🌸CHAPTER 48🌸

1.3K 35 0
                                    

Chapter 48

HILAM ang aking mga mata dahil sa mga luhang walang tigil kung bumuhos. Ang itsura ko ay hindi ko na alintana. Puro dugo ang aking mga kamay pati ang itim na dress na suot ko.

Humahangos kaming pumasok ni kuya sa loob ng ospital habang si Clark ay walang malay.

"Clark, honey... please hold on. Lumaban ka," sabi ko. Alam kong malabo niya kong marinig pero gusto pa rin sabihin ang mga salitang iyon.

"Ma'm, sir, hanggang dito na lang po kayo," ani ng isang nurse na may hawak ng isang chart. Pumasok ito sa pinto kung saan naunang pinasok ang boyfriend ko.

Napasabunot si kuya sa sarili niyang buhok habang nakayuko. Ako naman ay sumilip sa kapirasong bintana ng pinto.

Nilalamukos ang puso ko habang natatanaw sa loob ang walang malay at duguan na si Clark.

Takot na takot ako na baka mawala siya sakin.

Hindi ko kaya.

"Zairene, wear this." Sinuot ni kuya sa balikat ko ang jacket nitong Nike ang tatak. Walang tigil ang iyak ko dahil sa magkakahalong pakiramdam.

Pagod. Awa. Takot.

Hindi ko alam.

Parang ito na yata ang pinakakinatakutan kong bagay na nangyari sa buhay ko. Parang nasa pinakamadilim na parte ako nito at puro takot lang ang bumabalot sa katawan ko.

Naramdaman ko ang kamay ni kuyang humahagod sa likod ko. Kapwa kami nakatingin kung nasaan si Clark.

Halos manlambot ang mga tuhod ko nang makitang may nilagay sila sa mukha nito. Oxygen tank ang nasa tabi ng nurse na humahawak sa bagay na nakapasok sa ilong ni Clark.

"Hello? Yes. Nandito kami sa La Consolacion Hospital. Oo. Sige," ani kuya sa telepono nito. "Zai, maupo muna tayo,"

Iginiya niya ako sa upuang kulay silver na pang maramihan. Nang makaupo naman ako ay napahagulgol na lang sa aking mga palad.

"Kuya, natatakot ako. Natatakot ako para kay Clark," wika ko.

"Makakaligtas siya. Magdasal tayo," wika niya habang nakayakap siya sa akin.

ILANG oras na ang lumipas mula nang ipasok sa operation room si Clark. Kinailangang matanggal kaagad ang bala sa kaniyang puso dahil mas lalong malalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay nito kapag nagtagal pa.

Kung gaano ako umiiyak ngayon ay mas doble pa ang kay mommy. Humahagulgol din siya habang nakayakap kay daddy. Si ate naman ay nakaalalay sakin dahil umalis si kuya para asikasuhin si Geoffrey sa prisinto.

Umabot nang dalawang oras ang operasyon nang sa wakas lumabas ang doktor. Kaagad akong napatayo maski na si ate ay ganoon din.

"Dok, o-okay na ba ang anak ko?" tanong ni mommy habang hawak ang kamay ni daddy.

"Successful ang operation pero hindi pa stable ang lagay niya. Kailangan muna niyang ilagay sa Intensive Care Unit dahil may mga organ niya ang nadaplisan ng bala."

"Magigising na po ba siya mamaya?" singit kong tanong.

"I'm sorry pero wala pa tayong katiyakan kung kailan siya magkakamalay..." Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. "...o kung hindi kakakayanin ng katawan niya, maaaring hindi na siya magising," malungkot nitong sabi.

Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Tila iyon isang malaking bato na pinampukpok sa aking ulo kaya natigilan ako.

Ang maingay na iyak ni mommy ang umalingawngaw sa kahabaan ng bahaging iyon ng ospital.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon