Chapter 23 -- GUILT
Lumipas ang mga araw, ganoon ang set-up namin ni Clark. Relasyong patago at lihim sa iba. Pero syempre, hindi ko na nilihim pa iyon kina Tony at Dashna. Pinakiusapan ko rin sila na manahimik at huwag ipagsasabi ang tungkol sa amin ni Clark.
Kontra pa nga ang dalawa nung una pero sinabi kong mahal ko talaga ito kaya wala na lang din silang nagawa.
"After ng practice ninyo ng pep squad, manonood ka pa ng practice nila Maureen at Zai?" tanong ni Dashna sa akin habang umiinom ng tubig sa mineral bottle. Tumango ako at pinunasan ang pawis gamit ang handy towel ko. Katatapos lang namin mag-ensayo ng mga ka-pep squad ko rito sa open field.
"Yes. Gusto ko bantayan ang bawat kilos ng boyfriend ko," sagot ko.
"Sus! Ang sabihin mo, babantayan mo lang si Maureen at ang iba pang contestants na mga posibleng dumikit sa dyowa mo!" singhal ni Tony. Inirapan ko lang siya. "Irap ka pa? Dukutin ko ang mga eye balls mo, e."
"Yuck! Kadiri ka talaga, Tony!" sabi ko habang tumatawa.
"Dyan magaling ang baklang 'yan. Mga bagay na gross!" segunda naman Dashna sa akin.
"Wow! Kayong dalawa, napansin ko pinagtutulungan ninyo ako lately! Mga palaka kayo!"
Nagtawanan kaming tatlo. Marami pa kaming pinag-uusapan. Tinanong nila ako kung anong pwedeng gawin na talent ni Clark sa event pero hindi ako sumagot. Akala nila nagdadamot lang ako pero wala talaga akong alam. Hindi naman ako nagtatanong. Ayaw kong isipin ni Clark na masyado na akong pumapapel sa buhay niya.
"Zairene." Nilingon ko si Mikael na ngayon ay nasa likod ko. Naka-school uniform ito at bitbit ang sariling bag.
"O, Mikael? Bakit hindi ka nagpapractice sa gym? Saka... dala mo ang bag mo? Uuwi ka?" Tumingin pa ako sa bandang likod niya upang sulyapan ang kaniyang bagpack na Nike.
"Oo. Half day. Masama kasi ang pakiramdam ko," aniya. Natitigan ko siya at oo nga. Medyo maputla ang kulay nito at namumula ng konti ang mga mata.
"Talaga? Sige na. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo. Magpagaling ka agad." Nginitian ko siya.
Medyo awkward ang pakiramdam ko nang hindi manlang ito gumanti ng ngiti sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Mike, ayos ka lang?" tanong ni Dashna.
Umiling ang binata. "Zai, can we talk?" Nagtinginan kami. Pati sila Dashna at Tony ay tiningnan niya. "In private. Please?"
Sa dating ng pagkakasabi niya ng please ay parang may nabuhay na kaba sa aking dibdib. Ngumiti ako ng pilit.
"S-sure." Nilingon ko ang mga kaibigan ko saka makahulugan na tiningnan. Mga tumango naman ang mga ito saka ako humakbang nang napansin kong naglakad na si Mikael.
Sumunod ako sa kaniya. Nang makasabay kami ay tahimik lang ito habang naglalakad.
"Bakit mo ko gusto makausap?" Panimula ko.
Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa dinaraanan namin. Maraming estudyante ang tumatawag sa amin. Ngiti lang ang sagot ko sa mga iyon pero si Mikael ay tahimik pa rin.m
At ver unusuall noon.
Kilala sa campus ng St. Francis si Mikael bilang masayahin at palakaibigan na estudyante. Neved itong nandedma ng mga taong gusto makipagkaibigan sa kaniya o kahit mga simpleng pagtawag sa kaniya ay sinasagot niya iyon.
Ngayon ay hindi.
"Kayo ba ni Clark?" Bigla niyang tanong.
Tumigil ako sa paglakad. Nang maramdaman niyang naiwanan niya ako ay huminto rin ito pero hindi ako nililingon. Ang mga mata niya ay napunta sa malaking arko ng gate namin.
BINABASA MO ANG
HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]
Chick-LitDate started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House. Kailan? Next year pa. Mauuna ang ROAA story. BOOK 1 & 2 po ay published na pareho dito. Para dere-deretso po ang pagbabasa 😊😊 Synopsis: ...