This chapter is for anjhuden 😊
Read her story "Wild Beat"Chapter 43
"WELCOME home, dad," bati ko rito nang salubungin ko ito sa terrace. Mahigpit ako nitong niyakap saka hinalikan ako sa noo.
"Thanks, bunso ko. Ayos ka lang ba?" Tiningnan pa ako nang mabuti ni daddy. Wala pa silang alam sa hiwalayan namin ni Clark. Tanging si Ate Zaira pa lang ang napagsasabihan ko.
"Yes! I'm fine," sagot ko. Humilay ito sa yakap sakin. Inalalayan nitong makababa ng sasakyan si mommy Clara. Kay Ate Zaira naman ito sunod na lumapit. Nakangiti itong yumakap rin sakin pero iba ang pinaparating ng mga mata. "Hi, mommy!" Masigla kong bati.
"Ang sarap naman sa tainga na tinatawag mo kong mommy, Zairene." Maluha-luha nitong saad.
Napangiti lang ako.
"Where's Clark?" baritonong tanong ni daddy.
Nagkatinginan kami ate. Nag-iwas lang ako nang tingin.
Ilang araw ko nang hindi nakikita si Clark. Marahil ay totoo nga na sa Cavite na ito talaga maninirahan. Masakit para sakin na hindi man lang siya nagpaalam pero mabuti na rin iyon. Hindi ako mahihirapan na umiwas pa sa kaniya.
"Ahm, dad, nasa Cavite yata," ani ate.
"Cavite? Bakit? Anong ginagawa niya ro'n?" tanong niya nang maglakad na kami papasok sa loob ng mansyon.
"Hindi ko ba nabanggit sa'yo na siya ang personal nurse ni Candy," wika ni mommy.
"Candy"
"Oo. Yung batang anak ni Cynthia na may sakit."
Tumango lang si daddy bago tumingin sakin. "E, kumusta naman ang preparasyon ninyo para sa kasal? I hope hindi naaapektuhan ng pagiging matulungin niya ang bagay na pinakaimportante sa bunso ko,"
Sa sinabing iyon ni daddy ay mabilis na nag-ulap ang mga mata ko. Pasimple kong pinunasan ang luha ko at nagitla pa ako nang makitang nakatingin sakin si mommy.
"Ahm..."
"Dad, nagugutom na ko. Kumain muna tayo," aya ni mommy kay daddy. Gusto ko magpasalamat dito dahil sa pagsalo sa akin.
Hindi ko pa yata kayang sabihin sa kaniya ang estado namin ni Clark.
Tumunog ang telepono sa gilid ko.
"Hello?"
"Zai?" Kumabog ang puso ko. Boses pa lang nito ay nagwawala na ang buong sistema ko. Unti-unting nagsikip ang dibdib ko dahil yung emosyon ko ay naghahalo-halo.
"Hmm? C-clark?"
"I miss you," aniya sa kabilang linya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang hirap na hirap.
Boses lang iyon pero parang nilamukos na ang puso ko.
Gusto ko ng bumunghalit ng iyak dahil kahit hindi ko man aminin, alam kong miss na miss ko na rin siya.
Huminga muna ako nang malalim. "N-nandito na sila d-daddy," sabi ko na lang.
"Bumalik ka na sakin, honey," ani Clark. Nagmamakaawa.
Syet!
Pumikit ako nang mariin bago hinarap sila daddy.
"Si C-clark po. Gusto kayo makausap," sabi ko at inabot ang awtobido kay mommy.
Oo. Iniiwasan ko siya dahil hindi ko kayang makausap siya.
Hindi ko pa matanggap na hindi ako ang priority niya.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
ChickLitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...