Chapter 31 -- SHE RETURNS
Malamig ang simoy ng hangin habang nakatingin ako sa buong kalangitan. Kanina pa ako nakatayo dito sa balkonahe. Ngayon na lang yata ako ulit napatitig dito. Bukas ay uuwi na ako ng Pilipinas. Makalipas ang mahigit walong taon ay muli kong masisilayan ang bansa na aking kinalakihan.
"Zai, may overseas call ka from Japan," ani tita Gracie habang hawak-hawak ang telepono. Nakangiti akong pumasok ng bahay saka inabot ang awtobido. "Si Celestine."
"Thank you, tita." Tinapat ko sa aking tainga ang telepono at saka masayang kinausap ang pinsan ko. "Hello, Celest?"
"Cousin! How are you? Uuwi ka ba sa wedding ni tito Zac at tita Clara?"
"Yes," sagot ko. "Kayo ba nila Almira?"
"Yes of course. Alam mo naman si daddy, mahal na mahal ang tito Zac. Gusto pa nga nitong siya ang maging best man ni tito Zac." Tumawa ang nasa kabilang linya. "Sinabi ko nga kay daddy na yung nag-iisang anak ni tita Clara ang best man. Anong name nun ulit?"
"C-clark," utal kong sabi.
After almost 8 years, oo. Ikakasal na si tita Clara sa daddy ko. Magiging opisyal na kaming magkapatid ng lalaking minahal ko... noon.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil finally, magiging masaya na ulit si daddy. Pero may sakit pa rin sa puso ko kahit paano.
Ang pag-alis ko noon ng bansa, kalungkutan ang palagi kong nararamdaman.
"So, kailan ang flight ninyo? Hindi ba magiging abala para sa'yo na iwanan ang firm mo dyan?" tanong ni Celestine.
"Hindi naman. Maiiwan naman dito sina Joshua saka pati si tita Gracie ay uuwi."
Nagtapos ako sa kursong civil engineering dito sa University of California. Nakapag-take na rin ako ng exam for board at nakapasa naman. At the age of 22, may sarili na akong firm. Gift sa akin ni daddy ang pinang-share ko sa mga naging kaibigan ko rito. Lima kaming magkakaibigan, sina Joshua at Shean ay mga kauri ni Tony. Habang sina Geraldine at Arlene naman ay mga kagaya kong dalagang pilipina.
"E, ibig mong sabihin... babalik ka rin dyan sa States para sa work mo?"
"Dito ko nakatira at papasyal lang ako ng Pilipinas, Calestine." Pagbibigay linaw ko.
"Oh come on! Alam mo bang pinilit ko na si daddy na mag-stay na lang kami for good sa Philippines?" Maarteng sabi nito. "At alam mo bang pumayag siya! Kaya kung ako sa'yo, uuwi na lang din ako ng Pinas for good. Para naman makapag-bonding tayo madalas!"
Buti pa sila. Gusto ko rin namang umuwi na sa bansan na sinilangan ko kaso kapag naiisip kong baka magkita kaming muli ni Clark ay napupuno ng takot ang puso ko.
Takot na baka muling tumibok ang puso ko na siya pa rin ang laman hanggang ngayon.
Pagkarating ko rito ay nahirapan ako nung una na makibagay sa lahat. Tanging si tita Gracie lang ang nakakausap ko madalas. Iba ang kultura ng mga tao rito sa California. Palagi akong umiiyak tuwing uuwi ako galing sa school dahil nahohomesick ako.
Mabuti na lamang at nakilala ko ang mga bago kong kaibigan. Tinulungan nila akong mag-adjust sa lahat ng bagay.
"Hindi ko yata kayang iwanan ang firm naming magkakaibigan." Bumuntong-hininga ako saka muling lumabas sa balkonahe. "Saka pasyal lang talaga ang dahilan ko pag-uwi... wala nang iba," bulong ko. Halos wala sa sarili.
"Fine! Alam ko naman na magbabago ang isip mo kapag muli kang natapak sa Pinas. I know you!" Natawa pa ito nang mahina.
Hindi ko na lang siya pinansin. Wala naman siyang alam tungkol sa naging relasyon namin ni Clark.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
Literatura FemininaDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...