clark, nakausap mo na ba si Cynthia?" tanong ni Tita Clara. Nakalingon siya sa gawing likod ng sasakyan.

"Hmm." Tipid na sagot ng kaniyang anak.

"Malamang gumawa ng kwento ang babaeng 'yon!"singhal ni ate.

"Zaira," suway ni daddy. "Zairene, anak... okay ka lang ba?"

Hindi ako kumibo. Para saan pa at magpapaliwanag ako? Mukhang nalason na ng babaeng iyon ang isipan ng mga taong ito. Lalo na si Clark.

"Zai, gusto ko sabihin sa'yo na naniniwala ako sa'yo," ani tita Clara.

Bumuntong-hininga na lang ako. "Ayos lang po. Hayaan na lang natin. Alam ni God na wala akong kasalanan at alam Niya kung sino ang nagsisinungaling."

Sinandal ko ang ulo ko sa salamin ng van. Pumikit ako. Ang mga luha ko ay nagbabanta na naman kasing bumagsak. Bwisit na 'to. Unlimited?

Hanggang sa makarating kami sa nasabing resort ay wala akong kibo. Hinawakan ni ate ang braso ko. Kumapit naman sa kabila si Shasha.

"Ayos lang 'yan, Zai. Ganoon talaga si Cynthia. Malaki kasi pagkagusto noon kay Clark. Bestfriend kasi sila mula pa noon. Nauna silang magkakilala bago pa kami dumating na apat sa orphanage." Mahabang kwento ni Shasha.

"At alam din namin na may pagkasinungaling ang babaeng 'yon. Kaya nga hindi namin siya maka-close kasi sobrang mapaggawa ng kwento. Kaya 'yung nangyari kanina? Alam na namin agad na scripted 'yon!"

Huminto ako sa paghakbang.

"Ganoon talaga ang babaeng 'yon?" tanong ko. Hindi makapaniwala.

Tumango sila sabay ikot ng mga mata. Natawa ako kahit paano. Gumaan na rin ang pakiramdam ko dahil sa kanila. May mga naniniwala pa rin naman pala sa akin.

Sa entrada pa lang ng nasabing resort ay napahanga na kaming lahat. Lalo na ako. May mga cottages kasing nakalutang sa mismong tubig-dagat.

"Guys, groufie muna tayo!" sigaw ni Melody. May hawak siyang cellphone saka monopad. Lahat kami ay ngumiti at nagkaniya-kaniyang pose. Ilang beses pang naulit ang shots.

"Bakit kaonti lang ang tao ngayon?" tanong ni Shasha.

"Ni-rent namin ang buong resort. Exclusive lang ang gabing ito para sa atin," wika ni Clark.

Hindi ko siya tinitingnan. Masama ang loob ko sa kaniya at wala akong balak makipag-ayos sa kaniya.

Nagsimula na silang lumangoy at paminsan-minsan pang kumakain ng dala naming pagkain. Ako naman ay naglakad-lakad muna upang makita ang dagat.

Payapa ang gabi at malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa akin balat. Naka sando at shorts ako saka may nakapatong na malapad na scarf katawan ko. Napapikit ako habang tinatanaw ang malawak na dagat at ang langit na puno ng mga bituin.

Nag-angat ako ng kamay saka animo hinawakan ang isa roon. Ipinikit ko ang isang mata ko.

"Star... hihiling ako, pwede ba?" nasabi ko ng wala sa sarili.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon