Chapter 49
SIMANGOT ang mukha ni ate Zaira habang kinukwento ko sa kaniya ang nangyari kanina habang nandito si Cynthia.
"Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yon! Napakadesperada niya!" gigil na gigil si ate habang sinasabi iyon.
"Sa tingin mo ba, ate, may sayad ba siya sa isip? Bakit ganon siya umasta?"
"Well, baka sobrang mahal lang niya talaga si Clark kaya ganon," ani ate.
"Mahal? Kung mahal niya talaga si Clark, magpapaubaya siya. Hahayaan niya si Clark na maging masaya sa taong totoong mahal nito. Hindi 'yung gagamit pa siya ng batang may sakit para lang makuha ang atensyon ni Clark. Hindi niya napapansin may naaapakan siyang tao. Ayan si Geoffrey! Nawalan ng karapatan 'yung totoong ama ni Candy dahil sa kagagawan ng Cynthia na 'yon!" mahaba kong wika.
"Well, dear sissy. Wala na tayong magagawa kung ang pamamaraan niya magmahal ay ganiyan. Obsession na kasi 'yan."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Humawak ako sa aking buhok at bahagyang ginulo.
Tinapik nito ang balikat ko saka nagsalita. "Magiging maayos din ang lahat, Zai. Magpakatatag ka para kay Clark. Hindi no'n gugustuhin ang makita kang nagkakaganiyan."
Hindi ako sumagot. Napabuntong-hininga na lamang ako.
MABILIS na dumaan ang dalawang linggo. Wala pa ring malay si Clark pero nailipat na ito sa isang pribadong kwarto.
"Ayos na ba rito ang vase?" Hawak ni ate ang flower vase at akmang ilalagay sa gawing bintana. Tumango ako.
Inaayos ko ang kama ni Clark na medyo nagusot.
Lumapit si ate sa akin habang nasa pader ang mga mata.
"Ang effort mo, sissy. Matutuwa si Clark kapag nagising siya. Ang dami mong notes na sinulat sa memo pad at talagang dinikit mo sa pader."
Ngumiti ako bago napayuko.
Araw-araw ay nagsusulat ako sa kapirasong papel. Mga salitang gustong-gusto kong sabihin sa kaniya sa mga araw na nagdaan.
"Honey, gising ka na. Mamasyal tayo sa Island Cove sa Cavite. Namimiss ko ang dagat,"
"Himbing na himbing ka pa rin. Gising ka na. Hindi mo ba ko namimiss?"
"Alam mo, ang ganda ng araw ngayon. Ang saya siguro sumakay sa yate at mag-snorkling. Bangon ka na dyan."
"I miss you, honey."
"I love you. I always do. Gising ka na... please."
Tumulo ang mga luha ko habang binabasa ni ate ang mga iyon. Marami pa ang nandoon. Hindi lang niya nagawang basahin lahat dahil narinig niya ang mahina kong paghikbi.
Niyakap niya ko mula sa aking gilid.
"Malapit na 'yan gumising."
"Sana nga, ate. Miss na m-miss ko na siya," sabi ko habang hawak ang isang kamay ni Clark.
Tiningnan ko siya. Wala na ang tubong nakakabit sa bibig niya pero may oxygen pa rin sa mukha niya.
"Sissy, may tumatawag yata sa'yo," ani ate. Nilingon ko ang drawer at umiilaw nga ang phone ko. Dinampot ko iyon saka sumenyas kay ate na sasagutin lang ang tawag. Tumango naman ito.
"Hello, Arlene?"
"Hi, girl! O, kumusta na si Clark? Gising na ba?" tanong nito.
"Hindi pa nga e," turan ko habang isa-isang hinuhubad ang facial mask ko. Lumapit ako sa gawing bakal na nagsisilbing bakod. Mula sa kinatatayuan ko ay abot-tanaw ko ang kabuuan ng buong hardin ng ospital.
![](https://img.wattpad.com/cover/114991555-288-k848234.jpg)
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
Chick-LitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...