This is for my bebe loveazia
Read her Ang Babaeng Walang Happy Ending 😊😊***
CHAPTER 6 -- DAD'S GIRLFRIEND
Gaya ng inaasahan, nilagnat na nga ako kinagabihan. Lalo akong na-stressed dahil sa sinabi ni Clark. Nakakainis naman kasi. Bakit ba sa tuwing titingin ako sa kaniya, palagi siyang nakatingin sa akin with matching his taas-kilay na mukha?
Hindi ako nakasabay kumain kina ate Zaira at kuya Zoilo kumain ng hapunan dahil sobrang masama ang pakiramdam ko. Dinalhan pa ako ni ate ng gamot saka gatas sa kwarto ko. Mabuti na lamang at walang pasok bukas.
"Kailangan mo magpagaling agad dahil bukas may bisita tayo," wika ni ate Zaira pagkatayo niya hawak na nito ang baso na pinaglagyan ng gatas na dala niya.
"Tuloy ba 'yon? Hindi ba pwedeng i-adjust?"
Umiling siya. "Lucky you, hindi pwede. Kaya wala si daddy ngayon ay dahil pinakiusapan niya 'yung direktor nila na ngayon na kuhanan 'yung mga eksena na para sana bukas. Imagine? Gano'n kagusto ni daddy na mapakilala sa atin si Tita Clara. Kaya kung ako sa'yo, magbabait ako at... magpapagaling. Good night, dear sissy. Don't forget to pray." Litanya niya bago ako iwanan sa kwarto ko.
Napabuntong-hininga na lang ako saka nilapat ang katawan sa kama.
~~~
Kinabukasan, mabigat pa rin ang katawan ko. Gusto ko matulog pa sana kaso si Kuya Zoilo ay nangungulit. Pilit niya kong pinababangon at mamimili raw kami ng susuotin para mamaya sa family dinner namin.
Faded blue jeans at violet tshirt lang ang sinoot ko at saka flats. Pinatungan ko rin ng cardigan ang katawan ko para kahit paano hindi ako ginawin.
Excited si kuya habang nagmamaneho siya. Si ate Zaira ay nasa front seat katabi ni kuya. At ako, sa passenger seat nakapwesto.
"Why you're so excited, Kuya?"
"What? I'm just... happy. You know... for dad." Nagkibit siya ng balikat. Nasa kalsada ang mga mata. "Why, aren't you happy for him?" Sinulyapan niya ako sa salamin.
Si ate ay lumingon din sa akin pero sandali lang.
"I don't know." Iyon lang ang nasabi ko. Napasinghap na lang ako ng wala sa loob.
"Baby sis, alam ko 'yang iniisip mo. Hindi mo pa nakakalimutan si mommy kaya ka ganiyan, 'no?" tanong niya. Hindi ako kumibo. "It's been... what? Seven years. Pitong taon ng wala si mommy, Zairene. Hindi ka ba naaawa kay daddy. Wala siyang kasama."
"Anong tawag mo sa ating mga anak niya, kuya?"
"Hay... ang bata mo pa kasi. May mga bagay kasi na hindi mo pa naiintindihan. I got your point and I understand you. Kaya lang, hindi naman siguro masama kung pagbibigyan natin si daddy this time. Naging mabait naman siyang ama sa atin, 'di ba?"
"Kuya, hindi ko naman kinukwestyon 'yung pagiging daddy ni dad sa atin. He's the most responsible father. Gusto ko rin naman siyang sumaya," depensa ko.
"Iyon naman pala, e. Alam mo na rin siguro na ito ang makapagpapasaya sa kaniya." Muli na naman niya akong tiningnan sa salamin.
Unti-unting nanlabo ang mga mata ko. Now what? Kontrabida na ba ako sa buhay ng daddy ko? No I'm not. I do love him because he's my father kaya lang, sa tuwing naiisip kong papalitan niya si mommy, hindi ko maiwasan na magalit o sumama ang loob sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
Literatura FemininaDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...