Chapter 27 -- TRUTH
Nagising na lang ako sa isang kulay puti ang dingding ng kwarto. Amoy gamot sa paligid at nang matingnan ang aking damit ay natigilan ako. Naka-hospital gown ako at may dextrose na nakakabit sa aking kamay. Sinubukan kong maupo pero sumakit ang tiyan ko.
"A-anong n-nangyari?" Medyo paos ang aking boses.
Biglang may tumayo sa gilid ko.
Nalaglag ang panga ko nang makitang bagong gising si Clark. Mabilis siyang lumapit sa aking harapan.
"Huwag ka muna tatayo. Sariwa pa ang sugat mo," aniya.
"A-anong s-sugat? Ano b-bang nangyari s-sakin?" Pumikit ako upang alalahanin ang nagyari noong araw ng intrams.
"Inoperahan ka dahil sa appendicitis mo. Pumutok iyon kaya kinailangan kang operahan." Naupo siya sa gilid ng hospital bed ko. "Bakit hindi mo sinabi na may masakit sa'yo? Nagpumilit ka pa ring mag-perform kasama ng mga kagrupo mo kahit na pwede namang 'wag ka na sumali."
"K-kailangan ako ro'n. Ako ang l-leader nila," sabi ko. "Where's my d-dad?" tanong ko sa kaniya.
Nanatili itong nakatingin sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha at... takot?
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Zairene, sorry kung nakipaghiwalay ako sa'yo. Alam kong naging duwag ako dahil hindi kita kayang ipaglaban gaya ng ginagawa mo pero maniwala ka, mahal kita."
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kaniya.
"Alam kong galit ka sakin. Ayos lang. Tatanggapin ko yon pero sana maintindihan mo rin ako. Hindi man ngayon... sana dumating ang panahon na... matatangap mo ko, kahit kaibigan lang," anito.
Napapikit na lang ako sa sakit.
Hindi dahil sa sugat na kakaopera lang sa akin. Kung hindi dahil sa mga sinasabi niya ngayon.
"O-okay lang. Naiintindihan ko," wika ko. Tila wala ako sa aking sarili dahil nakatulala lang ako sa kung saan. Naninikip ang dibdib konat nahihirapan ako huminga. Parang may mga maliliit na karayom ang tumutusok sa aking puso.
Napahikbi na lang ako at hilam ang mga mata sa sariling luha na ngumiti sa kaniya.
Biglang naging mapungay ang kaniyang mga mata. Hinawakan nito ang kamay ko pero binawi ko. Medyo nagulat siya pero kaagad ding nakabawi. Napayuko na lamang siya.
Walang tigil ang mga luha ko.
"May g-gusto ka ba kay... kay Maureen?" tanong ko. Nag-angat siya ng tingin at nakakunot ang kaniyang noo. "Boto sa kaniya ang mga kaibigan mo. B-bagay naman kayo. M-mabait at mukhang... mukhang may gusto rin s-siya sa'yo." Ngumiti ako ng pilit pero taksil ang mga luha ko.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Napayuko ako nang makita kong namumula ang mga mata niya.
Tumayo si Clark. Inayos ang sariling damit. Matunog ang ginawa nitong pagbuntong-hininga bago ako hinarap.
Blangko na ang titig nito at seryoso.
"Tama ka. Bagay nga siguro kami," wika nito na siyang kinatigil ko. Parang tumigil na rin ang pagtibok ng puso ko nung sabihin niya iyon. Kumirot ang sintido at ilong ko nang pigilan ko ang paglabas ng mga luha ko. "Magpagaling ka," anito saka humakbang papunta sa pinto.
Naitakip ko na lang ang kamay ko sa aking bibig nang lumapat ang pinto pagkalabas nito. Napasinghap ako habang umiiyak. Gusto kong hugutin ang karayom sa kamay ko at saka ko ito hahabulin.
Pipigilan ko siya.
Magmamakaawa akong huwag niya kong iwan.
Pero para saan pa? Lalaban ako pero ako lang?
Hindi ba dapat dalawa kami?
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
أدب نسائيDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...